—GOLD'S POV— "Blaire, can we talk?" Nagbibingi-bingihan akong nag-ayos ng mga gamit ko. Kakatapos lang ng pang-hapong klase namin. "Guys, mauuna na ako. May dinner date kami ni Mom. Nasa gate na raw siya," paalam ni Ash. Pagkatapos kong mailagay lahat ng gamit ay parang hangin akong naglakad palabas. Akala ko ay tahimik at maayos akong makakaalis pero agad kong naramdaman na may humawak sa wrist ko. Bahagya pa akong kinaladkad. Tsk! Who in the f*****g right mind gave him permission to do this? Akmang aangal na ako nang bumulong ito. "You temper. Maraming mata rito, baka nakakalimutan mo?" seryosong wika niya saka saglit pa akong nilingon. Hindi na ako nag-abala pang umangal dahil na sa wala ako sa mood ngayon at may punto naman siya. Mukhang alam ko naman kung tungkol saan an

