YANNA'S POV Araw-araw mula nung pag-uusap namin ni Nathan, parang may bahagyang bigat na nabunot sa dibdib ko. Pero sa bawat text niya, sa bawat subok niyang makipag-usap, mas lalo kong nararamdaman ang pangangailangan kong putulin ang tali. Ayoko na. Ayoko na ng gulo. Ayoko na ng sakit. Ayoko nang may bumabalik pa. Nasa loob ako ng coffee shop kung saan ako madalas magpahinga tuwing break. Kakatapos lang ng pasok ko sa trabaho at pauwi na sana ako pero dumaan muna ako dito. Nasa sulok ako, may hawak na librong hindi ko naman binabasa, at pinagmamasdan lang ang kalsadang dinaraanan ng mga taong walang kamalay-malay sa mga bigat ng bawat isa. Then my phone vibrated. Nathan: "Can we talk today? Kahit sandali lang. Please." Sumandal ako sa upuan, mariing pinikit ang mga mata. Ilang bes

