Kabanata 15

1121 Words
Mira Sam POV Mamayang gabi na ang Celebration Ball, pero emegesh nakalimutan ko na birthday ko na din memeyeng 12 midnight, nakakaloka dalawang linggo pa lamang ako dito pero ang dami ko ng nalalaman, at ang dami naring nangyari sa akin, andyan ang bullyhin ako, andyan yung pagkarindi ko sa pag iingay ni Alisha at Lex, pang aasar ni Fleus kay Athena, at yung ibon na pasaway na feeling hotel ang kwarto ko, biglang mawawala tapos dadating tutulog lang, at higit sa lahat yung abo na cold, pero may pag ka weirdo, at si Mlessean na once in a blue moon ko lang makita, pero sa dalawang linggo ko dito naramdaman ko yung pag welcome sa akin, para na din ulit ako nagkaron ng matatawag na pamilya, hayst ang drama ko naman ata ngayon, di bale wag nyo na ko pansinin. Nag hahanda na nga pala ako ngayon para sa Celebration Ball, nag tataka nga ako kung para sa Prinsesa yun ng Crystal Light Kingdom dapat nasa pagdiriwang din sya, pero pano kung nawawala naman sya, hala pano kaya yun, ay naku bahala na sila dun problema na nila yun, at isa pa palang pero, parang ayaw kong pumunta sa Celebration Ball mamaya kasi sa totoo lang parang kinakabahan ako, parang ang bigat ng pakiramdam ko hayst! Ewan praning na naman ako bahala na si Phineas and Ferb Lex POV Hello guys miss nyo ko no naandito na kami nila Fleus sa salas ng bahay, inaantay na lamang namin yung tatlong babae, hayst napakatagal kumilos grabe, pero nagulat ako ng napatingin ako sa may hagdan, OA man pero napatayo talaga ako, napatunganga ako Kay Alisha ang ganda nya, lumutang ang kaputian nya, para akong tuod na lumapit sa kanya at inilahad ko ang kamay ko sa kanya, napatingin sya sa akin pero ngumiti sya sa akin at tinanggap ang aking kamay "Ang ganda mo ngayon" Naka ngiti kong sabi sa kanya, pero nagulat ako ng sa lakas ng boses nya "ANO LEX NGAYON LANG? GUSTO MO SIPAIN KITA" "Ano ba Alisha nakakabingi ka naman e mas gumanda ka" Naka nguso kong sabi, pero bigla syang umiwas ng tingin, pero parang namumula ang mukha nya. Hala ayos lang kaya to? Ang weird ng nararamdaman ko kapag malapit sa akin si Alisha hayst Ewan . Athena POV Pababa na ako sa sala, sana maging maganda naman ako sa paningin nya kahit kaibigan lang ang tingin nya sa akin, minsan naiisip ko kung wla kayang nakatakda para sa amin maari kayang mag karoon ng pag asa? Malapit na ako sa sala at rinig na rinig ang kaingayan nila Alisha at Lex, napapailing na lamang ako, nakatuon lamang ang paningin ko sa hagdan ng may kamay na lumahad sa harap ko, napatingin ako rito, si Fleus, nakangiti sya sa akin Dug dug dug dug Ang pamilyar na pag kabog ng puso ko, naramdaman ko nanaman, ano ba to!Nahihiya na tinanggap ko ang kamay nya, ano ba Athena ngayon ka pa nakaramdam ng hiya si Fleus lang yan, iniwas ko ang tingin ko pero napatingin ako kay Acer parang inip na inip ang mukha, ibinalik ko na lamang ang tingin ko kay Fleus ang gwapo ng mokong ngayon ah. "Oy hindi ako mokong at salamat gwapo talaga ako!" Aba at ang loko binasa ang isip ko "Manahimik ka na nga lang Fleus!" Sabi ko pero uminit ang mukha ko sa sinabi nya "Ang ganda mo Athena!" Napayuko