Friends
"Gio!"
Napatayo ako sa bleachers at halos tumalon na ako patungo sa court upang daluhan ang best friend ko nang matumba ito dahil sa pagkakapatid ng isang lalaking hindi pamilyar sa akin.
Melendrez.
Iyon ang apelyido ng lalaking pumatid kay Gio!
The referee whistled and did a hand signal to stop the game. Some medics rushed their way to immediately tend Gio who was excruciating in pain.
Surprisingly, the guy who injured him also came closer and kneeled down to talk to my best friend. I can see how sorry he was based on his facial expression but it didn't kill the anger I was investing in him.
Kapag sobrang napuruhan ang best friend ko, gaganti ako sa kanya!
Sinubukang galawin ng medic ang paa ni Gio ngunit parang nilamutak ang aking puso nang makita siyang ngumiwi sa sakit. He must be really hurt! Nasasaktan din ako para sa best friend ko. Nararamdaman ko rin.
"Gio!" I shouted as loud as I could for him to hear me in the middle of the chaotic scene.
Ang akala ko'y hindi niya ako maririnig ngunit agad siyang lumingon kung saan niya ako iniwan kanina bago mag-umpisa ang laro.
I looked at him with fear laced in my eyes. I didn't want him hurt. I swear! Hinding-hindi na ulit siya makakapaglaro ng basketball.
Unti-unti namang umangat ang gilid ng kanyang labi habang tinitingnan ako sa gitna ng mga umaasikaso sa kanya.
Our line of vision was cut by new arrived medics who were carrying a stretcher. They transferred Gio to the stretcher, and I immediately stood up from my seat, ready to follow them wherever they will take my best friend.
"Hala! Dianarra, pakisabi kay Gio, get well soon!"
Dinig ko ang habilin ng ibang kakilala namin ni Gio na nadadaanan ko sa bleachers habang paalis ako ngunit masyadong nakatuon ang atensyon ko sa kaibigan kong nasaktan kaya naman hindi ko sila nabigyan ng pansin.
Masyadong marami ang nakasunod habang dinadala si Gio patungo sa clinic. Wala akong magawa kundi ang tahimik na sumunod sa likod kahit na gusto ko nang makalapit sa kanya.
Mabuti na lamang at hindi na sila pumasok sa clinic at hindi rin naman sila papayagan ng principal. Ako lang ang pinayagan kaya agad akong nagdiwang.
"Tatawagan ko si Yunice." Dinig kong sabi ng aming Dean na ninong ni Gio.
Tatawagan niya ang mama ni Gio. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Tita?
Tahimik akong sumungaw sa loob ng silid at nakitang nakatulala si Gio habang nakatingin sa kisame. May unan naman siya ngunit gamit niya pa rin ang kanyang kanang braso upang unanin.
Bumuntonghininga siya at saka kinagat ang ibabang labi bago napatingin sa gawi ko. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti ngunit sinimangutan ko lamang siya.
He chuckled at my reaction before he cutely pursed his lips. "You mad?"
I slowly made my way towards him.
"Masakit ba?" Binaliwala ko ang tanong niya sa akin at saka sinulyapan ang namamaga niyang paa.
Muli naman siyang ngumiti at saka umiling. "Hindi na."
"Parang hindi naman ganyan ang naabutan kong reaksyon mo kanina. Napabuntong hininga ka pa nga," sabi ko sa kanya.
"I just realized that was gonna be my last basketball game," he told me. "I know you won't let me join next year after what happened. You and mom might even team up to stop me."
"Of course!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Look what happened to you! Your foot is swelling. Hindi natin alam kung hanggang kailan tatagal ang pamamaga niyan."
Bahagya naman siyang bumangon para kurutin ang pisngi ko gaya ng madalas niyang ginagawa.
"You worry too much," he said. "This might be gone tomorrow after the cold treatment."
"I doubt that..."
Hindi ako naniniwala dahil malala ang pamamaga ng kanyang paa.
"Patay talaga sa akin ang Melendrez na 'yon kapag may ibang komplikasyon pang nahanap sa paa mo dahil sa pamamatid niya. Ang dumi niyang maglaro!" Muli ko na namang naalala at bumalik ang bumubulusok kong inis.
"Hey, hey, hey!" Gio chuckled and held my hand to stop me from spitting out my hanash. "Silver's my friend. It's just a game, Iarra. That's how basketball works. Hindi maiiwasan 'yon. Saka hindi niya naman sinasadya. We just accidentally collided."
