—BLAIRE'S POV—
Mabilis na natapos ang buong weekdays. Wala namang bago, puro discuss ng ganito at ganyan sa school. Parang normal na week lang para sa akin. Ash and Reiz, well they sort of ignoring me, which gives me advantage though because I'm busing with my own plan.
It's for my peace of mind, at the same time taking Nerd's away from this f****d up life as I am still not sure of his identity.
Nitong mga nakaraang araw, si Rio ang taga hatid-sundo ko. He offered it, so who would have refused it, 'di ba? Less hassle for my part. Pagkatapos kasi niya akong ihatid ay pupunta iyan sa company at ang alam ko, nag-t-training siya kung paano patakbuhin ito. Pagkatapos naman ay susunduin niya at paminsan-minsan ay tumatambay kami sa headquarters. I have no problem with Rio taking good care of the company even if he's just an adopted. Sa amin kasing dalawa kasi, alam kong kaya niya iyon. At kung sakali mang grumaduate na ako, life would be easy for me both underground community and in business world. I'm pretty sure I'm smart enough when it's my turn to handle everything under the name of Reyes and Ilthrov.
"Dad!" tawag ko sa kaniya at nilapitan ito.
Nandito kami ngayon sa kaniyang office rito sa mansion. Sinadya ko kasi siyang hintayin dahil may susubukan akong alamin.
As usual, nakabuntot lang si Rio sa kaniya. Kung hindi ko kasi kasama si Rio ay siguradong si Dad ang kasama niya. Mukhang wala naman iyang babaeng dini-date. Sayang. Sa totoo lang, ang hot ni Rio minsan tignan. Hindi sa na-a-attract ako, pero mala-artista ang tindig niya lalo na n'ong umuwi rito galing states. Siya iyong tipong napakaseryosong tao pero palabiro na corny naman.
"It's almost midnight, why are you here? Did you wait that long?"
"No. It's okay, I need something from you."
"About what?" Naglakad siya patungo sa table niya at nilapag ang iilang gamit na bitbit.
"About Mom." Imbes na sumagot at tumango ito kay Rio.
"You can have your rest, Rio."
With that Rio obeyed him. Saglit pa itong lumingon sa akin at saka binalingan ako ng tingin. Tumango rin ako sa kaniyang bilang paalam.
Ilang segundo matapos makalabas ni Rio ay tila tahimik lang naghihintay si Dad sa akin.
"So, what about your Mom?"
" Ahmm... Dad, you mentioned before na may relasyon si Mom at Anderson, may naging anak ba sila?"
At natahimik nga siya. Akala ko ay seryoso niya akong sasagutin pero payak na tumawa ito. I'm not joking around?
"Saan mo kinuha iyang tanong iyan, Gold?"
His small laugh, almost smiley face quickly turned into a poker face. His gazed rerouted on the displayed picture frames on the side part of his office. It didn't took long when he went close there and hold one of the picture frame. He became silent. Sinundan ko lang siya ng tignin, tila maingat na naghihintay ng sagot galing sa kaniya.
As silence kept on invading, the distant feeling also arouse. My eyes glued at Dad's gesture. Trying to examine every action his doing. It feels like his reminiscing their memories. Sa pagdaan ng ilang segundo ay tila mas lalong naging mabagal pa ang oras. Lahat ng focus ko ay nasa kay Dad lang. Sinusubukang damhin kung ano man ang nakikita niya sa larawan naming buong pamilya.
"Your mom was the kindest and honest woman I have ever met in my entire life." His fingers runs through the top of the picture frame.
Parang may kung anong nagtulak naman sa akin na tumayo at lumapit sa kaniya. Hawak nga niya ang larawan namin na kasama si Mom at Silver.
"Your mom was pure when we married and she's the most honest woman when we became husband and wife." He rerouted his eyes to me and soon withdraw it.
"To answer your question, it's a no."
Then— "Is Anderson had a brother?"
Saglit pang nag-isip si Dad bago sumagot. "Dyrelso? Ahmm... no. He's an only child."
What?!
"Anderson never had a brother. That's why we were so close back then. He sees me and Irill as his brother."
Shoot! Another truth, another question, another mess!
Damn it! Who the hell are you really, Nerd?
—REIZ'S POV—
"Blaire is indeed unreadable." Ashton, out of nowhere said.
Naglalakad kami ngayong dalawa palabas ng building. Tapos na ang klase at dahil wala na rin kaming ibang mga gagawin sa school ay napagapasyahan naming umuwi na. Saktong nasa unahan lang namin si Blaire, nauunang maglakad.
"Paano mo naman nasabi?"
Napako lang ang mga mata ko kay Blaire habang naglalakad kami. Ni hindi naman siya nag atubili lumingon sa amin. Ilang araw na rin nang biglang hindi na kami nagpapansinan.
"There are days that she hang out with us. There are days that she's so mean. Also, there are days when we really don't know if she's the same Blaire we have talked and befriend with. Parang season ang mood at pakikitungo niya."
Tama naman siya. Blaire is indeed unreadable or maybe, we just didn't try to understand her very well.
"Dagdag pa, minsan okay naman siya. She often smiles at us but she's distant out of a sudden. She is freaking mysterious in some ways—Wait!" Agad kaming natigil sa paglalakad ni Ash nang matanaw namin si Blaire, nakatayo sa gilid ng isang itim na sasakyan.
Hindi naman nagtagal nang lumabas sa sasakyan ang isang mestisong at mataas na lalaki. Halatang may kaya sa buhay. Ang tindig niya at kung ano pa. Walang ano-ano ay naalala ko ang mga naka-business suit na lalaki na nakita ko noong dumalaw ako kay Amethyst sa hospital. May pagkahawig ang awra na mayroon sila ng lalaking kasama ni Blaire. May pagkakahawig din ang kanilang mukha.
That's absurd! Bakit ko ba naalala iyon? Alam kong maliit ang mundo pero parang napaka-imposible na nang naiisip ko.
"Sino 'yan?" wala sa sarili kong tanong.
"Iyang kasama ni Blaire?"
Tumango ako pero hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanila ni Blaire. May pagka-familiar talaga ang lalaki. Hindi ko maalala kung saan ko siya unang nakita.
"Noong last week ko pa iyan nakita. Parating hinahatid-sundo si Blaire. Hindi ko alam kung sino at kung ano siya ni Blaire. And one more thing, I remembered him calling Blaire as Gold. That was weird, Blaire was so shocked that time."
Gold. Wait?
"I asked Blaire to go to museum with me but damn, he—"
"Did you confessed?" Oh crap! Ash likes Blaire.
Bakit ko ba nakalimutan iyon? s**t! No'ng senior night! Crap why did I confess? Naalala niya pa kaya iyon?
"Well, not really. I just her to go to museum."
"Did she say yes?"
"Haha, no." Ashton chuckled. We are both still looking at Blaire and in that guy.
Pareho kaming natigilan dalawa ni Ash na kapagkuwan ay hinapit ng lalaki si Blaire at saka hinalikan ito sa noo. Blaire didn't protest, he just let him. At nanatili pa silang nasa ganoong posisyon ng ilang segundo.
Narinig kong napamura si Ash habang ako ay tila umakyat lahat ng duho ko sa ulo at naramdaman kong kusang nagsara ang aking kanang kamao.
Damn! Is that guy is her boyfriend? Why is she letting him touched her?!
Kaya ba wala siyang sinabi noong nag-confess ako sa kaniya ng senior's night?
Shit? Did I just fell to the lady whose heart is already owned by someone?