Whereabouts
"Maupo muna kayo rito sa sala," sabi ng Mama ni Silver. "Malapit nang maluto 'yong sopas na niluluto ko. Sandali na lang 'yon, Iarra."
Umiling ako at ngumiti. "Ayos lang po," sabi ko. "Hindi naman po ako nagmamadali."
"Kung ganoon ay babalik muna ako sa kusina," paalam niya sa akin bago nilingon ang kanyang anak na sinasalinan ng juice ang aming baso ng aking driver. "Silver, ikaw muna ang bahala rito."
"Sige lang po, Ma," magalang niyang pagsunod sa kanyang ina.
Pakiramdam ko'y isang patibong itong pag-aya nila sa akin na magmeryenda rito sa kanila. Hindi ko maiwasan ang mas lalong mamangha sa kanya dahil sa simpleng pagkilos niya rito sa kanilang bahay. He's like a very obedient mama's boy. It's somehow opposite to his cool and sporty image at school.
Naalala ko tuloy sa kanya si Gio. At school, you wouldn't think that he's someone who can't live without his mother. Kahit na madalas silang mag-inisan ni Tita Yunice ay mahal na mahal nila ang isa't isa kaya kahit na nasa Maynila ang kanyang asawa ay nanatili siya rito sa Bela Isla hindi lang para pamahalaan ang kanilang plantation kundi para makasama rin ang anak.
"Magpapalit lang ako ng damit," sabi naman ni Silver nang matapos siya sa pagsalin ng juice.
Tumango na lamang ako sa kanya at ngumiti. Inilapit niya sa akin ang baso ng juice bago patakbong umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Unlike our mansion, their house was simple, but it felt more like home. Hindi ito kalakihan ngunit tamang-tama lang para sa kanilang pamilya. It was built with cement and both exterior and interior of their house was screaming simplicity.
Nakakatawa dahil ang pinapangarap ng iba ay ang bahay na kinalakihan ko ngunit ang aking gusto ay kagaya nitong simple lang. I don't need a mansion where I can hardly spend time with my family. I'm fine with a simple home where I can have more chances in seeing them.
One day, if I have my own family, I will definitely have a low-key home and leave far from our mansion where I can live in peace. But of course, that would hardly happen because I'm bound to inherit our properties here in Bela Isla. Ako ang mamamahala ng aming negosyo na matagal nang napagkasunduan ng aking mga magulang bago pa namatay ang aking ama. Both my brother and sister are already settled with their life in Manila. Si Ate ay kinasal sa isang tanyag na businessman at may sarili ng pamilya habang si Kuya naman ay ikakasal na rin sa kanyang fianceé sa susunod na buwan kaya kinakailangan naming lumuwas.
Tuwing bakasyon lang umuuwi rito si Ate kasama ang kanyang pamilya pero si Kuya ay madalas-dalas pa ang pag-uwi, ngunit paniguradong kapag ikinasal na siya ay dadalang na rin. Kaming dalawa na lang ni Mommy ang naninirahan sa malaking mansyon na 'yon at hindi pa kami madalas magkasundo.
That's why I like spending time in the Buenviaje's mansion. At least doon ay hindi ako hinahayaan ni Gio at gustong-gusto rin ni Tita Yunice na nandoon ako. She was supposed to have a daughter before, but she had a miscarriage and wasn't able to get pregnant again. Kaya naman kung ituring niya ako ay parang anak na rin at nakababatang kapatid ni Gio kahit na tatlong buwan lang naman ang tanda nito sa akin.
"Mama, nandito na kami!"
Halos mapabalikwas ako sa aking kinauupuan nang bigla akong makarinig ng baritonong boses. Gulat kong nilingon ang paniguradong ama ni Silver na kakapasok lamang sa bahay. Agad naman akong tumayo para batiin siya na mukhang nagulat din sa aking presensya.
"Magandang hapon po," nakangiti kong pagbati.
"Uh... Magandang hapon din sa 'yo, hija," nag-aalangan niyang sabi sa akin bago tipid na ngumiti.
Narinig ko naman ang pagbaba ni Silver mula sa ikalawang palapag ng bahay nila kasabay nang pagsungaw ng kanyang ina mula sa kanilang kusina.