"Kahit na!" Bumitiw ako sa pagkakahawak niya at humalukipkip.
He just sighed in defeat. He knew he couldn't change my mind.
"Excuse me, uh... Gio?"
Nilingon ko ang nakasungaw naming Dean na mukhang nahihiya pa dahil naistorbo ang pag-uusap namin ni Gio.
"I talked to your mother. She's slightly panicking and over reacting..."
Napatango naman ako. Tita will always be Tita.
"You shouldn't have called Mama, Ninong..." sabi naman ni Gio.
"And your mom will kill me for that if I won't. Mas maganda nang malaman niya bago ka umuwi ng hindi nagagamit ang kaliwang paa," sarkastikong sabi ng Dean. "Anyway, she also told me that your family's doctor will be tending you at your mansion. Ipapahatid kita sa van ng school pauwi sa inyo," sabi nito at saka lumingon sa akin. "Gusto mo na bang sumama, Ms. Montealegre?"
Sasagot na sana ako ngunit agad naman akong naunahan ni Gio.
"She won't," sagot ni Gio para sa akin kaya agad ko naman siyang sinimangutan. Hindi nga lang niya ako nilingon. "She still has a championship game later. The game will be forfeited if the captain wouldn't be present at the game."
I just exhaled a deep sigh. I totally forgot about the championship game later. Gusto ko na lang talaga sumama kina Gio at malaman ang totoong lagay ng paa niya.
"Talo tayo sa basketball, ibawi mo ako sa volleyball, ha?" malambing niyang pakiusap sa akin.
Ngumuso naman ako at saka tumango-tango. "Didiretso ako sa inyo mamaya pagkatapos ng game, ah?"
Muli naman siyang umiling. Hindi ko na alam kung ano pa ang gusto niya.
"Receive your trophy and medal first," he challenged me.
Napabuntong hininga naman ako at muling tumango. "Oo na. Masusunod na ang mga kahilingan mo basta magpagaling ka lang agad."
He smiled and felt contentment with my answer. "That's my best friend."
Napangiti na lang din ako. Determinado akong ipanalo ang championship game at ilampaso ang department ng lalaking pumatid kay Gio. Ibabawi ko ang best friend ko.
Napakapit ako sa aking tuhod at hinahabol ang aking hininga habang nagsisimula na sa pagdidiwang ang aking mga ka-teammates dahil sa aming pagkapanalo.
Tumingala naman ako nang medyo bumalik na sa normal ang aking paghinga at saka ngumiti.
I just need to get my medal now. The trophy's gonna be displayed at our department's glass cabinet where almost all of the awards named under our department were displayed. I'm just going to take a picture of it and show it to Gio.
Muntik naman akong mabuwal nang biglang sumugod sa akin ang aking teammates at ginawaran ako ng mainit na yakap. Gusto pa nga nilang buhatin ako pero pinigilan ko na sila sa balak nilang 'yon.
"Dianarra Alyhs Montealegre, Department of Marketing and Finance, MVP for this year's BICC Women's Volleyball Tournament!" The emcee announced.
My teammates as well as other students in our department cheered so loud that it almost made me deaf.
Tinulak nila ako paakyat ng stage at nahihiya naman akong tumuntong sa entablado para igawad nila sa akin ang aking medalya.
I was able to see senior and alumni players of our team smiling so proudly at me. At first, when our coach gave me the role as the captain of the volleyball team, I felt the heavy weight of pressure on my shoulders. I was only in my third year of college. There were more veteran players than me, but I was chosen to be the captain. But looking at my seniors looking so satisfied and contented, I feel like I did a great job of ruling our team.
"Silver Lance Melendrez, Department of Chemical Engineering , MVP for this year's BICC Men's Basketball Tournament!"
I swear that I didn't intend to make a face, but I couldn't help it. I saw how his teammates cheered for their victory, especially his victory as the MVP when it should have been my best friend if he didn't get injured.
A lot of girls were taking pictures of him as he received his medal.
I'm not blind and I know when someone has good looks. Well, he has it. Maybe that's why there were a lot of girls cheering his name like he was some kind of artist.
He was slightly moreno. He has this deep set of dark brown eyes and also his thick eyebrows were on point. It made him look darker, but whenever he smiled, it was a total opposite of his dark aura.
