CHAPTER EIGHTEEN -He's Plan

2572 Words
Everest POV. ISANG MALAKAS at mahaba na panghikab ang lumabas sa bibig ko sabay pag-una't-unat ko sa mga braso ko ng maramdaman ko na tumamawa sa mukha ko ang sikat ng araw galing sa bintana ng kwarto ko. Kagigising ko lang galit sa mahaba kong tulong, umupo ako sa kama at tumingin sa bintana ng kwarto ko kung saan nakabukas pa ito. Mukhang hindi ko namalayang hapon na pala dahil ang haba pala ng tulong ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa itaas ng lamesang nasa gilid ng kama ko sabay tingin sa oras. "Ahm. It's already 3:50 P.M, kaya pala mukhang nagkukulay orange na ang kalangitan ngayon."-wika ko sasarili ko habang nakatiting sa labas ng bintana Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa lamesa ng makuha ang atensyon ko na may nakakabit na sulat sa likod ng cellphone case ko kaya agad ko itong kinuha yun. It was a small yellow sticky note at may nakasulat doon. And it says, Good afternoon my sleeping witch Everest. Umalis naako kanina palang habang tulong ka, hindi na kita ginising dahil mukhang mahimbing ang tulog mo. Anyway. Pwede ka bang manoond ang interview ko bukas sa Poppatch –Hihintayin kita doon sa studio. ILY. Your idol, Felix Jaun. Tumaas ang isang kilay ko matapos kung basahin ang nakasulat sa sticky note na iniwan ni Felix para saakin. Ang tanginang pagong lalaking yun. Talagang nang-iwan pa talaga ng sulat para sabihing umalis na siya, pwede namang i-text nalang niya saakin. Natigilan naman ako ng bigla kong naalala kung anong nagyari kanina, kung anong dahilan kung bakit pumunta dito sa bahay namin si Felix dahil sa gusto niya akong maka-usap. Napahawak ako bigla sa labi ko ng maalala yung mapusok na halik na pinagsaluhan naming dalawa kanina. Hanggang ngayong ramdam ko parin ang labi nito at nasa isip ko parin ang mga sinabi nito saakin. How could he tell me that I love me, na pinagsisihan niya ang lahat. Na gagawin niya ang lahat para mapatawad ko lang siya. Kahit na paulit-ulit kong ipangtaboyan si Felix alam ko na babalik at babalik parin ito saakin at gagawa parin ito ng paraan para mapatawad ko siya. Ganon ba talaga magmahal ang isang International idol. Ganon ba magmahal ang isang Felix Jaun Sysco, na kahit saktan muna siya, iwanan siya at ipangtaboyan mo ng paulit-ulit maninitili parin sa tabi mo at mas lalo ka paring mamahalin. Inaamin ko sa sarili ko. Nakita ko na seryoso si Felix sa bawat salitang binitawan nito para sakin. Nakita ko rin sa mga mata nito na Mahal niya talaga ako. Pero aasa ba ako na hindi niya ako sasaktan. Aasa ba ako na yung pagmamahal niya saakin ay hindi magwawakas, na mamahalin din niya ako hanggang dulo. Ganito pala talaga ang pagmamahal, nakakatakot sumugal, nakakatakot masaktan. Nakakatakot magmahal kung ang kapalit ng lahat ng saya ay kalungkotan. Nasaktan na ako noong una, hahayaan ko paba yung sarili ko na masaktan pa ulit. I could not let that happened again. Pero paano ko naman magagawa yun, eh. Pagdating sakanya nagiging marupok din ako minsan. Napailing nalang ako sabay buntong hininga dahil sa mga eksenang pumasok ko sa isip ko tungkol kay Felix at kung anong gagawin ko para makaiwas sa binatang yun. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at dumiretso sa pintoan ng kwarto ko saka binuksan ko yun at lumabas. Paglabas ko palang ng kwarto ko ay naabotan ko si Kuya David na pababa na sana ng hangdan pero agad din nakuha ko ang atensyon nito kaya napatigil ito at tumingin saakin. "Oh. Gising kana pala."-nakangiting aniya nito saakin Tumango naman ako "Nasobrahan yata ako ng tulog at hindi ko napansin na hapon na pala."-sabi ko rito at lumapit sakanya sabay kaming bumaba nito sa hangdan "Na sobrahan sa tulog o na sobrahan sa laplapan ninyong dalawa ni Felix doon sa sala."-seryosong bigkas ni Kuya David sakin Nabilaokan naman ako sasarili kong laway dahil sa narining ko sakanya. Agad akong tumingin kay Kuya David habang sapo-sapo ko parin ang dibdib ko dahil sa pag-ubo ko. "K-Kuya naman. Ano ba yang sinasabi mo?"-pagmaang-maangan kong tanong sa nakatatandang kapatid ko Tumaas naman ang isang kilay nito at matalim akong tiningnan "Ngayon nagmaang-maangan kana saakin. Everest. Anong sa tingin mo saakin hindi ko makikita ang ginagawa ninyong dalawa ng lalaking."-seryosong wika nito "Baka nakakalimutan mong yung sala natin ay konektado sa kusina na natin, at baka nakalimutan mo rin na nasa loob lang ako ng bahay wala sa mall."-masamang tingin nito saakin sabay kirot ng tagiliran ko ni kuya David Napangiwi naman ako rito "Kuya naman eh. Hindi naman ako yung humalik kay Felix siya kaya yung unang humalik saakin."-pagdepensa ko sa sarili ko "Sige. Sabihin natin siya yung unang humalik sayo. Eh. Ano yung ginawa mo? Second lead laplapan s***h nasarapan ka sa labi niya."-hindi makapanilawang sabi ni kuya saakin Napairap nalang ako sa hangin saka naiinis na sumasok sa loob ng kusina namin. Minsan talaga itong si Kuya makapang-inis at makapang-biro saakin wagas kaya minsan ang sarap hampasin ng Dos por dos ang mukha, pasalamat siya kapatid ko siya. "Oh. Bakit ka umiiwas sa sinabi ko. Everest." Sumunod ito saakin papasok sa kusina Naiinis naman akong tumingin sakanya "Kaya naman kasi. Yung halik na ginawa naming dalawa ni Felix hindi yun laplapan s***h nasarapan ako. French Kiss yun Kuya. French. Kiss."-mas diniinan ko pa talaga yung salita sa dulo ng sinabi Saka kuna na realized yung sinabi ko ng makitang sobrang naging seryoso na ang mukha ni Kuya David saakin na walang halong biro na sa mukha nito. Napakagat-labi nalang ako at lumapit ako sa coffee maker namin saka nagsalin ng kape sa tasa ko at kaya Kuya David. "French Kiss huh. Binabalaan na kita Everest dahil diyan sa nararamdaman mo para sa lalaking yun. Kahit hindi mo sabihin saakin na may gusto ka sa International idol na yun, kitang-kita ko sa kislap ng mata."-seryosong bigkas ni Kuya David sakin "I'm warning up you Everest. Nasaktan kana noon dahil sa isang lalaki –dahil kay Jackson. Wag mo namang ulitin yun dahil lang sa Felix na yan. Remember Jackson and Felix are close friends."-paalala nito saakin "Baka malay natin yang pagiging malapit sayo ni Felix ay plano lamang nilang dalawa ni Jackson. Friendships goal." Malalim naman akong napabuntong hininga sa sinabi nito saakin. Kuya David is right, hindi dapat ako magpadalos-dalos sa desisyon ko baka masaktan lang din ulit ako. "Naiintindihan ko yun Kuya. Don't worry kaya ko ang sarili ko at hindi ako masasaktan pa ulit."-saad ko rito Tumango naman ito "I hope so. Everest." Ako naman ay itinuloy ang pag-inom ko ng kape. Isang mahabang katahimikan ang bumalot saaming dalawa ni Kuya ng oras na yun. Matapos kong maabos ang kape na laman ng tasa ko ay agad akong nagpaalam na babalik na ako sa kwarto ko. "Tatawagin nalang kita kapang nakapaghanda na ako ng dinner natin dahil hindi ka pweding matulog kapang walang laman yang bituka mo."