“I’m not yours, stop dreaming.” Tinabig ko siya pero bigla niya akong hinila palapit, dahilan para mabitawan ko ang hawak kong baso sa isang kamay. “Ano ba! Nasasaktan ako!” Impit ang sigaw ko habang hinihila niya ako papunta roon sa madalim na part ng garden namin. “I swear, If you don't let me go-” Napatigil ako noong bitawan niya ako kaya bahagya akong napaatras. Hinawakan ko agad ang braso ko, namumula na dahil sa hawak niya. Sinamaan ko agad siya ng tingin at lalagpasan na sana pero pinigilan na naman niya ako. “Let‘s date,” he whispered. “Ayoko,” matigas na sabi ko dahilan para mas higpitan niya pa ang hawak sa‘king braso. “If you don't want to date me, then...” Umayos siya ng tayo at tumingin sa‘kin. “Then, handa ka dapat sa pwedeng mangyari kay Dos. You love him, right?” “W

