Matapang kong sinalubong ang matalim na tingin ng nanay ni Cruix. "Correction po, Madam Farah, hindi po ako mistress ni Drioz," mahinahon kong paglilinaw. "May relasyon kami ng anak mo... do the math kung sino ba talaga ang kabit sa'ming dalawa ni Drioz kung meron man." "How delusional!" nang-iinsultong bulalas ni Farah. "What made you think na seseryosohin ka ng anak ko?" Kunwari ay gulat akong napatakip bibig bago madramang bumaling kay Cruix. "Totoo ba Cruix?" maarte kong tanong sa kanya. "Na hindi mo ako seseryosohin? Aminin mo! Aminin mo!" pagpapatuloy ko habang ginagaya iyong tono nang no'ng nag-trending sa internet. "The nerve!" wari'y ay nandidiring pahayag ni Hannah. Nginisihan ko lang ito at siniguro kong nakatingin ito nang paraanan ko ng haplos ang braso ni Cruix. Mabuti

