❄IN THE ARMS OF MAFIA❄
CHAPTER 03
BELA SALCEDO' POV
HANGGANG ngayon lutang pa rin ako dahil sa kakaisip hindi ko alam kung bakit nila ako pinagbabawalan na lapitan ang mga Salcedo.
Gustong gusto ko na ring makita ang kambal ko. Yes sinabi nila sa akin ang kalagayan ngayon ni Kuya Ben, na ligtas na siya at hawak ng mga kamag anak ko si Kuya.
Sobrang miss na miss ko na si Kuya tanging siya na lamang ang natitira para sa akin na laging nasa tabi ko pag tuwing malungkot ako.
Napayakap na lamang ako sa aking mga tuhod ko habang nakaupo ako rito sa bench.
"Leo told me na hindi ka pa kumakain hanggang ngayon, what do you think what are you doing??"
Seryoso ang kanyang boses, napatingala ako ng masilayan ko ang pagmumukha ng kumag na ito. Agad akong napaiwas ng tingin mas lalo lang umiinit ang ulo ko sa lalakeng to. Kumukulo talaga ang dugo ko pag nakikita ko ang pag mumukha niya, nakakairita siya.
Simula nung nandito na siya andaming pinag babawal niya sa akin, makahigpit wagas sino ba siya para diktahan ako sa mga kagustuhan ko.
"Wala kang pake leave me alone, get out of my sight" irita kong sinabi pero parang hindi siya nakikinig ramdam ko pa rin ang presensya niya sa aking likuran. Ngunit wala na akong pake pa kung nandyan pa siya.
"Don't you dare para utusan mo ako, you have no rights-" Hindi na niya natapos ang sasabihin nito ng magsalita ako.
"E di ikaw na! You win nandito ka ba para sermunan ako. Pwede ba iwan mo na ako gusto kong mapag isa!" Inis kong sigaw sa kanya.
"Ok but in one condition"
"Ano na namang kondisyon gusto mo" maldita kong sinabi.
"Eat this foods, I know your stomach is empty, huwag mo akong susubukan pag nalaman kong hindi mo yan naubas I will punish you" nakangising ani nito, naparolled eyes na lamang ako titingnan ko na sana siya ng masama ng lumakad na ito palayo.
Napabuntong hininga na lamang ako saka napatingin ako sa aking tabi na may nakalapag na pagkain. Wala na akong nagawa kundi kumain kahit wala akong gana. Baka kung ano pang gawin sa akin ang kumag na Greg na iyon.
Pagkatapos akong kumain ay inilapag ko na lamang iyon sa tabi ko.
"Hi miss Bela, musta ka na" nakangiting bumungad sa akin si Leo, pero hindi ko siya pinansin wala akong ganang makipag usap sa ngayon kaya napayakap muli ako sa aking tuhod.
"Umalis pala si Greg sabi niya magpapakabait ka raw habang wala siya" sabi nito sa akin.
Magpapakabait talaga ano kala niya sa akin batang iniwanan sa bahay na paslit, b*wisit talaga ang lalakeng yun. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Leo nagpanggap na lamang ako na walang narinig.
"Sige alis na ako Miss Bela, huwag kang magpapalalim ng gabi rito baka magkasakit ka malilintikan kami ni Greg pag may nangyari sayong masama sayo"
Bilin niya sa akin pero wala akong pake, bahala siya sa buhay niya ano ako sunod sunuran sa Greg na yun. Duhh over dead of my body hindi ako susunod sa lalakeng iyon.
Pwes manigas siya, wala akong pake sa kanya. Kailangan kong makaalis rito ayaw ko rito, bahala sila sa buhay nila kung hahanapin nila ako.
Agad na akong tumayo, ok naman yung suot ko ngayon, nakal leggings at white T-shirt ako na ipinahiram sa akin ni Maurine.
Ano kaya kung puntahan ko ngayon si Shella siya lang ang pwede kong malalapitan ngayon. Kaya pupunta ako sa bahay nila. Naghanap ako ng pwede kong akyatan kasi alam ko na may bantay sa gate kaya tiyak na mas lalong hindi ako ngayon makakaalis ng tuluyan rito.
Ilang sandali lang ay nakahanap rin ako ng pwedeng maakyatan rito. Pagkatapos kong akyatin ang bakod ay tagumpay rin akong nakababa medyo malapit na rin siguro mag alas sais ng gabi.
Tahimik lamang ako naglalakad sa daan medyo malapit lapit na rin ang bahay nina Shella kaya titiisin ko kahit pagod na ako sa kakatakbo para walang tauhan ng Campbell ang makakaabot sa akin.
Hingal na hingal akong nakarating sa tapat ng gate nina Shella hindi na ako nagpatumpik tumpik pa na mag door bell.
Saglit lang ay may bumukas na at niluwa iyon ni Shella. Nagulat pa nga siya ng makita ako ang kanyang mga mata ay bumahid ng pag alala at lungkot na bumalot sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya at agad na pumasok sa loob, agad niya akong yinakap at ganon rin ako yinakap ko na rin siya pabalik.
"Bel, oh god salamat ligtas ka, akala ko wala ka na" hagulgol nitong sinabi.
"Bakit naman kita iiwan Shella best friend kita diba sabi ko walang iwanan" malumanay kong sinabi. Ilang minuto ang scene na iyan ay narito na rin kami sa sala naguusap.
Sinabi ko na lahat sa kanya ang nanyari na may pumatay sa parents namin ni Kuya. Wala sina Tita ngayon dahil nasa burol daw sila, nagpaiwan siya dahil sa lungkot ng dahil sa akin.
"Shella pwede mo ba akong samahan sa burol nina Mommy" nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Bell pero sabi ni Kuya kevin na hindi ka pwedeng bumalik roon dahil delikado ka" nag aalalang sinabi niya sa akin.
"What do you mean Ella?"
"Hindi ko alam pero siguro malalaman mo rin yung totoo sabi ni Kuya nasa miyembro lang ng kamag anak mo ang killer" nagulat naman ako sa sinabi ni Ella/Shella. Walang hiya sila bakit nagawa nila ito sa sariling kadugo nila.
Magbabayad siya kung sino man ang may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi ko sila mapapatawad, napakuyom ako sa aking kamao dahil sa galit.
"Please Ella kahit hanggang silip lang ako" pankukunbinsi ko sa kanya. Nagdadalawang isip pa siya kung papayag siya kung hindi pero kalaunan ay pumayag rin ito.
Pero sabi niya mag iingat kami..
AUSTIN GREg' POV
NASA KALAGUTNAAN ako ng burol syempre kasabay ang aking pag mamanman. Nang biglang tumunog ang phone ko kaya agap akong tumayo at lumayo dhil si Leo ang tumatawag.
Kailangan ko muna ng privacy para walang makarinig sa usapan namin ni Leo pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at doon ko siya sinagot.
Hindi pa man ako nakakapag salita ay ganun na lang ang gulat ko sa aking narinig. Napamura na lamang ako dahil nalaman kong tumakas si Bela s**t ang tigas talaga ng ulo ng babaeng iyon.
"You can do everything, ng walang nakakahalata" mariing utos ko. Agad na ako lumabas sa aking kotse isa lang ang tanging naisip ko para maibalik siya muli sa akin dadalhin ko na talaga siya sa Subdivision, tiyak na pupunta siya rito.
Humanda talaga ang babaeng iyon sa akin pag nagkaharap kami uli, sisiguraduhin kong hindi na siya magmamatigas pa para gawin ang hindi maaari.
Kumalma muna ako bago bumalik sa burol pero kailangan kong mag matiyag tiyak na sisipot siya rito.
BELA SALCDO' POV
TODO INGAT lang kami ni Ella baka may makapansin sa amin nakahinga kami ng maluwag ng mapagtanto namin na wala masyado katao tao rito kaya malaya kaming makasilip sa loob.
Muling nagsisibagsakan ang aking mga luha ng matanaw ko ang dalawang kabaong sa harapan, gustong gusto kong matanaw at mayakap ang kabaong pero wala akong magawa dahil tulad ng sinabi ni Ella delikado ako.
Patuloy pa rin ako sa pag iyak habang hinahagod ni Ella ang aking likod. Napayakap siya sa akin kaya napayakap ako pabalik sa kanya.
"Tayo na Bela baka may makakita pa sa atin rito" mahinang bulong ni Ella, kahit labag man sa kalooban ko ay sumunod na ako sa kanya. Ang saklap dahil hindi ko sila malapitan.
Pero ganun na lamang ang pag tataka ko ng mapansin kong nakatayo lamang si Ella sa aking tabi.
"Ella what's wrong?" Takang tanong ko. Hindi siya umimik bagkus na nakatingin lamang siya sa harapn namin. Napatingin na rin ako at ganun rin ang pagkabigla ko ng nasa harapan ko na pala si Tita Sally.
"Bela its that you" may lungkot na bumahid sa mata ni Tita agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"Oh God, salamat at ligtas ka. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung buhay ka pa ba o hindi na dahil hindi ka namin mahanap" dagdag pa nito. Miss na miss ko na si Tita pero kailangan ko ng makaalis rito baka makaharap pa namin yung killer na sinasabi ni Ella.
Agad ko ng hinila si Ella at umalis sorry Tita pero kailangan ko ng umalis pa. Nag iingat lang kami siguro sa susunod na araw tayo magbuhusan ng damdamin.
Agad na kaming nakalabas ng Gate medyo nakakalayo na rin kami. Sanay wala ng ibang nakakita sa amin maliban kay Tita Sally.
"Ok ka lang ba Bela" nag aalalang tanong ni Ella. Napatango ako at pekeng ngumiti.
"Dito na tayo maghihintay ng Taxi" ani ni Ella pero nagulat na lamang kami ng may biglang tumigil na itim na Van sa harapan namin biglang nangilabot ang kalooban ko dahil ganito ring kulay ng Van ang dumukot sa kin.
Akala ko iisa lang ito ngunit dalawang Van ang magkasunod walang pasabing hinila nila si Ella sa isang Van na nasa likuran at ako naman ay sa aking harapan.
Agad nila akong pinagtutulungan na hinawakan pati bibig ko ay tinakpan nila. Nag pumiglas lamang ako habang patuloy nila ako pinapasok ngunit ginagamit ko ang aking paa para hindi makapasok sa loob.
"Hoy Taurus mag ingat ka baka malintikan tayo ni Boss nito" sabi nung isa hindi ko sila makilala dahil nakabonete ang mga ito.
"Capricorn hawakan mo na nga yang mga paa niya para maipasok na natin sa loob" iritang sinabi ng nakatakip sa aking bibig.
Nagtagumpayan naman nila na naipasok ako sa loob.
"Sino kayo pakawalan niyo ako!" Sabay pinagsusuntok ko sila.
"s**t Gemini patigilin mo nga yan baka masuntok ko na yan" iritang ani ng Capricorn na ito.
"Kung ako sayo Miss tumahimik ka na lang mamatay ka rin kunti na lang ang oras ba naghihintay sayo" malademonyong sinabi ng Gemini.
Shit anong gagawin ko paano ko sila matatakasan, sumigaw lamang ako pero ganon na lamang pagkabigla ko ng may tumakip sa aking ilong and everything went black...