Grigori’s POV Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang pagdating ko sa hospital ay nadatnan kong wala ng buhay si Yulia. Syet! Ang sabi ni Colleen na nadatnan ko dito ay wala nang nagawa ang mga doctor para maligtas siya dahil sa pag-inom nito ng lasón. Kapwa tuloy kami tulala ni Colleen habang nasa morge at tinitignan ang wala ng buhay na si Yulia. Ngayon, ang madilaw niyang balat ay naging maputla na kasi wala na siyang buhay. Ngayon din mas nakita na malaki rin talaga ang pinayat niya. Hindi ko kasi pansin kapag nabi-videocall kami kasi palagi siyang may filter. Nakainom ako kaya hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa nangyari. Napakabilis nang pangyayari. Hindi ko inaakalang ganito ang gagawin ni Yulia. Hindi ko akalaing ganoon na lang niya sasayangin ang buhay ko. Parang nagsisi

