Chapter Three

2350 Words
“SO how’s business?” tanong ni Kisses kay Ryan. Kasalukuyan silang naglalakad sa sea side ng Mall of Asia. Paboritong lugar nilang magkaibigan iyon mula pa noong high school pa lang sila. Madalas kasi sila sa mall na iyon. Doon sila nanonood ng sine, nag-ubos ng oras sa arcades, nagda-dine in at doon din sila madalas mag-bar. At sa sea side sila madalas napupunta ’pag napapasarap sila sa kuwentuhan. “Okay naman.Wala namang bago sa airlines maliban sa mga bagong sexy stewardess,” biro nito. “Ikaw talaga!” Pabirong hinampas niya ito sa balikat. “Ikaw, kumusta naman ang pasikat nang pasikat kong best friend ha. Marami ka na namang tanggap na projects ano?” “Hindi naman masyadong marami. Tama lang sa ganda ko,” biro niya na ikinangiti nito. “Ikaw bata ka palang masyado ka nang masipag sa work. Ingatan mo ang sarili, Kisses ha.” Huminto sila sa paglalakad at hinarap siya nito. Hinawakan pa nito ang kanyang mga kamay habang titig na titig ito sa kanya. OMG! Ito na talaga! Hindi maipaipaliwanag ni Kisses ang magkahalong excitement at kaba sa naglalaro sa sistema niya. She had been waiting for this moment since she was young. Ilang taon na niyang hinihintay na magtapat sa kanya si Ryan. She was more than happy if finally, their moment came. Hindi pa man nagaganap ay nabubuo na ang magical love story nilang dalawa sa isipan niya. “You know how much I care about you, Kisses right?” She nodded, trying hard to sound cool pero halos lumabas na ang puso niya sa lakas ng kabog noon. “Yeah, I cared so much about you,too.” “I know. At alam ko rin na pareho nating hinahangad na maging masaya tayo pareho sa buhay, ’di ba?” “Of course.” At magiging mas masaya ako ’pag sinabi mong mahal mo ako, Ryan. Ngayon pa lang, handang-handa na akong mag-I do. “Kisses…” She was surprised when he suddenly embraced her. Hindi nito inalintana ang mga taong makakikita sa kanila. “I want you to know that I love you.” Kisses became speechless. This is it! This is really the moment! Finally, narinig na niya ang mga katagang noon pa niya idinadalanging marinig mula sa kaibigang kay tagal na niyang lihim na minamahal. Sa pakiramdam niya, daig pa niya ang nasa romance movie. Parang hindi kayang talunin ng maingay na kapaligaran ang lakas ng t***k ng puso niya ngayong matamang nakatitig sa kanyang mga mata ang kaibigan. “Ryan…” She was so happy that time. Pakiramdam niya, iyon na ang pinakamagandang araw na nangyari sa buhay niya. “Whatever happen, you will always be the bestest best friend I ever had. You will always be special and my love for you will stay forever.” Bahagya nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya. “Naiintindihan mo ako, ’di ba?” He was sincerely looking into her eyes. She smiled. “Oo naman, Ryan. Actually, I love—” A cell phone ring interfered. It was Ryan’s phone. Bigla tuloy nawala ang moment nila when he answered the call. Ano ba iyan? Panira naman ng moment! “You’re here? Okay then.” Sinabi nito sa kausap kung saang parte ng sea side sila naroon bago nito tinapos ang tawag. Binalingan siya nito saka hinawakan ang kanyang mga kamay. “Come, may ipakikilala ako sa ’yo.” Then they walked towards a bar nearby. Meet the parents na ba ito? Though they had been best friends since high school, never pa niyang nakaharap ang magulang nito. Napatingin si Kisses sa magkasalikop nilang mga kamay nang may mapansin siya. She was waiting for her heart to beat faster, for the thrilling sensation that would run through her veins, for the weird feeling she also felt when Hershey once held her hands this morning. But…nothing came. Bakit kaya? Samantalang si Hershey… She shook her head. Si Ryan ang kasama niya ngayon. Kasasabi lang nito ng I love you sa kanya. Hindi tama na mag-isip siya ng tungkol sa ibang lalaki. Simula pa lang, nagtataksil na siya. Oh my, no! “Ryan!” Isang Chinitang babae ang nakangiting lumapit sa kanila at agad humalik sa labi ni Ryan nang wala man lang ka-intro-intro kasabay ng biglang pagkalas sa pagkakahawak nito sa kamay niya as if putting a sign of letting go. Nanlaki ang mata ni Kisses at naestatwa siya sa nakikita. Ano’ng eksena ito? ’Di ba nag-I love you na siya sa akin? Bakit may ganito? Puno ng tanong ang kanyang isipan nang magsalita ang babae habang nakatitig kay Ryan ng buong pagmamahal. Ouch! “Hon, pasensiya na, ha. Naipit ako sa traffic, eh,” sambit ng babae kay Ryan. “It’s okay, hon.” Hello, can anybody