“What? Cute? Who? Me?” Napasinghap si Dos, lalong natawa sa‘kin habang ako‘y tanong lang nang tanong sa kaniya. Hindi ko maiintindihan! He said cute! So baka ako sinasabihan niya! “Do you like me, Dos?” Mataray na tanong ko. “Ha?!” He gasped, gulat na gulat sa sinabi ko. “Tumayo ka na nga riyan, ibibili na kita agahan! Gutom lang ‘yan, Alas!” He said, which made me roll my eyes at him. Gagawin niya pa akong bingi! Narinig ko naman talaga! “Stop calling me Alas! My name is Ace, duh?!” Tumayo ako‘t napairap ulit. Tumingin naman siya sa‘kin, kaya nakatingala ako habang nakataas ang kilay ko sa kaniya dahil mas matangkad siya sa‘kin. “Bakit? Okay naman ha? Alas din naman meaning ng Ace!” Pamimilit niya pa kaya napapadyak na ako sa inis dahilan para mapausod siya‘t matawa sa ginagawa ko.

