GENEVA’S POV
Nagsimula na ako sa internship ko sa hotel ni Tito Antonio. Nasa lobby ako sa ground floor ng kanyang hotel. Ako ang nag aasikaso sa may mga reservation at walk-in guest. Marunong na ako mag handle dahil itinuro sa amin dati.
“Geneva Viernes, right?” napatingin ako sa kasama ko sa lobby. Mukha siyang masungit kaya kinakabahan ako.
“Yes po.” Nakangiti kong sagot.
“Ako ng pala si Jessa.” Pagpapakilala niya sa akin. Friendly naman pala siya! Akala ko susungitan niya ako.
“Anak ka ni Sir Fransevo Viernes?” tanong niya at tumango ako na nakangiti.
“Kamukha mo kasi siya. Intern ka dito?” muli niyang tanong.
“Oo, first day ko ngayon.” I answered.
“Intern ka rin ba dito?” pag-iiba ko ng usapan.
“Hindi. Three months na akong nagwo-work dito. Mataas kasi ang sweldo—mahirap pero okay na rin,” sagot niya sabay ngiti.
“Bread winner ka siguro?” I asked then she smiled. Halata rin kasi.
“Oo, kaya sobrang hirap din. Sa akin kasi umaasa ang mga magulang ko,” sabi niya. Ramdam ko kung gaano kabigat ang responsibility niya.
“How much is your salary?” hindi ko napigilang itanong.
“Eight hours ang duty—five-fifty pesos. Tapos kapag overtime, plus eighty pesos,” paliwanag niya. Gano’n pala ang sahod ng mga nagtatrabaho kay Tito Antonio.
“Malaki na rin, di ba?” Tumango naman ako.
Eight hours ang duty ko kaya mabilis lang itong natapos. Nag-log out na rin ako para makita ng system na pumasok ako sa tamang oras.
Marami na rin kaming napagkwentuhan ni Jessa. Wala akong narinig na kahit anong masama tungkol kay Tito Antonio—puro tungkol sa kabaitan niya.
Naligo na ako at nagpalit ng sleepwear. Hindi na muna ako kumain dahil busog pa ako. Kasama ko si Jessa noong breaktime namin sa labas at nilibre niya ako ng turon. Kahit first time kong kumain no’n, nagustuhan ko agad.
Biglang may kumatok kaya binuksan ko ang pinto—si Tito Antonio lang pala.
“Are you sleeping?” tanong niya.
Umiling ako.
“Hindi pa naman, Tito Antonio. Why?”
“Let’s eat dinner,” aya niya.
“Saan banda, Tito?” curious kong tanong.
“Diyan lang. Let’s go.” Hindi na ako nagpalit ng damit. Kinuha ko na lang agad ang wallet at phone ko.
“Magpapalit pa ba ako, Tito?” tanong ko.
“Wag na. Ganyan ka na. You’re still pretty,” sabi niya.
Bigla akong kinilig sa sinabi niya.
Hindi na ako umimik at sumama na lang sa kanya.
Paglabas namin ng hotel, nakita kong katabi lang pala ang isang restaurant. Napalunok ako—parang medyo mamahalin yata.
Naka-sleepwear pa naman ako.
“Let’s go inside,” aya niya, pero nag-alinlangan ako. Parang gusto ko tuloy magpalit ng damit.
“You didn’t tell me, Tito! Sabi mo, diyan lang sa tabi.”Sabi ko at ngumiti siya.
“Pinagtri-tripan mo ba ako, Tito!?” Hindi na sana ako papasok pero hinawakan niya agad ang kamay ko at pumasok na.
“Good evening, Sir Antonio! May kasama po pala kayo…pamangkin n’yo po?” biro ng hostess, dahilan para matawa ako.
“N-No, she’s my business partner’s daughter. Remember, Fransevo Viernes?” sagot niya.
Nagulat sandali ang hostess bago ngumiti sa akin.
“I’m sorry, sir. Hello, ma’am. Good evening po,” bati niya. Nagpipigil tuloy ako ng tawa sa likuran niya! Pamangkin daw.
Ngumiti ako bilang ganti.
Inasikaso agad kami kaya mabilis kaming nakaupo. Seryoso ang mukha ni Tito Antonio habang tumitingin sa menu.
“Look at the menu, not at me,” sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napilitan na lang akong tumingin sa menu at mamili ng o-orderin.
Tinawag niya ang waiter para makapag-order na kami.
“What is yours?” tanong ni Tito Antonio sa akin.
“Hindi pa ako nakakapili, Tito. Ikaw na lang bahala,” sagot ko. Kumunot ang noo niya. Busog pa kasi ako kaya hindi ko rin alam kung ano talaga ang gusto kong kainin.
“What is your order, ma’am and sir?” tanong ng waiter.
“Two medium-rare steaks, one bottle of white wine, and one glass of orange juice. That’s all,” diretsong sabi ni Tito Antonio.
Sigurado akong sa akin yung orange juice. Tingin niya yata sa akin ay bata pa?
Nag-cellphone muna ako dahil hindi naman niya ako kinakausap. Nahuhuli ko siyang pasulyap-sulyap sa akin, pero hindi na lang ako umiimik. May kausap pa siya sa phone pero sigurado akong tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila. Hanggang gabi napaka workaholic niya!
Hanggang sa dumating na ang order namin—steak nga. Hindi na ako nagreklamo dahil sinabi ko naman na bahala na siya. Mapapalaban yata ako dito sa in-order niya!
Tahimik lang kaming kumakain. Hindi rin naman niya ako kinakausap.
“How was your day?” Sa wakas, kinausap na rin niya ako. Akala ko mapapanis na laway ko rito.
“Okay naman, Tito. Sakto lang,” sagot ko.
“Good. If you have a problem, just tell me,” sabi niya.
Tumango lang ako.
Napansin kong umiinom na siya ng white wine. Isang bote talaga ang in-order niya—at siya lang ang iinom? Ang lakas siguro niya.
“Why? You want?” alok niya.
Ngumiti agad ako. Matagal na rin kasi akong hindi nakatikim ng alak.
“No. Baka mapagalitan pa ako ng tatay mo,” biro niya.
Napakunot ang noo ko.
“Wala naman siya dito,” sabi ko sabay tawa.
“Okay, fine. Just a little.” Nilagyan niya ang wine glass…konti lang talaga!
“Parang hindi pa aabot sa lalamunan ko ’yan, Tito,” reklamo ko.
Dinagdagan niya.
“Isang baso lang. Huwag ka nang humirit.” Napatawa na lang ako sa sinabi niya.
“Are you single?” napaubo ako sa tanong niya.
“Yes, tito. Why are you asking? Gusto mo bang mag apply?” Natatawang tanong ko.
“I’m just asking.” Hindi na ako umimik.
Pagkatapos namin kumain ay tumayo na ako. Medyo nahihilo ako siguro dahil sa ininom namin. Pero kaya ko pa naman.
Hindi ko pinahalata kay Tito Antonio na medyo nahihilo ako. Habang naglalakad kami ay nasa likod lang niya ako.
Hinatid niya ako hanggang sa room.
“Thanks sa pa-dinner mo, Tito.” Sabi ko at tumango naman siya.
“Matulog kana, maaga pa duty mo bukas.” Pagkasabi niya ay niyakap niya ako.
Nagulat ako sa pagyakap niya. Bakit may pa-ganon siya? Pagkatapos niya akong niyakap ay umalis na siya.
Hindi ko maintindihan!
⸻
Maaga akong nag-time in para matapos ko agad ang duty ko. Sa front office pa rin ako, kasama ko ulit si Jessa.
“Good morning, Gen!” masayang bati sa akin ni Jessa.
“Good morning! Ang saya natin today, ha?” sabi ko, kaya ngumiti siya.
“Oo naman. Nakita ko kayo ni Sir Antonio na lumabas kagabi. Natatawa ako—para kayong magtatay!” sabi niya kaya natawa na lang ako. Kagabi pamangkin, ngayon naman magtatay!?
I can’t!
“After duty, may gagawin ka ba?” tanong ko. Parang gusto kong mag-unwind mamayang gabi. Tsaka iniba ko ang usapan baka saan mapunta. Matanong pa man din si Jessa.
“Wala naman. Bahay at dito lang naman ang pinupuntahan ko,” natatawang sagot niya.
“Gusto mo bang lumabas mamayang gabi? My treat, so don’t worry,” agad kong sabi.
“Nakakahiya! Tsaka baka sabihin ng mga ka-workmate ko na sumisipsip ako sa’yo kasi anak ka ng business partner ni Sir Antonio,” mahina niyang sabi na ikinagulat ko.
“Alam ko namang totoo ka sa akin, tsaka hayaan mo sila. Basta, puwede ka mamayang gabi?” tanong ko ulit.
“Hmm… sige. Saan ba tayo pupunta?” curious niyang tanong.
“Club.” Nagulat siya sa sinabi ko.
“Grabe ka! Bakit? May problema ba?” nag-aalala niyang tanong.
“Wala naman. I just want to unwind. Ano? Gusto mo ba?” tanong ko.
“S-sige. Mag-share na lang ak—” pinutol ko siya.
“No. It’s my treat, so don’t worry. And besides, ako naman ang nag-aya,” nakangiti kong sabi.
Naputol ang pag-uusap namin nang dumami ang mga tao at kailangan na naming mag-asikaso.
Hindi ko pa nakikita si Tito Antonio simula kaninang umaga. Siguro busy sa mga business niya. Pero okay na rin kasi kagabi pa ako naguguluhan. Sa paghalik at yakap niya sa akin. Wala bang ibig sabihin iyon? Gusto kong iklaro niya sa akin. Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil doon!
After ng duty ko, inantay ko lang si Jessa na mag-out. May pinagawa pa kasi sa kanya ang manager. Habang naghihintay ako sa lobby, nakita ko si Tito Antonio na may kausap na babae. Parang sobrang close nila—nakalingkis ang babae sa kanya at parang okay lang iyon sa kanya.
Hindi man lang niya ako tinignan, kaya nakaramdam ako ng kaunting selos. All this time, parang sugar-coating lang pala ang lahat ng sweet na sinasabi niya sa akin. Ayaw ko namang magmukhang naghahabol sa kanya. Gusto ko siya, pero hindi ako ‘yung tipo ng babae na gagawin ang lahat para mapasakanya siya.
Dati, iniisip ko na kaya ko siyang kunin.
Kaya ko siyang akitin.
Pero hindi ko pala kaya.
“Naghintay ka ba ng matagal? Sorry, medyo natagalan lang.” Nag aalalang sabi ni Jessa.
“Wait. Ganyan na ang suot mo?” tanong ko, sabay tingin sa suot niya.
“Oo, wala naman akong magandang damit. Tsaka okay na rin kasi ‘to!” napatingin ako sa black slacks at oversized t-shirt niya.
“Magpapalit tayo. May mga baon akong bagong damit.” HIndi na siya nakapag-angal pa at hinila ko na siya papunta sa room ko.
Kinalkal ko ang mga maleta ko at hinanap ang naisiksik kong mga bagong dress.
“Dito pala ang room mo? Ang shala, sis!” amazed niyang sabi.
“Sobrang mahal nito. Five thousand per night!” dugtong pa niya.
“Ito, isuot mo ’to.” Inabot ko sa kanya ang black bodycon dress.
“Huy! Grabe namang dress ’to!” sabi niya, halatang nag-aalinlangan isuot.
“Isuot mo na, dali! Sukatin mo na. Kapag hindi kasya, may iba pa akong dala,” sabi ko.
“Dala mo ba cabinet mo?” natatawa niyang biro.
Sinukat naman niya agad at kasya naman sa kanya.
“Bagay na bagay! Sayo na ’yan. Teka, mag-ayos ka muna kahit light make-up lang. May mga make-up ako diyan,” sabi ko sabay turo sa vanity area.
“Grabe ka naman, sis! Talagang mag-aayos ako?” sabi niya, hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.
“Oo nga. Bilisan mo—magpapalit lang ako.”Pagkasabi ko, nagpalit na agad ako. Isang red tube dress ang sinuot ko, sobrang fitted sa katawan ko.
After an hour, we were done. Nakapag-ayos at make-up na rin kaming dalawa.
“Okay lang ba?” mahiyain niyang tanong.
“Bagay na bagay sa’yo! Mas lalo kang gumanda,” nakangiti kong sabi.
“Nahihiya akong lumabas. Baka makita ako ng mga co-workers ko,” alangan niyang sambit.
Isinuot niya ulit ang T-shirt niya.
“Saka ko na lang tatanggalin pag nasa labas na tayo.” Natawa na lang ako sa ginawa niya.
Nakalimutan ko pa ‘yong coat ko.
Agad naman kaming lumabas at sumakay ng taxi. Sinilip ko ang cellphone ko kung may text siya or tawag pero wala akong nakita.
Hinayaan ko na lang. baka busy sa babae niya na kasama niya kanina. Magsama sila!