Chapter 3 Suitor

1225 Words
Kinabukasan maaga ako nagising para magsimba kami ng ate ko, tulog pa kasi ang mga kuya ko at si Papa hindi talaga sya religious na tao hindi sya palasimba hindi katulad kay mama. Umalis na kami at nag lakad lang kami papunta sa simbahan hindi naman ito ganuon ka layo nakasanayan lang talaga namin na maglakad papunta, exercise narin tutal hindi pa mainit dahil maaga pa. Kasama namin ang kasambahay namin na si ate Lorna kaya habang nag lalakad ay nag uusap usap kami sa daan, maaga kami nakarating sa simbahan dahil hindi pa puno ang mga upoan. Pumwesto kami sa bandang unahan sa pangalawang hilera kami umopo nasa gitna namin ni ate Denise si ate Lorna. Tahimik lang ako at nakatingin sa unahan naghihintay na mag umpisa nang may napansin akong may tumabi sa akin. Lumingon ako para tignan kung sino ang umopo sa tabi ko, nagulat naman ako nang makita ang nakangiting mukha ni Jasper na nakatingin sa akin. " Ikaw pala yan, buti sumama ka sa parents mo magsimba " nakangiti kong sabi sa kanya " Oo kasi inagahan ko talaga ang gising para makasama ako sa kanila magsimba ngayon " nakita ko nasa kabilang side nya nakaupo ang mommy at daddy nya kasama din ang mga kapatid nya, si Jasper kasi ang panganay at meron syang dalawa pang kapatid isang lalaki at isang babae. Binati ko lang ng good morning ang mga magulang nya bilang paggalang at binati din nila ako pabalik, ilang sandali lang ay nag umpisa na ang misa. Na ko-conscious talaga ako dahil kanina ko pa napapansin si Jasper nakalingon lagi saakin at minsan ay nagtatama ang mga braso namin hindi ko nalang sya pinapansin kahit alam ko na sinsadya na nya ito. Nilingon ko lang sya noong nag peace be with you na, at ang loko kumindat pa sa akin pagkatapos sabihin iyon. Nang matapos na ang misa lumapit si ate Denise sa mga magulang ni Jasper para batiin sila ginamit naman nya ito na pagkakataon para lumapit din sa akin at makipag usap. " Ang ganda mo ngayon Brianne, bagay papala sayo ang naka dress " ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. " Salamat, ang pogi mo din sa polo mo " biro ko sa kanya pero totoo naman talaga na pogi sya at bagay ito sa kanya. Natagalan pa si ate Denise dahil lumapit pa ito sa mga madre at kinamusta nya ang mga ito. " Anong oras ka pala pumapasok sa school? " biglang tanong nya sa akin, " Mga 6:30 ako umaalis ng bahay namin, bakit mo pala natanong? " " Ano kasi... pwede bang ihataid kita bukas, o kung ayaw mo sundoin nalang kita pag uwian nyo na? " nahihiya nyang sabi sa akin, ako naman nabigla saglit sa sinabi nya. " Bakit mo ako gustong ihahatid? " " Ano kasi... gusto kasing kitang makilala pa, at kung papayag ka gusto sana kitang ligawan " may kutob na ako na sasabihin nya ito pero iba parin talaga ang pakiramdam kapag sinabi na nya ito ng harap-harapan sayo. Hindi agad ako nakapag salita, " Ano kasi Jasper, hindi pa talaga ako pinapayagan ni papa na mag boyfriend. Medyo may pagka strikto kasi sya sa at kahit nga ang ate ko ayaw nya na payagan kahit nasa college na ito kaya secret lang pag may boyfriend ito " sabi ko sa kanya. " Eh di secret nalang din muna natin, manliligaw palang naman ako sayo sabihin natin na magkaibigan lang tayo " saad nya, nagkibit balikat lang ako at sinabing sya ang bahala. Nauna na kami umowi sa kanila dahil dadaan pa daw kami sa palengke sasamahan namin mamili si ate Lorna sakto bagsakan ngayon ng mga paninda galing sa mga baryo, tuwing linggo kasi bumababa sila para magbenta ng kanilang mga kalakal. Kumaway nalang ako kay Jasper dahil naiwan pa sila ng mga magulang sya, kumaway din ito pabalik sa akin na may kasamang flying kiss pa. Nakita ito ni ate Denise at tumawa naman si ate Lorna, mahina akong kinurot ni ate kunwari ay galit ito at tinukso na ako pagkatapos. " Anong meron sa inyo ng anak ni vice, boyfriend mo ba yun? " " Ate naman nag ganun lang boyfriend agad... hindi ba pwedeng magkaibigan lang. " sagot ko naman. " naku..dalaga na talaga ang baby namin may manliligaw na " sabi ni ate sabay akbay sa akin, tumahimik lang ako na parang hindi apektado pero ang totoo ay medyo kinakabahan ako na excited kung totoo man ang sinabi ni Jasper kanina na manliligaw sya. Well, tignan nalang natin kung totoo nga kasi na dala na ako sa past experience ko, hindi na ako mag a-assume baka hindi naman pala. Hihintayin ko nalang na gawin nya ito, at sa kung sasagotin ko ba sya ay tignan natin kasi kung tatanongin ako sa ngayon ay wala pa talaga akong something nararamdaman para sakanya. Oo gwapo sya pwedeng pwede pang display na boyfriend pero may standards ako. Lalo na kung sya man ang magiging first boyfriend ko dapat hindi ito basta-basta lang, dapat ay special ito at talagang andoon ang love. Naputol ang iniisip ko nang makarating ang tricycle na sinasaktan namin sa palengke. Namili kami ng mga kaylangan sa bahay at ang lulutoin ngayon, gusto ko talaga sumama sa mga ganito kasi na lilibang ako sa maraming naka display na paninda sa daan, pipili ka nalang sa kung ano ang gusto mo at nakikipagrawaran sa tindera. Naalala ko noong bata pa ako sinasama ako lagi ni mama sa ganito at ang galing nyang tumawad, minsan binibigay nalang sakanya dahil kaibigan nya ang may-ari. Maraming kaibigan si mama kaya sakanya kami nag mana ng mga kapatid ko, si papa kasi ay tahimik lang at kung hindi mo sya kilala ay ma i-intimidate ka talaga, may mga kaibigan naman si papa pero busy kasi sya sa negosyo kaya bihira lang sya makipag kita sa mga ito. Nagpunta naman kami sa may mga karne tapos na pala sila mamili ng mga gulay, gusto kasi ni papa mag ulam ngayon ng nilagang baka at kapag ganyan ang luto gusto nya fresh ang karne yung bagong katay mas masarap daw kasi ito at mas malasa. Nakapamili na nga kami ng lahat ng kaylangan, mabuti nalang at girl scout itong si ate Lorna may dala-dala syang malaking ecobag para paglagyan ng mga ito at para hindi kami mahirapan kakabit-bit ng maraming supot. Nang makauwi na kami sa bahay pumasok agad ako ng kwarto ko para magbihis dahil tutulong daw ako mag gayat ng mga rekados sabi ni ate para matuto daw ako. Narinig ko tumonog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa sling bag ko, 2 message receive nakalagay sa screen. Binuksan ko ito at nakita ko si Jasper pala ang nag text. " Hi, naka uwi naba kayo, kamusta ang pamilili nyo pinakyaw nyo ba lahat ng tinda? " " Yun palang sinabi ko sayo kanina seryoso ako doon, gusto kitang ligawan at mag u-umpisa na ako bukas susundoin kita sa school nyo. Aabangan kita sa labas nga gate ng school nyo. " Napangiti ako sa sinabi nya, seryoso nga talaga sya. Tignan nalang natin anong mangyayari bukas, nag reply lang ako ng okay at smiley face emoji. Naghihintay sa akin sa baba si ate baka mapagalitan ako dahil matagal akong lumabas sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD