“Okay, class dismissed. Ace, maiwan ka.” Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit noong tawagin ako ni Ma'am Velasco. Hindi ko alam kung bakit, pero madaling madali na kasi ako ngayon. Siguradong hindi agad makakarating sa hospital si Dos dahil late na matatapos klase nila. Masyado na rin kasi silang maraming ginagawa. Kailangan na kailangan ko lang talagang alagaan si Mameng sa hospital. Limang buwan na siyang hindi gumising. Nakakalungkot pa na mayroon siyang mga sakit na sinabi ng doctor. Alam ko ring hindi na kayang bayaran ni Dos at ni Paps lahat ng bayarin sa hospital, kaya kahit hindi sila humihingi ng tulong sa‘kin, ako na nagbabayad. Hanggat hindi gumagaling si Mameng, hindi ako manghihinayang gastusin lahat ng pera ko. “Do you know kung bakit kita pinaiwan?” My professor said. Um