Nalipat naman ang kanyang tingin sa akin pagkatapos niyang tanggapin ang kanyang medalya. Kailangan niyang tumabi sa akin habang tatawagin pa ang ibang MVP sa Men's Volleyball at Women's Basketball.
Humakbang ako ng isang hakbang sa gilid nang makatabi siya sa akin. Ayokong magmukhang masungit pero hindi ko maiwasan ang mainis sa presensya niya.
"Uh... Hi."
Napakunot naman ang aking noo at saka siya nilingon. "Ako ba ang kausap mo?"
"May iba pa bang tingin mong kausap ko?" Bahagya siyang natawa dahil sa tanong.
Oh, please! Huwag kang tumawa at hindi tayo close. May atraso ka pa sa best friend ko!
Inirapan ko na lang siya at saka humakbang pa ng isa palayo sa kanya.
"Sabi nila mabait ka raw, pero masungit ka pala..." Rinig kong bulong niya.
"Excuse me, I'm not masungit," sabi ko at gustong-gusto ko nang humalukipkip at magtaray kundi lang nang dahil sa mga taong nanonood sa amin ngayon. Nasa gitna kami ng entablado.
"Talaga?" nagtaas siya ng kilay sa akin. "Parang hindi naman..."
"Hindi ako masungit. I'm just bothered by my best friend's current condition. Nag-aalala ako sa kanya and I can't wait for this to be over para mapuntahan ko na siya," sabi ko na lang.
Hindi ko inakalang mapag-aaksayahan ko siya ng ganoong karaming enerhiya para sabihin iyon.
"Oh..." His playful aura suddenly disappeared. "How's Gio, by the way? I needed to finish the game. Noong pumunta ako sa clinic, wala na siya."
"He was sent home. Gusto ni Tita na umuwi na siya at doon siya titingnan ng doctor nila," sabi ko na lang at pumalakpak nang tawagin ang isa pang MVP.
"I hope he's fine..." he concernedly said. "Hindi ko sinasadya. Sana talaga okay lang siya. Pakisabi naman sa kanya na kinakamusta ko siya."
Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. His eyes were screaming guilt and sorry. Naging dahilan iyon para bahagyang matunaw ang galit at inis ko sa kanya. He was really concerned to my best friend. I can see it in his eyes that he wasn't lying.
"Hindi mo ba sinadya 'yon?" Hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga salitang iyon sa labi ko.
His forehead creased as he looked at me like I was joking.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong niya sa akin na para bang natapakan ko ang kanyang pagkatao. "It may be impossible to win over him, but I play fair. I don't like winning because of cheating. Hindi ako ganoon maglaro."
Hindi naman ako nakasagot kaagad at agad na ginapangan ng konsensya sa katawan. Gio will surely scold me for this one if he will know that I confronted his friend.
"Iyan ba ang tingin mo sa akin?"
He sounded like I hurt him and I hated it. Feeling ko tuloy ay ang laki ng kasalanan ko. Ano bang ginawa ko? Nagtanong at nanigurado lang naman ako, ah!
"Kaya ba masungit ka sa akin?"
Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Did this guy just read through me?
Hindi na ako nagkaroon ng tiyansa na madepensahan ang sarili ko nang tawagin na ng emcee an gaming atensyon para sa isang group picture. Pagkatapos naman no'n ay agad na siyang nagmadaling bumaba ng entablado.
I didn't run after him, simply because I didn't like the feeling of chasing someone. And besides, this might be the last time that I will interact with him. I've been studying here at BICC for almost three years but I've never encountered him 'till now.
Bumuntong hininga naman ako at kinuha na ang bag sa locker matapos kong makapagpalit ng damit. Inilugay ko ang aking buhok at saka sinuklay ito gamit ang aking daliri habang palabas ng locker room.
I hate this kind of feeling. Ayoko ng pakiramdam na parang may taong masama ang loob sa akin. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao. I know that it was somehow my fault, but I can listen!
"Dianarra."
Halos atakihin ako nang bumungad sa akin si Silver pagkalabas ko ng locker room. Sa sobrang gulat ko ay binalak ko pang pumasok muli sa loob na dahilan kung bakit ako nauntog sa pintuan.
Napadaing na lang ako nang dahil sa sakit at saka hinimas ang parte ng aking noo na tumama sa pintuan.
"Hey... Are you okay?"
