STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #44// "BABE?" nag-aalangang tanong ni Jet mula sa likod niya. Nagpahid muna ng bibig si Zoe bago inabot ang flush. "What?" "Are you pregnant?" Hindi napigilan ni Zoe ang paglabas ng isang tawa mula sa mga labi niya. "Are you crazy? Don't you know anatomy and that s**t?" pag-quote niya pa sa "boyfriend" niya. "If I am pregnant it's way too early for morning sickness, you idiot. Maybe I just ate something." Tumayo na siya kahit parang anomang segundo ay matitisod siya sa sarili niyang mga paa. Ayaw niyang makita ang repleksyon niya sa salamin dahil alam niyang hindi niya magugustuhan kung anong itsura niya ngayon. "What are you doing here, Jet?" tanong niya at pinatay na ang gripo. "It's a ladies' bathroom. You shouldn

