—GOLD'S POV—
NAKARATING ako ng school 15 minutes before the time. As usual, medyo marami-rami na rin ang nakakalat na estudyante sa campus. Sa room nadatnan kong nag-uusap ang dalawang mokong. Seryosong usapan siguro dahil hindi man lang ako napansin na dumating, ni tapunan ako ng tingin ay wala. Sabagay, mas mabuting ganyan, hindi ako mahihirapang umiwas.
"Uy Blaire, nandiyan ka na pala. Kanina ka pa?" tanong ni Ash nang mapansin ako sa gilid niya. Inirapan ko lang sila at umupo na sa desk ko.
"Pasensya na 'boys talk' eh." Tinignan ko lang saglit si Ash at saka umiwas rin agad ng tingin. Hindi na ako nag atubili pang sumagot.
"May ibibigay pala ako." Kita kong binuksan niya ang kaniyang bag at kinuha roon ang isang paper bag. Ano yan?
"It's chocolate cake. I baked it for you," he shyly said as he extended his hand to give me the paper bag he's holding.
Anong mayroon at may paganito?
"Wait! Nasaan 'yong akin?" patay malisyang sabat naman ni Nerd.
"Tse! Mag-bake ka mag isa mo," ani ni Ash.
Iniabot niya ito sa alin. Nanatili akong tahimik at 'di kumikibo. Habang sila ay naglalabanan pa ng mga tingin. Tila natahimik din sila nang mapansin ang pananahimik ko. Naghihintay yata sa magiging reaksyon ko. Tsk.
"I'm not into Chocolate, you can have it, Nerd." Saka tinapunan ng si Nerd tingin at binalik agad kay Ash. "Don't give me stuffs, I might misunderstood your actions towards me. Don't act like we are all close. Know your limitations, I don't like you two hanging out with me again."
Fuck! Saan ko ba pinagkukuha sinasabi ko? Alam kong ito ang gusto ni Dad. Para wala na ring gulo.
Pansin kong natameme silang dalawa sa sinabi ko pero kibit balikat ko lang silang inirapan. Ni Hindi pa sana tatanggapin ni Nerd ang binigay ni Ash. Alam kong inaasar niya lang si Ash at ayokong pahabain pa ang storya. Ayokong umabot sa puntong magtagpo ang landas nilang dalawa at ni Dad.
Ilang sandali lang din ay dumating si Mrs. Grandees at abot tenga ang ngiti. Maaliwalas pa kung titignan ang mukha na halatang may dalang magang balita. Well, nasanay kasi kaming strikto siya parati. Tipong mukha niya ay daig pa ang matandang dalaga.
Anong nakain niya?
"Good morning class!"
"Good morning Mrs. Grandees!" bati ng lahat.
Nakangiti pa rin itong nilapag ang bitbit na mga test papers at umupo sa chair niya.
"As we all know, we had our last Summative for this grading yesterday and I have the results of our test."
Ang iba kong kaklase ay mukhang excited na malaman ang results. Ang iba naman ay tila 'di mapakali at kinakabahan pa.
"And I'm happy because there are two students here who perfect the test. It was quite hard, right? But at least there are two students who made it and most of you got a passing scores."
Everyone seems so excited when they heard the news. Aba sino ba naman hindi ma-e-excite kung major subject namin ang mag-aanounce ng perfect scores. Once in a blue moon lang din ito.
"So hindi na natin papatagalin, may I call on Mr. Reiz Oprido Santos."
"Woowwww!" Everyone stunned.
"Ibaa rin, Reiz!"
"Tatay mo ba ang father ng accounting?"
"Baka Father of accounting 2.0 version!" rinig kong pabirong wika ng isa naming kaklase. Iba rin talaga pag nerd.
Aaminin kong medyo mahirap ang naging test namin kahapon. Marami ang kailangan intindihin. One wrong move and you're wrong. Though kahit inaral ko ang halos 9 cycle ng accounting, may mga parts pa ring nalilito ako.
"Reiz Oprido Santos?" tawag ulit ni Ma'am, ngayon ay may kalakasan ang boses niya.
Natahimik saglit ang buong klase pagkatapos tawagin ulit ni Ma'am ang buong pangalan ni Reiz. Reiz Oprido Santos.
Teka...
Oprido?
Sinundan ng tingin ng lahat si Reiz habang papunta ito sa harap, at nang makuha ang kaniyang papel ay nakakabinginb palakpakan ang nangyari. Hindi ko maitatanggi na matalino ang isang 'to. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa umupo ulit sa upuan niya at yumuko sa desk, matutulog yata. Gawain niya namang matulog sa klase. Swerte niya lang, hindi siya nahuhuli ng ibang teachers.
"Ang isang naka-perfect naman ay babae."
Pero Oprido ang middle name niya. By any chance, is he something to do with Dyrelso Clan? From that Angela Oprido Dyrelso. Hindi ko nagawang pansinin ang pinagsasabi ng mga kaklase ko. Napako ang buong atensyon ko sa kaniya.
"Yiieee baka 'yong mother of accounting Ma'am!" pabirong sabi ng isa.
"Baka ang soon to be wife ni Reiz!"
"O baka ang future wife ni Reiz, yiiiieee!"
Is it possible that you are connected to them? If yes, who are you then? The real you, Nerd.
"May I call the attention of Ms. Disley Blaire Ilthrov to get your test paper."
Who are you, Nerd? Sana hindi ka konektado sa kaniya. Sana.
"Miss Dissey Blaire Ilthrov?"
'Ha?' Wait? That's my surname? I heard silence. Everyone became silent.
Naramdaman kong bahagyang tumingala sa gawi ko si Nerd. Animo ay galing pa sa antok na pilit na binabangon ang ulo. Napalingon ako sa kaniyang nang kapagkuwan ay narinig ko siyang nagsalita.
"So you are my future wife, Binibining Ilthrov?"
It was more like a whisper but damn I heard it clear. His what? f**k that joke! No way!
"Dissley Blaire Chua?" Muli ay naagaw naman ang atensyon ko nang tawagin ulit ni Ma'am ang pangalan ko.
Bumuntong hininga pa muna ako bago magpasyang kunin ang papel ko sa harap. Seryoso akong naglakad papunta sa harap para kunin ang test paper ko. Kung gaano ka hindi gusto ni Nerd ang atensyon mas hindi ko iyon gusto. Mas pipiliin ko talagang maging hangin sa isang tabi, tipong walang makakapansin pero delikado rin kung tutuusin.
Tahimik lang nagbulungan ang mga kaklase ko. Tila na sense nila ang pagiging seryoso ko. Walang nagtangkang magsalita, wala ni isang kumantyaw o 'di kaya nang asar sa akin tulad kanina kay Nerd. Sapat na siguro anh awara na mayroon ako para isa-isa silang masindak. Pagkakuha ko ng papel ay agad akong bumalik sa upuan ko. At ginaya ang ginawa ni Nerd na matulog.
'Kaya pala natulog siya, now I know'
"Let's give them a big clap," ani ng aming guro. Hindi na ako nag atubiling pansinin sila. Nagpa-as if tulog na lang din ako habang si Ma'am ay nagdi-distribute ng mga papel.
—ASH'S POV—
ILANG minuto bago ang pang hapong klase namin, pumunta sa harap ang tumatayong President ng klase namin. May mahalaga raw sjyang announcement, kung ano man iyon—hindi ko alam.
"Guys, announcement! Dalawang linggo na lang at Senior's Night na, 'di ba? The SSG Council asked for the names need names of those who will attend, with partners already ha. So they can arrange the tables and chairs. Isa pa, this is not compulsory but the whole senior high department is looking forward for our participations. This is our last chance to experience such kind of events, since we are all graduating and college will be more stressful."
"What if hindi pa sure?" tanong ni Iya, ang secretary sa room.
"The deadline would be Thursday pa naman. If your name isn't here in this paper up until tomorrow we will consider that you won't join the Senior's Night. I'll post this on the blackboard so you can freely write your name here anytime, understood?"
Tumango kaming lahat bilang sagot sa president namin. Walang ano-ano ay tila may nag udyok sa aking lumingon sa kaniya. Napatingin ako kay Blaire na naksubsob ang ulo sa kaniyang arm desk, mukhang natutulog. Pareho sila ng pwesto ni Reiz.
Should I ask her?
Should I come to Senior's night?
If she'll say yes, then maybe I will join. But Mom would arrived days from now. Kung malalaman niyang may ganitong event ang school, nako baka gumastos at magpabongga na naman iyon. Hays—nevermind. I'll try to ask her first before I tell Mom about it.
"Guys! Nandiyan na si Sir!" sigaw ng kung sino.
Nagsiupuan na kami at hindi nagtagal ay dumating ang teacher namin sa Business Ethics na subject namin.
"Good afternoon, everyone!"
"Good afternoon, Sir Tolentino!"
Nilapag niya sa table ang bitbit ng bag at bahagyang sumandal sa blackboard. Bakas sa mukha ang mumunting ngiti, maliit siya kung titignan, may pagkamoreno at nasa 40's na siguro edad.
"As what I've said yesterday, you have to do research for our topic today which is The importance of Ethics in business,"
Nagsitanguan sila, alam kong handa ang lahat dahil nga sinabi ni Sir kahapon na mago-oral recitation din siya tungkol sa nakalap namin na impormasyon.
"Sino sa inyo ang unang magbibigay ng kasagutan?"
Halos lahat ay nagsitaasan ng kamay maliban sa dalawa sa tabi ko na natulog pa rin.
"Ms. Tuazon?" Sir Tolentino called on my classmate's surname.
"Importance of Ethics in Business—based on what I've read, sir, it is important for the business to grow."
"In what way?" calmly asked her.
"In way that entrepreneurs use this, Sir to improve their selves and their business as well. If every business possessed a good ethics it will be easy for them to grow."
"Very well said. How about you, Mr. Sanchez?"
Tumayo akong nakangiti. In fact, I don't know the answer but I will try to answer it. I tried to browse the google about it yesterday night but none of it satisfy me. Hahaha, I don't know. I'm sure that the question is very common, especially to a those who are born and raised by business.
"For me, the importance of ethics in every business is simple as walls in every houses. They serve as the foundation of every business. If they have a bad ethics then their customers will surely dislike them and find other suppliers. Just like in relationship, pag pinabayaan mo at pinairal ang masama at hindi tamang ugali ay masisira ito. Pag hindi mo binigyan ng halaga ay malaki ang chance na mawala sayo ang mahal mo. It's like a domino situation. Ethics and Business are good twins, when one fails, the other will fail too." Rinig ko ang pagpalakpakan ng ibang kaklase ko. Pilyong ngiti lang ang tinugon ko at saka umupo.
At nagpatuloy nga ang recitation namin hanggang sa mag uwian na.
What a not-so-great day!