—BLAIRE'S POV— Unti-unting bumalik ang aalala ng araw na pinatay si Silver. Ang mga sigaw at daing niya habang hawak-hawak siya ng taong pumatay sa kaniya. Ang nakakaawang iyak at pagmamakaawa nito para bitawan siya. Lahat ng hinagpis at sakit nang araw na iyon ay parang isang bangungot na bumalik nang marinig ko ang hiyaw sa sakit ni Ritch. Hindi ko na napigilang kainin ang sistema ko ng takot dahil sa narinig sa tawag. Agad naman kasing rumehistro sa utak ko ang nangyari kay Silver. Saka parang isang iglap lang, bumalik ang lahat. Lahat-lahat nang nangyari nangyari na tuluyang kumitil sa buhay ng kakambal ko at ako ay naiwang nakakulong sa alaala ng nakaraan. "What do you mean, Gold?" "D-dad! They are hurting her. She was c-crying. She was a-asking for my h-help, please don't let h