"Nandito na po pala kayo, Pa." Agad na lumapit si Silver sa ama upang magmano.
Pinunas ni Tita Gold ang kanyang kamay sa saya ng kanyang damit bago lumapit sa asawa at humalik sa pisngi nito. Sumilip ito sa labas ng kanilang bahay bago binalik ang tingin sa asawa.
"Luto na 'yong sopas," sabi niya. "Doon na kayo kumain sa labas ng mga kapartido mo at mayroong bisita ang anak mo rito sa loob."
Tumango-tango ang kanyang asawa. "Nakita ko nga..." Muli siyang sumulyap sa akin at ngumiti. "Sino ba itong magandang dalaga na ito?"
I felt my cheeks heat up because of his slight compliment. I'm already used to being complimented as someone beautiful, but coming from Silver's father made it feel like it's an achievement. Para bang ngayon na lang ako ulit nasabihan na maganda.
"Si Dianarra Montealegre po, Pa," pakilala ni Silver sa akin. "Kaibigan ko po."
Ngumiti naman ako sa kanyang ama na kagaya ng reaksyon ng kanyang ina kanina nang malaman na kung sino ako ay bahagyang nagulat.
"Montealegre!" Nabigla niyang sabi.
I simply nodded. "Iarra na lang po ang itawag ninyo sa akin."
Most of the people here in Bela Isla only know me by name. They don't know what I physically look like that's why I'm slightly used when they're surprised. Ang talagang kilalang-kilala nila ay ang aking mga magulang at nakakatandang kapatid.
"Nakakahiya naman kay Iarra. Sana sinabi ninyo man lang na may bisita ang anak mo para hindi ko na rito dinala ang aking mga kapartido para sa meeting," nahihiyang sabi ng ama ni Silver.
"Ayos lang po 'yon sa akin, Sir. Walang problema," pormal kong sabi at ngumiti.
"Ay! Huwag mo akong tawaging Sir." Humalakhak siya. "Tito Ben na lang."
"Sige po, Tito Ben." Dinig na dinig ko ang pagkatuwa sa himig ng aking boses.
Tumango siya sa akin. "Oh, sige na't dito na kayo sa loob. Aasikasuhin ko lang sila sa labas."
"Dadalhan ko na lang kayo ng pagkain," sabi naman ni Tita Gold at bumalik sa kusina upang gawin ang nais niya habang si Tito Ben ay binalikan ang mga kapartido sa labas.
Muli namaan akong umupo sa kanilang sofa at si Silver ay tumungo rin sa kusina. Sumimsim ako sa juice na ibinigay niya kanina upang maibsan ang aking kaba.
Hindi ako makapaniwalang nakilala ko na ang kanyang mga magulang. But I guess it's a good thing. Mas makikilala ko siya ng lubusan dahil kilala ko na rin ang mga nagpalaki sa kanya.
Lumabas si Silver na may dala-dalang tray kung saan nakalagay ang mga sopas. Inihain niya iyon sa mababang lamesa rito sa kanilang sala bago muling tumabi sa akin. Kahit hindi ako umiinom ay halos mabulunan ako nang magtama ang aming hita at binti. Hindi ko alam kung uusod ba ako dahil masikip o hahayaan ko lang na ganito kami kadikit sa isa't isa.
"Tikman mo ang luto ni Mama," sabi niya at binigay sa akin ang kutsara pagkatapos niyang abutan ang aking driver. "Dinagdagan niya ng gatas 'yong sa 'yo dahil baka mas magustuhan mo raw ang ganoong lasa."
Napangiti na lamang ako at saka tinikman na ang sopas. Nakakain na ako dati ng sopas, but this one's creamier. Tama ang nanay niya. Mas gusto ko nga ang ganitong lasa.
"Ano'ng masasabi mo?" tanong sa akin ni Silver matapos kong tikman ang sopas.
Ngiting-ngiti naman akong lumingon sa kanya. I gave him a thumbs up before I take in another spoon. He just chuckled at my reaction and joined me eating.
