STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #47// "MAYBE you should take a break." Tila nagpapakamatay si Jet dahil ilang oras na itong nasa loob ng court nila. Ramdam na ramdam niya ang hindi na niya mabilang na patak ng pawis niya sa sahig. Kanina pa siya pinapatigil ni Xavier pero ewan ba niya kung bakit ayaw niya tumigil sa kaka-shoot ng bola. Alam niya konti na lang talaga mamamatay na siya. Mabuti pa nga siguro kung ganoon. Nang maubos na ang bola sa huli niyang three-point shot, bumagsak na siya sa sahig sa sobrang pagod. Inabot niya ang isang bola at niyakap ito sa dibdib niya habang sinusubukang habulin ang kaniyang hininga. Narinig niya ang yabag ng mga paa ni Xavier bago pa ito pumasok sa linya ng kaniyang paningin. "Man, if you want to die, I'd

