—REIZ'S POV— "Nasaan?" tanong ko kay Hanieza na siyang ikinakunot ng noo niya. "Anong nasaan?" pabalik din niyang tanong. Umiling-iling ako saka nag-ready nang umalis pero hinawak niya ang braso ko. Pinukulan niya ako ng tingin animo ay nagde-demang ng sagot. "Nasaan ang pake ko?" Tsk! Pakealam ko ba kung na-a-attract siya kay Ash? Wala na akong oras para isipin o problemahin iyan. Kung naka-move na siya, sa wakas, ay mabuti. "Reiz! You're so mean to me. I just want to tell you that. Aren't you happy?" "What exactly do you need?" Nang marinig ang sinabi ay parang tuta itong ngumiti at muling inangkla ang dalawang kamay niya sa braso ko. Tsk! Heto na naman! "Help me get close to Ash." Eh? Maganda si Hanieza. Matalino at mabait minsan, maarte lang talaga. Para saan pa at hihi