Nahagip ng aking tingin ang kanyang ama na muling pumasok ng bahay. Ngumiti ito sa akin bago dumiretso sa kusina. Pagkalabas nito ay may dala-dala nang kaserola at kasunod niya ang kanyang asawa na ang mga mangkok naman ang dala.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Silver para siguro tulungan ang mga magulang ngunit agad siyang nilingon ni Tita Gold na mukhang napansin din ang kagustuhang tumulong ni Silver.
"Diyan ka na lang, Silver. Kaya na namin 'to ng papa mo," pagpigil sa kanya ni Tita Gold.
Wala namang nagawa si Silver nang panlakihan siya ng mata ni Tita Gold. Natawa na lamang ako dahil para siyang bata na bumalik sa pagkakaupo.
"Ang cute ninyong tingnan ng mama mo," sabi ko sa kanya.
He bit his lower lip and smile shyly. "Ganyan lang talaga kami ni Mama... Parang matalik na kaibigan lang kami minsan."
Tumango-tango ako dahil nakikita ko naman 'yon. Hindi ko tuloy maiwasan ang mainggit. Kung sana ay katulad nilang dalawa ay ganoon din kami ni Mommy pero mukhang malabo 'yong mangyari. She's always busy and even got busier when my father died that we haven't got to spend time with each other. Nakakasama ko lang siya tuwing kumakain at hindi rin naman kami madalas na nag-uusap.
"Iarra..."
I was pulled out from my deep thoughts when I suddenly felt Silver warm and calloused palm on my arm. Hindi rin naman nagtagal ang kanyang paghawak sa akin dahil nang nilingon ko siya ay agad niya rin itong tinanggal.
"You spaced out..." he told me. "May problema ba? Did I say something wrong?"
I immediately shook my head. Tipid na ngiti ang sunod kong iginawad sa kanya.
"I just..." I bit my lower lip before finally deciding to open up. "I just envy you..."
He stared at me with disbelief because of what I said. He awkwardly laughed after that. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa akin.
"Dianarra Montealegre? Naiinggit sa akin?" Umiling-iling siya at muling natawa. "Ano naman ang ika-iinggit mo sa akin? Nasaiyo na ata ang lahat."
I released a deep sigh before slightly bowing my head down. I stared at my fingers while I played with them. A bitter smile came across my lips.
His words made me realize something that I couldn't figure out before.
"Maybe that's what the others are thinking about me, huh?" I couldn't help but to sound offended. "It might probably be the reason why they find me intimidating."
Muli akong huminga ng malalim at hindi ako natigil sa paglalaro ng aking mga daliri habang pinipigilan ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.
"Hindi nila alam na mali sila sa inaakala nila..." mahina kong sabi ngunit dahil tahimik ang buong bahay at ang tawanan lang sa labas ang naririnig ay paniguradong dinig na dinig ang aking sinabi. "I barely have something..."
I may have the means to brag about material things that I can have without exerting much effort but it's not what I want. It's not what I need.
"I envy you for being this close with your family," I told him and smiled because I'm happy for him. "I also want our family to have a bond like yours but my parents are too busy with our businesses, especially my mom. And when my father died, it got a lot harder until I realized that it's already impossible. But I'm close with my siblings... however, they already have their own lives in Manila. Kami na lang ni Mommy ang natitira rito sa Bela Isla. Kaya madalas akong nakina Gio at nagpapalipas ng oras kasama sila ni Tita Yunice. I treat them as my real family."
Nang magkaroon na ako ng lakas at umurong na ang nagbabadyang luha na tumulo ay nakangiti kong nilingon si Silver.
Hindi niya sinuklian ang aking ngiti at nanatiling seryosong nakatingin sa akin.
"Puwede mo rin kaming ituring na pamilya mo, hija..."
My lips parted and turned to Silver's mom. She was smiling dearly at me, and I saw her teary-eyed. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay ng marahan.
"Kung kinakailangan mo ng matatakbuhan o makakasama ay puwedeng dito ka sa amin. Walang problema," sabi niya sa akin. "Bukas ang bahay namin para sa'yo. Huwag kang mahiyang ituring kami na parang pamilya mo rin."