explain? I’m here oh, shocked and broken. Can’t you see? Though alam na niya ang ibig sabihin ng tawagan ng mga ito, gusto pa rin niyang marinig mismo ng tainga niya na tama ang hinala niya. Mayroong sila at walang kami. At the same time, she’s taking her might to gather all the strength she needed for her not to show any weak emotion at the moment. Sa wakas ay binalingan siya ng babae. “Oh, you must be Kisses!” nakangiting bati sa kanya ng babae. Hindi pa nakuntento at nakipagbeso-beso pa ito sa kanya. “I heard so much about you. Finally we meet!” Feeling close? She faked a smile and turned a questioning look to Ryan. She was silently praying na hindi mahalata nito na tensyunado siya. Ayaw niya mauwi sa complicated situation. Ayaw niya sa nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Inakbayan nito ang babae. “Kisses, this is my fiancée, Gerese.” “A-Ano? F-Fiancee?” Pero kasasabi mo lang mahal mo ako. Gusto sana niyang idugtong iyon pero pinigilan niya ang sarili. Binalingan niya ang babae. Magmamaldita sana siya kung hindi lang niya nakikitang mukhang mabait ang babae at mukhang mahal na mahal ito ni Ryan. “H-Hi…” That’s the only word she was able to utter. Nagyaya na si Ryan na pumasok sa bar. Sa isang iglap naitsapwera siya. Kung kanina lang ay halos liparin siya sa cloud nine nang sabihin nitong na mahal siya nito, ngayon ay parang ibinagsak siyang bigla mula sa ulap. Kanina lang ay sa kanya lamang ang buong atensyon nito, pero ngayon ay tila nakalimutan na siya nito. Magkayakap sa baywang ang dalawa habang naglalakad papasok sa bar, samantalang siya ay bigong-bigong naglalakad sa likod ng mga ito, nag-iisa, at walang magawa kundi ang manood na lang. Oo, mahal mo ako…bilang kaibigan. Pero mahal kita, Ryan, higit pa roon. Maraming tanong sa isipan ni Kisses. Bakit hindi agad sinabi nito sa kanya na may girlfriend na pala ito? Umasa pa tuloy siya nang bonggang-bongga. Bakit kailangan pa nitong ilihim sa kanya ang lahat? Bakit kailangan pa nitong sabihing mahal siya nito kung ibang pagmamahal pala iyon? Buti na lamang at hindi niya naamin dito ang totoo niyang naramdaman. At mananatili kang walang alam, Ryan. “Oh Kisses, ano ba’ng ginagawa mo riyan? Tara na.” Nakangiting hinila nito ang kamay niya. Nakangiti din sa kanya si Gerese. Samantalang siya, mukha natutulala pa rin. Napatingin siya sa magkasalikop na kamay nina Ryan at Gerese habang ang isang kamay ng kaibigan ay nakahawak sa kamay niya. Magkaiba ang paraan ng pagkakahawak nito sa kanilang dalawa. Ang sa mga ito ay may halong pag-ibig at tila iba ang dating ng pagkakabigkis— may kilig, may romance. Samantalang ang pagkakahawak ni Ryan sa kamay niya ay pawang genuine care lamang ng isang kaibigan. Isang kaibigan… Tila kutsilyong tumutusok ang katotohanang iyon sa kanyang puso. Noon lamang tila nag-sink in sa puso niya ang katotohanang iyon. And that made her eyes teary and about to shed. “Ahm…Ryan… s-sa restroom muna ako.” Tumungo siya. Hindi na niya hinintay ang tugon nito. Dire-diretsong nagtungo siya sa restroom. Ngunit bago siyang tuluyang makalayo ay narinig pa niya ang tanong ni Gerese kay Ryan. “Hon, okay lang ba siya?” Pabalang na napatawa siya habang tumutulo ang luha niya. Okay lang ako. Sinuwerte ka lang. Ikaw ang pinili ng taong minahal ko. Pero okay lang ako… Napahikbi siya. Kung kaya ko lang sanang lokohin ang sarili ko. Pumasok siya sa cubicle sa restroom at doon impit na umiyak. Iyon ang unang pag-ibig niya at unang heartbreak experience. Masakit pala…masakit pala talagang mapatunayan na hindi ka kayang mahalin ng taong minahal mo. At mula sa mga sandaling iyon, kabilang na siya sa liga ng mga bigo sa pag-ibig. Pero kailangan niyang ibangon ang nasaktan niyang puso. Agad niyang inayos ang sarili. Nag-retouch siya ng make-up. Kung anuman ang pain na pinagdadaanan niya, walang malalaman si Ryan. Kung kailangan niyang magpanggap at umarteng hindi siya affected at masaya siya para sa kaibigan, gagawin niya. Nang maibalik niya ang composure ay lumabas na siya ng restroom at binalikan sina Ryan at Gerese. Natigilan siya at muling nawalan ng lakas ng loob nang mapagmasdan ang dalawa. Masakit mang tanggapin pero dapat niyang aminin na bagay sila. They really looked good together. Kahit hindi PDA ang mga ito ay kitang-kita pa rin ang lambing nila sa isa’t isa, mga bagay na hindi nakamtan ni Kisses sa piling ng kaibigan. Pasimpleng kinapa ang puso. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay durog na durog na iyon. She had to escape or else he would notice that there’s something strange on her. Huminga siya nang malalim para ibalik ang composure niya at saka lumapit sa mga ito. Isang fake na ngiti ang ipinaskil niya. “Ryan, I’m sorry. My mom just called. Pinapauwi na ako at may pag-uusapan kaming importante. Ahm… business matters.” “Ah, gano’n ba? Hatid na kita.” Umiling siya. “No ’wag na. I have my car. I can manage. Just…ah well, just enjoy the rest of the night together. Bye!” Ouch! Tumalikod na siya sa mga ito at naglakad palabas ng bar nang tawagin siya ni Ryan. Sinundan pala siya nito. “Kisses, may problema ba?” Natigilan siya sa paglalakad. Huminga siya nang malalim bago ito hinarap. “Wala naman, sige balikan mo na siya. Baka mainip iyong fiancée mo.” “Masaya ka naman para sa akin, ’di ba?” Adik ka ba? “Oo naman. Sige na, nagmamadali ako, eh.” “Kisses…I want you to be our wedding coordinator.” Punyemas! Manhid ka ba? “S-Sure. Of course.” Ngumiti ito. He moved closer and kissed her cheeks. “Thank you. Take care, okay?” Then he turned back and entered the bar. Samantalang siya ay muntik nang mang-agaw ng bote ng beer sa kahit sinong makikita niyang nag-iinuman sa labas ng bar para ipukpok iyon sa ulo ng kaibigan at nang matauhan. Gusto niya sumigaw at gusto niyang magwala pero hindi maaari. She went to the parking lot. Nagkataon namang bago niya marating ang sariling kotse ay madadaanan niya muna ang kotse nito. Saglit siyang napahinto at naalala ang ilang mga memorable na road trip nila ni Ryan noon gamit ang kotse nito. Diwang saksi ang kotse nito sa magandang pagkakaibigan nila ni Ryan. Hindi pa rin halos mag-sink in sa kanya ang nangyari. Hindi pa rin niya matanggap. Bakit hindi siya ang pinili ni Ryan? Hindi ba worth it ang pinagsamahan natin para mahalin ako? Am I not pretty enough for you?Paano mo ako napaniwalang mahalaga ako sa 'yo? Bakit iningatan ko ang feelings ko para sa 'yo kung hindi naman pala worth it? Bago pa siya mapaiyak na naman ay nagdesisyon na siyang lagpasan ang kotse nito. Agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon palayo sa lugar na iyon… palayo sa lalaking dumurog sa puso niya. Hindi niya alam kung paano magsisimulang pulutin ang nabasag niyang puso. Nang huminto ang sasakyan dahil sa traffic ay nagsimula siyang magsermon sa sarili. “Sino ba naman kasing nagsabi sa ’yo na umasa ka, Kisses? Ikaw itong nagpakatanga. Naging sweet lang iyong tao, inisip mo na agad na may gusto rin siya sa ’yo. Masyado kang nagpakatanga sa konsepto ng love na iyan.” Hinayaan niyang tumulo ang luha niya. “Ano ka ngayon? Sawi! Bigo! Sa susunod kasi, utak ang gamitin mo hindi iyang pabebe mong puso!” Naistorbo ng pag-ring ng cell phone niya ang kanyang pagsesermon sa sarili. The name Rover Manalili appeared on the screen. Sakto namang umusad na ang traffic. She decided to park in front of a convenience store and answered the call. “Yes, Mr. Manalili, good evening.” Mahirap ang schedule ng celebrity client niyang ito kaya sa tuwing tatawag ito ay agad niya itong sinasagot. “How’s your meeting with Chef Hershey?” tanong agad ni Rover. “It went well, Mr. Manalili. All we need is to set schedule for food tasting.” She tried to make her voice as lively as she could. “That’s great! I’ll text you our schedules so that we can set a meeting with Chef Hershey as soon as possible.” “Alright then.” Napabuntonghininga siya matapos ang call. Habang hinihintay ang text ni Rover, biglang may nag-beep na Facehook notification sa cell phone niya. She opened it and found out that Chef Hershey sent a friend request. She viewed his profile at tumambad sa kanya ay ang profile pic nito— ang pares ng paa niyang nakasuot ng stillettos. It was posted with a caption, ‘Ang naligaw mong mga paa ang naghatid sa ’yo sa aking piling.’ Bahagyang napangiti siya dahil doon. A poetic chef and photographer. She had this weird feeling that she must learn more about this guy. It seemed like they were meant to meet. And maybe, just maybe, this guy would play a role in her life soon. The thought made her more curious about Hershey. She confirmed his friend request and started stalking his account while waiting for her client’s message. Na-receive na niya ang hinihintay na schedules mula sa client. Nang maisulat sa notebook ang schedules ay tinawagan na niya si Hershey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD