Ivan
Nakatulala ako dito sa verenda ng hotel na tinutuluyan ko.. iniisip ko si Jana..
kung paano nya ako mapapatawad. ininom ko ng diretso yung alak na hawak ko, kahit yata ilang bote ng alak ang inumin ko, hindi mawawala at hindi ko makakalimutan ang bigat na nararamdaman ko..
Napatingin ako sa cellphone ko nang magring iyon at nang makita ko ang pangalan ni manang ang rumehistro ay agad ko iyong sinagot..
" Manang" mahina kong bati sa kanya, hindi agad siya sumagot, alam kong galit din siya sa nagawa ko.
"I-Ivan" bakit parang may kakaiba sa boses nya?
" bakit po mang may problema ba? kamusta po si Jana?" medyo humina yung tanong ko sa huli nahihiya ako kay manang sa nagawa ko..
" I-Ivan s-si J-Jana"
Bigla akong kinabahan.
"B-Bakit po manang? ano pong nangyari kay Jana? " Kung ano ano namang bagay ang pumasok sa isipan ko. paano kung maisipan nitong magpakamatay?
no!
umiiyak Lang si manang pero hindi nya ko masagot kaya Naman sinabi ko Kay manang na pupuntahan ko sila. Pinatay ko na ang tawag at dali daling lumabas ng room ko para puntahan sila.
Jana wait for me. I'm so sorry.. Kasalanan ko to damn it!