MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 8 February 11 (Sabado) Matulin na lumipas ang araw matapos namin lumabas ni Kylie noong January 31, Feb. 11 ngayon. Birthday ngayon ng pinaka-mamahal at nag-iisang nanay ko na si Paulina Vergara Ortega. 5am pa lang ay nasa palengke na ako, gusto ko kasing maging espesyal ang tanghalian namin ngayon. Pero may hinanda rin akong celebration para mamayang 4pm, para sa pamilya namin at mga bisita. Inimbitahan ko ang tatlong unggoy, tinext ko si Stephen na pumunta siya kasama sila Manuel at Harold. Sinabihan ko rin si Noah last week pa, nagtext ako sa kanya dahil wala naman akong gawa last week ng Sabado at Linggo kaya hindi na ako nagpunta doon. Ngayong araw naman ay nagsabi na akong hindi ako papasok kay Ninong Ar