Muli naman akong nagulat nang bigla niya akong hinarap sa kanya. Pero kaysa tumakbo palayo ay nanigas na lang ako sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang lapit niya sa akin kaya naman bahagya ko siyang tinulak.
"Ayos lang ako..." nahihiya kong sabi habang hinihimas ulit ang noo.
Kumunot naman ang noo niya sa akin at saka inilapit ang kamay sa aking mukha. Bahagya akong umiwas ngunit sadyang mapusok siyang kumilos kaya naman nahawakan niya rin ang aking noo.
"Namumula..." bulong niya.
He exhaled in a very problematic way.
Ano na naman ang ginawa ko?
Binuksan niya naman ang kanyang backpack at kinuha roon ang kanyang tumbler. Humugot din siya ng bimpo.
Pinanood ko siya habang seryosong nilalagyan ng yelo ang bimpo. Nang maging ayos siya sa dami ng yelo ay ibinuhol niya ito kung saang pwedeng mahawakan ng maayos.
Wala pang kahit na sino bukod kay Gio at sa mga kapatid ko ang sumubok na mag-alaga sa akin katulad ng pinapakita niya ngayon. And to think that I even judged him earlier, for him to execute this kindness was really surprising me.
"Malinis ang bimpo na 'to. Hindi ko pa nagagamit," sabi niya at saka inilahad sa akin ang ice pack na ginawa niya. "Ilagay mo sa noo mo para hindi mamaga. Medyo malakas ang pagkakauntog mo."
Lumabi naman ako at saka tinanggap ang ice pack na inayos niya para sa akin.
"Thank you..." Tipid kong pasasalamat.
Tumango lamang siya at saka tinuro ang bench sa labas ng locker room.
"Umupo ka muna roon," sabi niya.
Pakiramdam ko ay ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya kaya naman sinunod ko na lang ang gusto niyang mangyari.
Pagkaupo ko ay agad naman siyang tumabi sa akin. "Paupo ako, ah?" nagpaalam pa siya at tumango na lamang ako.
I bit my lower lip while trying to shrug the awkwardness away. Kulang na lang ay may mga kuliglig nang umeksena sa aming dalawa dahil sa sobrang katahimikan.
"Nga pala..." bigla siyang nagsalita kaya naman napangiti ako at agad siyang nilingon.
Kita ko namang natigilan siya nang nilingon ko siya na dahilan kung bakit unti-unting napawi ang ngiti ko. Nakakahiya naman...
"Ah... Ano 'yon?" tanong ko na lang at saka nag-iwas ng tingin.
"Sasama ako kina Gio. Kung okay lang sana," sabi niya. "Gusto ko siyang bisitahin at kamustahin. Hihingi na rin ako ng tawad sa kanya at sa mga magulang niya dahil sa nangyari."
"Hmm... Sige..." Tumango-tango ako.
Muli na naman kaming binalot ng katahimikan. Sa sobrang tahimik ay binabalot na rin akong lamig.
"Kruu...Kruu... Kruu..." Hindi ko na napigilan ang paggawa ko ng tunog dahil iyon na lang talaga ang kulang.
Nilingon ko siya at kita kong gulat siyang nakatingin sa akin kaya naman ngumisi ako sa kanya.
"Masyado kasing tahimik, e..." nahihiya kong sabi.
Napailing na lang siya at saka nag-iwas ng tingin sa akin. Ngumuso siya at tila nagpipigil ng tawa.
"Sorry nga pala, ah..." I apologized. "I'm sorry for accusing that you purposely injured my best friend. Alam mo kasi... parang kapatid ko na 'yong si Gio, e. Ganoon na lang ang pag-aalala ko sa kanya. I hate seeing him getting hurt."
He bit his lower lip before a smile finally escaped from his lips.
"Naiintindihan ko..." sabi niya. "First impressions aren't always that good anyway. But I do hope that your impression of me is somehow changing..."
Maagap naman akong tumango-tango at saka itinaas ang aking kanang kamay. "Mabait ka!" sabi ko.
Bahagya naman siyang natawa. "Dahil lang ba 'yan sa naumpog ang ulo mo o..."
"Promise!" I sternly said. "I can see your genuine kindness and sincere concern."
Muli naman siyang napangiti at saka inilahad ang kanyang kamay. "Friends?"
I smiled back at him and shook hands with him. "Friends."