-sabi nito kuya saakin, tipid lang akong tumango sakanya Pagpasok ko agad sa loob ng kwarto ko ay agad akong nag-lock ng pinto at tumasok ako sa loob ng banyo para maligo, at maghanda para magpahinga ulit dahil seven-ten na pala ng gabi. Matapos akong mag-shower ay nagbihis na ako ng damit ko pantulong. Lumabas ako ng banyo saka umupo sa gilid ng kama habang hawak ko sa blow dryer para sa buhok. Habang tinutuyo ko ang buhok ko ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa gilid ng kama, nagtaka naman akong kinuha yun at tiningnan kung sino yung tumawag saakin. FELIX'S CALLING... Yan ang basa ko sa pangngalan na naka-phone book sa cellphone ko. Ano naman kaya ang pumasok sa utak ng lalaking ito at tumawag pa saakin ng ganitong oras. Sa halip na sagutin ko ito ay kinan-cancel nalang, wala ako sa mood para kausapin siya lalo na ng nakita pala kaming dalawa ni Kuya David sa sala na naghahalikan. Ituloy ko ang pang boblow dry ng buhok pero yung pagong na si Felix hindi talaga ako tinantanan ay sampung beses na paulit-ulit na tumatawag saakin. Naiinis akong dinampot ang cellphone ko at marahas na bumuntong hininga bago sagutin ang tawag nito. "Bakit ka napatawang?"-deretsong tanong ko nasa kabilang linya "Oh. Bakit mukhang galit ka dahil tumawag ako?"-natatawang tanong din saakin ni Felix Napairap naman ako para pigila ang sarili ko na hindi sumabong sa inis. "Nagboblow dry ako ng buhok pero hindi ko natapos dahil bigla ka nalang kasing tumawag."-sagot ko rito Dining ko naman ang mahinang tawa nito dahil sa sinabi ko. "Sorry. Na istorbo kita." "Bakit kaba kasi napatawang? Felix."-tanong ko "Na miss lang kita kaya tumawag ako sayo."-mahinang bigkas nito ni Felix sakin Natigilan naman ako at nagulat sa sagot nito. Napahawak ako sa dibdib ko kung saan ang puso ko, sobrang bilis ng t***k ko ng puso ko na parang may karera ng kabayo doon sa loob at may kumikiliti sa loob sa tyan ko. Sinabi nga lang ni Felix na miss niya ako ganito na ang reaksyon ng puso ko, paano nalang kung sabihing niya mahal niya ako baka himatayin naako. Pero wait. Kalma kalang self at wag kang marupok dahil lang sa simpling salitang miss ka niya, remember masasaktan kalang –so. You must keep your distance from him. Tumikhim ako bago magsalita ulit "Tigilan mo ako diyan sa mga kalokohan mo, Felix."-pilit kong seneryoso ang boses ko para hindi niyang mahalata na nakangiti ako pala ako Narining ko naman ang pigil nitong tawa. "Wala ba kayong practice ngayon, dahil sa pagkakaalam ko malapit na yung Anniversary Concert ninyo?"-tanong ko sakanya "Bukas pa yung dance practice namin, may interview kami bukasa sa poppatch."-saad nito "Well. Speaking interview, pumunta ka sa bukas sa studio ng poppatch hihintayin kita doon."-paalala nito saakin Napag-isipan ko narin kanina ang tungkol kung pupunta ba ako sa interview nila. Wala namang masama kung pupunta ako doon, besides ang alam ng buong mundo na ako ang girlfriend ni Felix. Kahit hindi naman totoo. Tumikhim ako bago magsalita sana para sabihin kay Felix na pupunta ako ng may narining akong boses babae sa kabilang linya. "Felix. Kumain na tayo nagluto ako ng paborito mong ulam." Yan ang sabi ng babae sa kabilang linya, narining ko rin ang naging tugon ni Felix sa babae "Susunod na rin ako Jade, hintayin mo nalang ako sa kusina." Tura ni Felix sa babaeng kasama niya Natigilan naman ako sa narining kong pangngalan ng babaeng kasama ng binata. Kung hindi ako nagkakamali, Jade yung pangngalan ng kasama niya at Jade din yung nabalita sa T.V nakayakap ni Felix bago ako pumunta sa Canada. Nag oras na yun naramdaman ko ulit na kumirot ng yung puso at ramdam ko yung sakit na parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Paulit-ulit nagre-rewind sa isip ko na magkasama si Felix at yung Jade ngayon at nasasaktan ako dahil doon. Ito na nga yung sinasabi ko masama talaga ang pagiging marupok dahil masasaktan kalang. "Everest. Nandiyan ka paba."-wika ni Felix sa kabilang linya, agad ko namang pinahid ang luha sa mga mata ko at malalim na bumuntong hininga. "Oo. Nandito pa ako. Tungkol pala sa interview ninyo bukas, mukhang hindi ako makakapunta."-saad ko kay Felix "Huh? Bakit naman? Please. Everest pumunta ka."-nagmamakaawa nito saakin, magsasalita na sana ako ng bilang tumunog ang cellphone ko na isang hudyat na may income call ako kaya tinitigan ko yun. JACKSON Calling... Basa ko sa income call ko. Nagtataka naman akong makita tumawag saakin si Jackson ngayon, may problema kaya ito. Dahil sa naalala ko matapos kaming dumating dito sa pilipinas dalawang linggo ng nakalipas hindi ito tumawag saakin, Ngayon lang ito ulit tumawag saakin. Tumikhim ako bago magsalita "Sorry. Felix pero hindi ako pupunta and that is final."-saad ko sa binata para maging malinaw sakanya "Everest. Bakit ayaw mong pumunta? At sino ba kasi kay tumatawag sayo."-halata sa boses nito ang inis "Si Daddy yung tumawag."-pagsisinungaling ko rito "Sige paalam muna at kumain kana rin, mag-uusap pa kaming dalawa ni Daddy."-huling lintaya ko bago ko pinatay ang cellphone ko Alam kong hindi na niniwala saakin si Felix sa sinabi ko na daddy ko yung tumawag, naramdaman ko yun. Ayaw ko lang sabihin sakanya nasi Jackson yun baka magalit siya at pag-ayaw pa ang dalawa. Bumuntong hininga ako saka inaayos ko ang pagkakaupo ko sa kama bago ko sagutin ang tawag saakin ni Jackson. "Anong kailangan mo saakin?"-deretsong tanong ko kay Jackson sa kabilang linya "Uh. Why so heat headed? Everest. Bakit mukhang galit ngayon?"-nagtatakang tanong saakin ni Jackson ng magsalita na ito Ako naman ay hinilot nalang ang sentido ko at pigilan ang bibig ko na hindi magsabi ng totoo kay Jackson. Ayaw ko na pati siya dumangdang sa problema ko kapang nalaman niyang nagseselos ako sa kasama ni Felix ngayon. Wait. What? Natigilan ako at napakurap ng mag-sink-in sa utak ko ang sinabi ng isip ko. Ako nagseselos sa kasamang babae ngayon ni Felix, which is ay nagngangalang Jade. Nagseselos nga ba talaga? O talagang sinabi lang ng utak ko na nagseselos ako dahil nalaman ko na magkasama sila at pinagluto ni Jade si Felix ng paboritong ulam nito. Baka nga nagseselos lang ako ng narining ko kay Jade na pinagluto niya ng paboritong ulam si Felix, dahil ako hindi ko yun nagawa kay Felix –yung ipagluto siya ng mga masasarap na pagkain o kahit ang paborito niyang ulam. Mapakla nalang akong natawa sa sarili ko. Well. Paano ko naman ipagluluto si Felix ng masarap na pagkain at paborito niyang ulam, eh, hindi naman akong marunong magluto. "I can't even cook without burning the whole kitchen."-mapaklang wika ko sasarili "Kaya nga nandito ako Everest para ipagluto ka."-bigkas ng nasa kabilang linya ng cellphone ko Nagulat naman ako at hindi ko namalayang napalakas ko pala ang pagsasalita ko kung hindi nagsalita si Jackson na nasa kabilang linya ng cellphone ko dahil tumawag pala ito. Stupid naman. Oh! I curse myself realizing what I said earlier at narining din pala yun Jackson. "Tangina. Jackson. Wag mo naman ako ginugulat ng ganon, Gago ka talaga alam mo wag ka nga magsalita bigla-bigla."-naiinis na saad ko rito Nag-tsk lang ito saakin "Makagago ka naman saakin. Hello, kanina ko pa tinawag ang pangngalan mo pero mukhang malalim ang iniisip mo kaya hindi mo ako narining."-sabi ni Jackson na parang hindi makapaniwala saakin "At saka Everest. Kunting paalala sayo, tigilan mo na yang pagmumura mo hindi bagay lalo't babae."-paalala nito sakin Napairap nalang ako sa hangin na sinabi nito. Amenado talaga ako na pala mura ako at alam ko rin na hindi bagay saakin dahil babae ako pero anong magagawa ng bibig ko eh, matalas talaga ang dila ko. "Tss. Ewan ko sayo Jacksonville pati pa talaga pagmumura ko pinakikialaman mo na."-pagsusungit ko rito Malakas naman itong tumawa "Nagsusungit ka agad, hindi ka naman mabiro. Anyway. To be honest Everest, okay lang saakin kung gusto mo talaga magmura kung diyan ka talaga kumportable –dahil ko saan kasasaya, doon din ako para sayo."-saad ni Jackson sakin, naramdaman naman na nakangiti Ito kahit hindi ko siya nakikita Gulat at sobra akong masaya ng marinig ko ang mga salitang yun galit mismo kay Jackson, ngayon mas nasasabi ko na nagbago na talaga si Jackson hindi na siya yung dating Jacksonville na manloloko at iba't-ibang babae ang palaging girlfriend sa bawat araw. Hindi na siya yung dating babaero nakilala ko noon. I'm glad he change, for good. "Ewan ko talaga sayo Jackson. Kaya minsan walang babaeng nagtatagal sayo dahil diyan sa mabulaklakin mong bibig na hindi makapagkatiwalaan."-aniya ko rito at para inisin ito at ipalala din sakanya ang mga babaeng niloko niya noon "Matagal ko ng alam yun. There's no another woman can stay by me side, diba iniwan mo nga ako."-mahinang bigkas nito Natigilan ako sa huling sinabi ni Jackson saakin. Akala ko nakapag-move-on na siya, hindi parin ba siya nakapang move-on sa relasyon namin. "Ayan kana naman Jackson, not revise the history at saka hindi naman ako umalis, niloko mo ako. Remember."-sabi ko rito Napabuntong hininga nalang ito. "Pero umalis ka parin kaya pareho parin yun."-may halong lungkot sa boses nito "But anyway, wag na nating pag-usapan kung anong nagyari saatin noon. Matagal na yung tapos na –ang importante masaya at masaya narin ako." "Yeah. Your right, I know someday you will find a woman that can be better than me."-bigkas ko. Hindi pa naman huli para hindi makahanap ng totoo forever itong si Jackson. Napakunot-noo ako ng marinig ko ang malakas na tawa ni Jackson sa kabilang linya "You can't kidding me Everest. A woman. Makakahanap ako ng babaeng para saakin, nagbibiro ka naman."-pasighap na tawa nito Nagtataka naman ako sa pinagsasabi nito. "Why are you laughing? Jackson. Sabihin mo nga saakin nababaliw kana ba ngayon."-tanong ko rito at pigil ang tawa ng sabihin kung nababaliw na ba siya "No. I'm not crazy."-pagtatanggi nitong hindi siya baliw, pero bigla-bigla nalang tumatawa ng walang dahilan "So. Ano nga? Bakit ka tumatawa? Eh. Wala naman akong sinasabi na nakakatawa." Marinig ko ang pagsinghap niya saka mahinang bumuntong hininga para makalmahin ang sarili nito mula sa pagtawa niya. "I was thinking. You said I can find a woman, paano mo nasasabi na babae ang gusto ko."-aniya ni Jackson na mas lalo kong pinagtataka "Tama naman yung sinabi ko. You can find a woman kasi lalaki ka, may problema ba doon?"-tanong ko rito, kung hindi ko lang kilala ito si Jackson at hindi naging boyfriend iisipin ko talagang lalaking ang tipo nito lalo na sinabi niya saakin ngayon Or maybe I was right. Matapos yung nakita ko doon sa Canada, sa restaurant ng kaibigan niyang si Seth Ibarra –i would never doubt about his feelings. "Kalimutan mo na yung sinabi ko. Nagbibiro lang ako."-saad nito saakin ni Jackson, humugot nalang ako ng malalim na hininga. Baka hindi pa siya ready mag-open up sa pagbabago ng kanayang s****l preference pero alam ko someday ako ang unang taong makakaalam ng sekreto ni Jackson. "Bakit ka ba napatawag saakin? Is there's emergency."