MARIAS OF MY LIFE Maria Jessieln Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 20 Friday na ngayon, February 24. Dalawang araw na lang birthday na ni tatay, 61 na siya sa Linggo. Sinabi niya sa'kin kahapon na ayaw niya ng katulad kay nanay na may catering pa at may malaking cake. Ayos na raw sa kanyang magsimba kaming mag-anak at sama-samang mananghalian tapos sa gabi ay may inuman. Kung mag-iimbita daw ako ay isama ko daw si Kylie at ang mga barkada ni Noah tapos ay iimbitahan niya daw ang kumpare nila ni Ninong Arthur na si Mang Luis, taga San Juan rin. Dahil sa wala ang prof namin sa last subject ay naisipan kong itext si Kylie para sabihin na pupunta ako sa kanila. Gusto ko rin makita ang TV na dineliver doon noong mismong araw na umalis ako sa bahay niya. Pumayag siyang magpunta ako

