STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #25// ISANG nakakasilaw na ilaw ang bumulag kay Zoe nang alisin ang takip niya sa ulo. Halos dumikit na ang buhok sa mukha niya nang dahil sa pawis. Papikit-pikit pa siya dahil naga-adjust pa ang kaniyang mga mata pero may tumawag na sa kaniya. "Zoe... Armamento, right?" tanong ng babaeng mukhang Barbie doll na may blonde na buhok at pink na pink lipstick. Namukhaan niyang ito ang emcee ng event. Tinulungan siya nitong makatayo mula sa upuan at inangat ang isa niyang kamay para takpan nang kaunti ang liwanag na umaatake sa mga mata niya. "She really is a gem, isn't she?" Napadilat na siya ng ayos at nakitang may mga suot na pare-parehong itim na maskara ang mga tao sa ibaba ng stage. What the f**k?! Am I in the freaking