The words that came out from her lips warmed my heart so much. Despite of everything, I think I'm still blessed to have this kind of people around me. Kahit na hindi ko maramdaman sa sarili kong pamilya ang ganitong pangangalaga ay masaya pa rin ako na maraming taong handang ibigay 'yon sa akin.
Before, it was only Gio's family but now, I also have Silver's family by my side.
"Sa susunod na pagbisita mo rito ay tuturuan kitang magluto. Kung ano ang paborito mong putahe ay iyon ang lulutuin natin," nakakaengganyong sabi ni Tita Gold. "Pero teka nga lang, marunong ka bang magluto?"
"Oo naman po!" sabi ko kay Tita.
"Akala ko'y hindi ka marunong dahil paniguradong may mga katulong kayo para gumawa no'n," sabi niya naman.
"Natuto po akong magluto noon. Tinuruan po ako ng Ate ko at pati na rin ng ina ng matalik kong kaibigan," kuwento ko.
"Kung ganoon ay hindi pala ako mahihirapan na turuan kang magluto. Aasahan ko bang babalik ka kaagad dito?" Punong-puno ng pag-asa ang kanyang mga mata.
Malapad ang aking ngiti at tumango sa kanya. Kung hindi nga lang nila mamasamain ay baka araw-arawin ko na ang pagpunta sa kanila ngunit iniisip ko rin ang maaaring sabihin ni Silver.
"Ma'am Dianarra..."
Sumungaw ang ulo ng aking driver mula sa labas. Mukhang nahihiya pa siya sa pagtawag sa aking atensyon dahil naputol ang pag-uusap namin ni Tita Gold.
"Tumawag po si Sir Diego sa akin at sinabing hinahanap na po kayo sa inyo," sabi niya at mas lalo akong napangiti.
"Nasa mansyon po si Kuya?" Hindi maitatanggi ang aking pagkatuwa dahil napatayo pa ako.
"Nandoon po," sagot nito sa akin.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Nagpaalam ako kay Tita Gold at sinamahan naman ako ni Silver papalabas ng bahay. Iginaya niya ako papalapit sa kanyang ama na abala pa rin kasama ang mga kapartido ngunit inihinto nito ang kanyang ginagawa nang magpaalam ako.
"Mag-iingat ka pauwi, hija," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Maraming salamat po," pasasalamat ko bago tinanguan si Silver upang tumuloy na kami papalabas ng kanilang bakuran.
Silver lightly pushed my back with his hand like a natural chivalrier, I can't help but to assume something even though I know he's just being a gentleman.
"Pasensya ka na kay, Mama. Ginabi ka na tuloy rito sa amin," nahihiyang paghingi ng paumanhin ni Gio sa akin nang buksan niya ang pintuan ng sasakyan.
While shaking my head, I smiled to tell him that it's fine with me. "I had fun talking to her. Ang sarap sa pakiramdam habang kausap ko siya."
He smiled and fixed his eyes on mine. "I really hope this won't be the last time, Iarra..." he seriously said that made my heart start pounding so hard once again. "I've got this sudden feeling of wanting to know you more."
Parang binalot ng mainit at mapag-alagang kamay ang aking puso. I smiled sincerely at him before nodding my head.
"I like that, too..." I admitted.
Muli siyang ngumiti na tila nahihiya at bahagya pang humalakhak bago hinimas ang kanyang batok.
"Sige na't mag-ingat ka sa pag-uwi. Hope to see you around campus tomorrow," he said.
Agad akong tumango. "Ite-text kita kapag nakauwi na ako."
Mukhang natigilan siya sa aking sinabi ngunit unti-unti siyang tumango at muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Mabuti kung ganoon," sabi niya. "Hihintayin ko..."
Kahit na ayaw ko pang umalis ay ginawa ko dahil hinahanap na ako ni Kuya Diego sa amin at dahil nae-excite akong itext si Silver pagkauwi ko kahit na wala pang kalahating oras kaming nagkahiwalay.
This might be it...
My heart's beating not just for me... but it's also beating for him already. Iyon ang dahilan kung bakit tuwing nakikita ko siya ay nag-iiba ang tiyempo nang pagtibok nito.
"Si Sir Gio po ba iyon?..."
Natigil ako sa aking pag-iisip nang madinig ko ang sinabi ni Manong. Sumilip ako sa labas ng sasakyan at nanlaki ang aking mga mata nang makitang nandoon nga si Gio sa b****a ng aming tanggapan.
I saw him holding his phone firmly while he stared at the arriving car where I was riding.
Hindi pa nakakahinto ng maayos ang sasakyan ay mabilis kong binuksan ang pintuan upang tumakbo papunta sa kanya ngunit bahagyang bumagal ang aking paglapit nang makita ko ang kanyang mga mata.
His brooding eyes stared at me like I did something wrong.
"B-Bakit ka nandito sa amin?" nag-aalangan kong tanong sa kanya bago sinulyapan ang kanyang paa at nakitang wala ng benda roon. "Magaling na ba ang paa mo? You should be lying on your bed right now. Gabi na, Gio!"
"Gabi na pero kakauwi mo lang..." malamig niyang sabi.
Natutop ang aking bibig dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya pabalik lalo na kung ganito siya kaseryoso. Pakiramdam ko'y hindi na dapat ako sumagot pabalik sa kung anumang sasabihin niya.
"Where have you been?" he sternly asked me. "I've been texting and calling you nonstop, but you didn't answer any of that. Tinawagan ako ng Kuya mo kanina dahil inakala niyang nasa amin ka dahil wala ka sa inyo. You're not in our house either, and the sun had already f*****g set. Kung hindi pa tatawagan ang driver mo ay hindi namin malalaman kung nasaan ka dahil hindi ka sumasagot. Do you know how worried I was?! Pagkatapos ay tatanungin mo ako kung bakit ako nandito..."
Nangingilid ang luha sa aking mga mata dahil ngayon ko lang nakita si Gio na ganito. He looked so stressed and frustrated at the same time. Namumungay rin ang kanyang mga mata na mariing nakatitig sa akin.
Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako na baka hindi iyon ang dapat kong gawin habang mainit ang ulo niya sa akin. Hindi na siya nagsalita pang muli kaya yumuko ako bago nagdesisyong magsalita at humingi na lang ng tawad.
"I'm sorry..." I apologized. "I wasn't able to track the time."
Totoong hindi ko na namalayan ang oras dahil natuwa ako sa pakikipag-usap kina Tita Gold at Silver. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na uuwi si Kuya Diego at hahanapin ako dahil kung si Mommy lang ay ayos lang sa kanyang gabihin ako kahit na hindi niya alam kung nasaan ako.
"Saan ka ba galing?" Kumalma na ang boses ni Gio kaya nag-angat akong muli ng tingin sa kanya.
Kinagat ko ang aking labi. "Galing ako kina Silver..."
Umawang ng bahagya ang kanyang mga labi bago nagpakawala ng malalim na paghinga. Tumango-tango siya na para bang naiintindihan niya ang kung anong bagay.
"Pumasok ka na..." simpleng sabi niya. "Uuwi na ako."
Humakbang siya upang makaalis na ngunit bago pa siya tuluyang makalayo sa akin ay pinigilan ko siya't niyakap galing sa likuran.
Ayokong umuwi siya na nararamdaman kong mayroon siyang sama ng loob sa akin. I don't want him mad at me.
"I'm really sorry, Gio..." Muli kong paghingi ng tawad. "I promise to tell you my whereabouts next time. Pangako ko 'yan sa'yo."
Huminga siya nang malalim. "There's no need to do that, Dianarra..."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi niya ako tinawag gamit ang aking palayaw.
"It's not your responsibility to tell me your whereabouts," pagpapatuloy niya. "Naiintindihan ko na..."
Kumunot ang aking noo. Ano ang naiintindihan niya na?
"Pumasok ka na sa loob at hinihintay ka na ng Kuya mo. I need to go home."
Hindi ko na napigilan ang pagkalas niya sa aking braso na nakapulupot sa kanyang baywang at agad na rin siyang naglakad papalayo sa akin. Dire-diretso siya sa kanilang sasakyan habang pinapanood ko lang siyang umalis at mawala ng tuluyan.