-tanong ko sa kabilang linya Bumuntong hininga muna ito bago sagutin ang tanong ko "Gusto ko lang sanang itanong sayo kung nagkita ba kayo ni Felix kaninang umaga."-tanong nito saakin Napakagat-labi naman ako "Ahm. Oo. Pumunta siya dito sa bahay namin"-simpling sagot ko "Pumunta siya sa bahay ninyo, wala naman siguro siyang ginawang masama sayo o pina-iyak ka naman niya ulit, diba."-pag-uusisa ni Jackson sakin "Wala naman siyang ginawa saakin." Maliban nalang sa naghalikan kaming dalawa at nakita yun ng Kuya ko, Gusto ko pa sanang idagdag sa sasabihin ko yun pero pinigil ko nalang ang bibig ko baka magalit na naman si Jackson "At saka nandito naman si Kuya David, so don't be too much worry about me."-huling lintaya ko "Hindi lang sa nag-aalala ako sayo Everest, I'm just afraid na baka maging marupok ka naman ulit sa isang salita lang ni Felix."-halata sa boses nito na pinapaalalahan ako Mahina naman akong natawa "Ako. Magiging marupok kay Felix, ano kaba Jackson that wouldn't be never –kahit kailan hindi ako naging marupok sakanya." "Malay ko ba, baka isang halik lang ng kagagong yun at tumiklop kana."-kibit-balikat na wika nito saakin Agad na naman akong kinabahan sa sinabi nito saakin. Aaminin ko sa sarili ko na naging marupok ako noong hinalikan ako ni Felix tumugon pa nga ako sa halik niya pero slight lang ang karupokan ko at hindi na yun mauulit pa. "Jackson when I say never. It's never, hindi ako magiging marupok sa lalaking yun."-diterminadong saad ko kay Jackson "Buti naman kung ganon kasi ako yung natatakot sayo sa pagiging marupok mo."-wika nito Napailing nalang ako "Anyway. Nag pumunta ba diyan si Felix may sinabi pa siya sayo, like about interview sa poppatch."-usisa nito sakin "Oo. Sabi niya saakin may interview daw kayo bukas, bakit may problema sa interview ninyo?"-tanong ko, pero sa halip na sagutin ni Jackson yun tanong ko ay nagtanong ulit sa akin "Tungkol sa interview sa poppatch at sinabi ba niya sayo na pumunta ka bukas sa studio ng poppatch." Nagsalubong ang kilay ko "Oo. He told me na gusto niya kong pumunta sa interview nila and I don't even know kung bakit niya ako gustong pumunta doon." Narining ko naman ang paghugot ng malalim na hininga ni Jackson "Tell me Everest, you decline about going to the interview tomorrow."-may halong kaba sa boses ni Jackson dahil ramdam ko yun Tumango naman ako "Yes I did. Hindi ako pumayang sa sinabi niya."-aniya ko "Thanks God. At hindi ka pumayang, kahit anong magyari pilitin ka naman ni Felix na pumunta bukas sa interview wag kang papayad, Everest."-babala saakin ni Jackson Naguguluhan naman ako sa sinabi nito at kung bakit ayaw niya akong pumunta bukas sa interview nila ni Felix at ang mga kagroupo nito. "Sabihin mo nga saakin Jackso, anong tunay na rason kung bakit hindi ako pweding pumunta bukas na interview ninyo ng poppatch –kasi naguguluhan na ako."-lintaya ko kay Jackson "Basta makining ka nalang saakin Everest. I just want to protect dahil importante ka saakin, at ayaw kitang makitang masasaktan pa ulit –tama na yung ginawa ko sayo noon."-bigkas ni Jackson saakin "The pain I cause to from the past is enough. Hindi kana pweding masaktan pa ulit." Napayuko nalang ako saka pinatay ang tawag saakin ni Jackson. Hindi ko maintindihan ang lahat ng sinabi ni Jackson sakin bit one thing I know ayaw lang niya akong masaktan. Siguro tama nga si Jackson hindi dapat ako pumunta bukas, tama lang na humindi ako kay Felix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD