Everest POV.
“ANONG GINAGAWA NATIN DITO?”-takang tanong ko sa lalaki na nasa unahan ko
“We’re here for a date remember.”-sarkastic na boses nito at saka may lumapit na isang waiter sakanya
“My reservation.”-sabi ni pagong sa waiter
“This way Sir. Felix.”-tura ng waiter
Sumunod naman kaming dalawa ni pagong kung saan daw ang reservation ng table namin para sa date daw naming dalawa.
Tumingin ako sa buong paligid sa suriin ang kaboohan ng restaurant kung nasaan kami.
Masasabi ko na sobrang laki ng restaurant saka mukhang mahal ang pagkain dito. Kunti lang ang mga taong nakikita ko sa loob ng restaurant.
“Mukhang hindi ako bagay sa lugar nato.”-mahinang bulong ko sa sarili ko
Marahas akong bumuntong hininga saka umiling para alisin kung anong nasa isip ko tungkol sa lugar na ito.
“Don’t think about the place, Everest. As long kasama mo ako lahat ng lugar sa mundong ito nababagay sayo.”
Natigilan ako dahil sa narining ko agad kong itinaas ang ulo ko para tingin si Felix.
Nakatiting lang ito saakin at ang mukha nito walang emosyon.
“Ano yung sinabi mo? Paki-ulit nga.”-ani ko sakanya
He just chuckled at me and he softly mess my hair.
Matalim ko naman itong tinitigan ang mukong na pagong.
“Sabi ko ang ganda kaya bagay tayo.”-sabay kindat nito saakin
Napangiwi nalang ako sa hirit nito. Ninja din pala ito pagong nato, anong akala niya saakin madali akong kiligin. UTOT NIYA…
“Matagal na akong maganda alam nayan ng buong mundo kaya wag mo ng sabihin saakin.”-masungit kong sabi
Sabay inirapan ko ito saka na una naakong naupo sa upoan na nasa reservation table namin.
“Ang sungit naman ng girlfriend ko.”-ngiting-asong aniya
“Tss. Paulit-ulit ko pabang sasabihin sayo na hindi mo ako girlfriend. Sa ating dalawa ikaw lang yun nag-aassume na may relationship tayo.”
Nakakainis na kasi ang lalaking ito.
Walang oras na hindi niya binabanggit saakin na girlfriend niya ako kahit hindi naman talaga totoo.
“Kahit sabihin mo pa sa buong mundo na hindi kita girlfriend my dear Everest walang maniniwala sayo.”-nag-iinis nito wika
Napayukom naman ako ng kamao para pigilan na hindi masuntok ang lalaking nasa harapan ko na sobrang lapad ng ngiti sa labi.
Anong malay ko baka may hidden camera sa buong paligid o di kaya may reporter dito sa loob ng restaurant.
Ayaw ko naman makita ulit ang mukha ko sa national t.v na sinuntok ko si Felix. THAT’S A BIG NO..
“May nakapagsabi sabi na ba sayo na nakakainis at nakakairita ka.”-inis na sabi ko
Tumawa naman ito sa sobrang lakas ako naman ay nataranta na tinakpan ang bibig nito dahil sa lakas ng tawa.
“Stop laughing Felix. Nakakahiya sa mga taong nandito.”
Saka lumingon-ligon ako sa buong paligid baka lahat ng customer nakatiting saamin.
Ganon nalang ang gulat ko parang wala silang naririning na tawa ni Felix. Pero mas nagulat ako na yung ibang inaakala kong customers ay mga reporter pala.
Lahat ng kanilang camera at cellphone at nakatutok saaming dalawa ni Felix.
Agad kong idesistanya ang sarili ko pala kay Felix at inalis ko ang dalawang kong kamay nakatakip sa bibig nito.
“Hahaha. Bakit gulat na gulat ka yata Everest? Remember what I’ve told you –you will pay for insulting me and calling a turtle.”-then he smile like a evil
Napayuko nalang ako sa tumahik baka anong pa ang masabi ko sa lalaking ito at gamitin pa niya saakin.
Ito palang ang gusto niyang laro, ipapakita niya sa buong mundo na ang isang International Idol ay isang ideal boyfriend ng lahat ng babae at ako ang magiging laroan niya.
Kung yan ang gusto niyang laro pwes maglalaro din ako –tingnan natin kung sino ang mananalo saaming dalawa.
Humanda ka talaga saakin Felix ipapakita ko sa buong mundo na isang malaking pagkakamali na maging isang international idol ka.
Ilalabas ko ang lahat ng baho at sekrito mo.
Naging tahimik lang akong buong minuto hanggang dumating yung ino-order na pangkain ni Felix para saaming dalawa.
“Let’s eat my girlfriend.”-turo nito sa pagkain, tumango lang ako at nagsimula ng kumain
Habang kumakain kaming dalawa pinakiramdaman ko lang ang buong paligid, dahil kung hindi ako nagkakamali lang ang camera at reporter nasa aming dalawa parin ang atensyon nila.
“Hey Everest. Bakit ang tahimik mo naman ngayon?”-tanong saakin ni Felix
Nanatili lang akong tahimik at pinagpatuloy ang pagsubo ko ng pagkain sa bibig ko.
“Is there’s something wrong, magsalita ka naman.”-aniya ulit saakin
Pero tikom parin ang bibig ko. Bahala siya sa buhay niya.
“Kung hindi ka talaga magsalita Everest sisigaw talaga ako.”-may pangbabanta sa boses nito
“Edi sumisigaw walang pipigilan sayo.”-inis na sabi ko sakanya
“Ano ba kasi ang problema mo? Parang kanina lang ang daldal mo tapos ngayon tatahimik ka, NAKAKAIRITA KAYA.”-diniin pa nito ang salita saakin
Pinaikot ko nalang ang mata ko saka matalim ko itong tinitigan.
“Ako pa talaga ang nakakairita Felix. Sabi mo magde-date tayo pero date ba ang tawag mo dito, may mga camera at reporters na nakatiting saating dalawa.”
“Kung ikaw sanay ka sa ganito, ako hindi tandaan mo Felix international idol ka tapos ako ordinaryong babae lang –kaya saating dalawa ikaw yung nakakairita.”-galit na wika ko sa lalaki
Hindi ba alam ng lalaking ito na ayaw ko sa mga reporters dahil para saakin pareho lang sila ng mga chismosang kapitbahay namin.
“Saan mo ba gustong pumunta kapang nakikipag-date ka?”-tanong nito saakin
“Saan ko gustong pumunta? Well. I want to go to the place where happiness is. Masayang lugar ang gusto kong puntahan –gets mo.”-simpling sagot ko pero may halong pagkairita
Bumuntong hininga ito saka hinilot niya ang kanyang sentido.
Nagtaka naman ako ng bigla itong tumayo sa pagkakaupo saka seryoso itong tumingin saakin.
“What?”-naiinis kong wika
“Let’s go.”-sabay lahad ng kamay niya
Tinaasan ko naman ito ng kilay pero marahas itong bumuntong hininga saka hinila ako sa patayo at kinalagkad ako papalabas ng restaurant papunta sa kanyang kotse.
“Bitawan mo nga ako Felix.”-sigaw ko sakanya kay binitawan niya ang pagkakahawak saakin
Binuksan nito ang pinto ng kanyang kotse sa front seat.
“Pumasok kana sa loob.”-turo nito sa loob ng kotse
Napakunot naman ako ng noo “Saan na naman pa tayo ulit pupunta ha?”
Pinaikot lang nito ang kanyang mga mata saakin “Just get in at wag ka ng magtanong kung saan tayo pupunta.”
Padabong naman akong pumasok sa loob ng kotse at siya naman ay isinara ang pinto ng front seat saka umikot ito sa driver seat.
Nagtataka parin akong tumingin kay Felix.
Ano na naman kaya ang nasa isip ito? At saan na naman ako daldalhin ng pagong nato?
Wait. Paano nga ba ako napunta sa sitwasyon na ito?
Oo. Nga pala napunta ako sa sitwasyon nato dahil hindi sa pumayang akong makipang-date kay Felix kundi bina-black email pala ako ng pagong nato.
Minsan naiinis din ako sasarili ko basher nga ako ng international idol na ito pero dahil sa black email niya saakin ito ako ngayon nakikipang date sakanya at sunod-sunora sa mukhang pagong na lalaking ito.
“Hayss ano ba kasing ginagawa ko sasarili ko ngayon.”-bulong ko sasarili ko
Everest basher ka hindi mo yun pweding kalimutan, hindi fan ng lalaking nasa gilid mo.