ako, pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko nakakapanibago ngayon ah hayst! Acer POV Ilang minuto na kaming nag aantay kay Mira pero wala pa sya, napaka kupad tlaga ng babae na yun tsk "Hoy Acer puntahan mo na kaya si Sam, ang tagal e!" Naiinip na sabi ni Lex, aba at ako pa talaga ang inuutusan nito kung sunugin ko kaya to! Hindi ko sya pinansin nakakatamad kaya mag lakad, nakatingin lamang ako sa hagdan pero para akong tuod na napamulagat at napa tayo ng makita ko si Mira na tumatakbo pababa ng hagdan "GUYS PASENSYA NA KAY...AHHHHH" "SAM!" "MIRA!" Hindi natapos ni Mira ang sasabihin nya dahil natalapid sya sa kanyang kalampahan, napasigaw nalamang sya at maging kami, pero ako ay agad na napatakbo papunta sa kanya, mabuti nalamang at nakalapit agad ako sa kanya at nasalo ko sya "Dalawang baytang na lamang mahuhulog ka pa!" Naiinis na sabi ko sa kanya, pero napatitig ako sa kanyang mga mata, ganun din naman sya sa akin, ang lapit ng mukha nya sa akin dahil ang pwesto namin ngayon ay naka yakap ang isa kong kamay sa may baywang nya, at ang isa naman ay naka suporta sa kanyang likuran sya naman ay nakahawak sa mag kabila kong balikat, kitang kita ko ang maaliwalas nyang mukha dahil naka pusod ng lahatan ang napaka haba nyang buhok na may kaunting laglag sa mag kabilang gilid ng taenga nya, at bumagay sa kanya Dug dug dug dug dug mabalis na pag pintig ng puso ko "Eh ehem ehem!" Natigilan ako sa pag titig kay Mira dahil sa pag tikhim na narinig ko, agad kong inayos ng tayo si Mira at lumayo ng bahagya dito, napa iwas ako ng tingin ko "Tsk!" Ano ba tong nangyayari sa akin. Napabalik muli ang aking paningin kay Mira ng mag salita sya "Ah eh ahno Salamat!" Mahinang boses nya "Tsk!" Balik sa normal na pakikitungo ko sa kanya "Tara na nga!" At hinawakan ko ang kanyang kamay, hinila ko na sya palabas. Hindi ko na pinansin yung iba bahala sila dun Alisha POV Pinag masdan ko si Sam at Acer kanina, sa totoo lang natuwa ako nung pinagmamasdan ko sila, pero hindi sila maaari dahil may kaylangan kaming sundin na nakatakda para sa amin. Fleus POV Pinag mamasdan ko si Acer at Sam habang nauunang mag lakad sa hallway. Sana hindi nakakalimutan ni Acer ang kanyang tungkuling dapat matupad, masyado na silang nagiging malapit ni Sam hayst! Third person POV Matagal na panahon akong nanahimik, hinihintay ang araw na magpakita ang Runes mo, nabigo man kami labing walang taon ng nakakaraan sa pag paslang sa mga nakatakd, sisiguraduhin ko ngayon mag tatagumpay ako, mag tatagumpay ako, walang sino man ang makakahadlang sa akin WAHHHAHAHAHAHAHAHA... Head Maste (Jericho the second ) POV Nalalapit na ang pag labas ng iyong Runes Prinsesa, pero hindi ka pa rin natatagpuan, Hindi magandang mabuhay sa kasinungalingan ang Light Academy, kailangan na nilang malaman ang buong katotohanan, pero sana lang hindi ka pa natatagpuan ng mga Black Knight, nakakalungkot isipin na nawala ka ng dahil sa kasakiman nya, isang pag kakamali ng iyong Ina, dahil sya ang napili. Pinag mamasdan ko ang buong Grand Hall, ang pag diriwang, sana lang mahanap ka namin agad para ang buong katotohanan ay mabunyag na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD