Habang pababa ako sa sala ay napahinto agad ako dahil kausap ni Daddy si Anton. After two months, nagkita rin kami. Napatingin siya sa akin pero umiwas din agad. “Anak, nandito si Tito Antonio mo. Congratulate him! Dahil magkaka-baby na sila.” Para akong sinasaksak sa sinabi ni Daddy. Baby? May anak na si Anton? After two months? Bakit ang bilis niya mag move on? “C-Congrats, T-Tito.” Nauutal kong sabi sa kanya at umiwas na ako ng tingin. “I’m leaving now, I have meeting.” Paalam niya sa daddy ko at tumayo na. “Anak, sumabay ka na sa Tito mo dahil sira ang sasakyan mo, ‘di ba? Mamaya ko pa ipapaayos.” Bigla akong nainis kay Daddy. “Mag commute na lang ako, dad. Don’t worry about me.” Agad kong sabi. “Anak. Mala-late ka na. Sumabay ka na.” Wala akong nagawa kundi tumango na lang.

