LOHR’S POV Nakita ko siyang mag-isa sa harap ng maliit na milktea shop sa labas ng university gate. Naka-upo sa isang bench, nakayuko sa phone, at tila abala sa pagbabasa ng notes. Wala na ang pressure ng mga matang nanonood. Wala na ang ingay ng courtyard. It was the perfect moment. This time, walang eksena. No crowd. No flowers. Just me. Huminga ako nang malalim, siniguradong swabe ang ngiti ko, tapos lumapit. “Akala ko hindi ka na lalabas sa campus,” sabi ko, tinanggal ang shades at tumayo sa harap niya. Napatingala si Yanna. Kita ko agad ang gulat sa mga mata niya—at isang maliit na buntong-hininga. Hindi ko alam kung pagod o inis. “Lohr,” mahinang sagot niya. “Anong ginagawa mo dito?” “Hindi mo sinagot ‘yung tawag ko kanina.” “Busy ako.” “I can see that,” sagot ko, tumuro s

