Grigori’s POV “Ayon na sila oh, nakatayo sa may posteng malaki,” turo ni Tati sa dalawa. Nagkita-kita kami nila Kuya Generoso at Kuya Efipanio sa labas ng Norza Town kasi taga-LJS town sila, na kung saan ay malayong-malayo pa sa amin. Binusinahan ko na sila nang huminto ako sa tapat nila. Nagulat pa ang dalawa kaya natawa kaming dalawa ni Tati. Kung titignan, kaaya-aya na ang pormahan ng dalawa. Hindi gaya nung dati na pareho pang naka-black, na iisipin mo talagang mga masasamang tao sila. Naalala ko na naman tuloy ang story nilang tatlo nila papa. At pati na rin ang story kung bakit nawalay ako sa tunay kong ina. Sabi nila, kaya daw sila hindi agad tumuloy sa bahay dati ni Papa ay dahil galit pala sa kanila ang papa ko. Nung nabubuhay pa si papa ay nakagawa sila ng kasalanan dito. May

