Tatiana’s POV Nagulat ako nang makita kong punong-puno ng mga tao ang park ngayong gabi. Lahat tuloy kaming mga prof ay tuwang-tuwa, lalo na si Mrs Aiana na nasa gitna na ngayon ng harap ng stage para mag-abang sa mga performance na hinanda ng lahat. “Oh, may sakit ka ‘di ba? Bakit nandito ka, Olga?” tanong ko sa kaniya nang makita ko siya rito sa gilid ng stage. “Sayang naman kung hindi ko mapapanuod ang performance ng lahat. Saka, first time ng Norza college magpapalabas dito sa park kaya dapat lang na masaksihan ko ang mga ganap. Saka, oh, dami ng tao. Mabuti na lang at hindi ako natuloy na sumayaw, tiyak kasi na kahiya-hiya ako.” Eksena rin kasi ang sakit niya. Sayang at hindi tuloy siya makakasayaw. Hirap din tuloy si prof Thelma kasi siya ang nag-aasikaso ngayon sa mga student ni

