( Read at your own risk...) Almost two weeks na akong nasa loob lang ng unit ko at nag papagaling, nahahakbang ko na kahit papaano ang aking isang paa kahit walang tulong ng saklay. May kunting kirot pa ito lalo na kapag nakatayo ako kaya dahan dahan lang muna ang kilos at hakbang ko. Nag hilum na din ang aking mga pasa at galos sa katawan last follow up check up nalang at pwede na akong pumasok ulit sa university. Magisa lang ako ngayon na bahay may site visit si Rad sa Cebu kaya ilang araw na s'yang wala, si Sam naman ay nasa school at mamaya pa ang uwi nito. Kanina pa ako nababagot at walang magawa. Naubos ko na panuorin ang lahat ng palabas sa TV, nag sasawa nadin ako ng kaka scroll sa social medía at kahit gustohin ko'ng matulog hindi naman ako dinadalaw ng antok. Napa buntong hi

