Chapter 4

1516 Words
Matutulog na sana ako nang biglang pumasok si Tito Antonio. Ni hindi man lang kumatok. Nakakagulat naman siya—bigla-bigla na lang pumapasok. Napansin ko rin ang spare key ng hotel room ko. “Tito naman! Kumatok ka kaya? Nakakagulat kaya,” sabi ko, at niyakap niya na lang ako. “Ikaw ang pahinga ko, Geneva.” Nagulat ako sa sinabi niya, pero napalitan rin ng ngiti at kilig. “Marami ka sigurong ginawa ngayong araw, Tito?” tanong ko habang yakap ko pa rin siya. “Yes. By the way, don’t call me Tito. Lalo na kapag tayong dalawa lang. Just call me by my nickname—Anton.” Ngayon ko lang nalaman na may ganyan pala siyang nickname. “Okay, Anton.” Napangiti siya agad at nakita kong namula pa ang tenga niya! “You want hot chocolate? May dala ako para sa’yo.” Ano ba ‘yan! Kanina pa ako kinikilig dito. Balak niya ba akong pakiligin bago matulog? “I know you want coffee, but it’s not good for your sleep. Mag-coffee ka pag morning. Baka hindi ka makatulog pag gabi.” And how would he know na mahilig ako sa kape? “Okay lang naman sa’kin uminom ng kape sa gabi basta hindi sobrang tapang,” sabi ko at kumunot ang noo niya. “Then stop drinking coffee before you sleep, okay?” Hindi na ako nag-comment. Ininom ko na lang ang binigay niyang hot chocolate, at infairness—lasang pangmayaman yung binili niya! Umupo kami sa sala, at habang iniinom ko iyon ay nakatingin lang siya sa akin. “So, how’s your day?” he asked. “Ayos naman. Sa front office lang ako, pero gusto ko naman kasi may bago akong kaibigan.” kuwento ko. “Yeah, I saw you earlier with Jessa. That’s good,” sabi niya. “Can I smoke?” tanong niya, at tumango ako. “Are you sure? Hindi naman ako palagi. Kapag pagod lang talaga ako.” Ngumiti ako at tumango uli. “Sige, pero doon ka sa veranda. Ma-aamoy ng smoke detector mo—lagot ka,” natatawa kong sabi. Habang busy siya sa veranda, nanood muna ako ng TV. Ngayon lang ulit ako nanood dahil hindi talaga ako mahilig. Pati social media nakadeactivate ako. Parang toxic kasi, at mas na-enjoy ko ang life ko simula nang ginawa ko ‘yon. Mas gusto ko na lang mag muni-muni o magbasa ng libro. “Are you not going to sleep?” tanong ni Anton nang bumalik siya. “Mamaya siguro,” sagot ko, at tumabi siya sa akin. Kahit kakatapos lang niyang mag-yosi, hindi kumapit sa kanya ang amoy ng usok. Minsan nakikita ko siyang nagyoyosi sa labas ng bahay, pero wala namang issue sa akin ‘yon basta huwag lang sa matao o malapit sa akin. Mahirap maging secondhand smoker, noh! “How old are you again?” tanong ni Anton. “Twenty-three. Ikaw?” balik kong tanong. “Thirty-nine.” Napakunot noo ako. “Akala ko magka-age lang kayo ni Daddy?” nalilito kong tanong. “No. Mas bata ako sa Daddy mo ng isang taon.” Napatango na lang ako. Hindi halata sa mukha niya ang age niya—para lang siyang twenty-eight! “Your dad called me. It seems three weeks na siya doon sa business trip niya. I heard may mga hinihintay pa silang investors.” Ang tagal na naman bago siya umuwi. I miss Dad. “After your internship, where are you going?” tanong niya ulit. Natigil ako saglit. Graduation ko this month, at after my internship—graduation na nga! Nasabi ko na rin kay Daddy iyon. “Is he busy? Graduation ko next next week… makakaabot kaya siya?” nag-aalala kong tanong. “I-I don’t know. Maybe you can call him para malaman mo,” sagot niya. Sobrang worried ako! Nangako si Daddy na sasamahan niya ako sa graduation ko. Pag hindi siya pumunta—magtatampo talaga ako. “Matulog ka na. Hihintayin kitang makatulog bago ako umalis,” sabi niya. “Sigurado ka ba? Okay lang naman kung mauna ka na para makapagpahinga ka,” suhestiyon ko. “No. Sige na. You can sleep now,” sagot niya. Sinamahan niya ako sa kama at talagang binantayan niya ako. Nakapatong ang ulo ko sa hita niya habang hinahawi niya ang buhok ko. ⸻ Kinaumagahan, nagising ako na wala na si Anton. Napangiti ako nang makita ang isang cup ng kape sa dining table. May nakadikit na papel: ‘Good morning, my sunshine.’ Kinilig ako agad! Ang aga niya magpakilig! Ininom ko ang kape habang mainit pa, tapos naligo at nagbihis. May kumatok kaya agad kong binuksan ang pinto. Nagulat ako—isang lalaki ang may hawak na bouquet ng red roses, paborito kong bulaklak. “Delivery po, ma’am,” sabi niya. “Kanino galing?” tanong ko. “Hindi ko po alam, ma’am. Okay na po ‘yan.” Umalis siya habang tulala ako. Tinignan ko ang note sa gitna: ‘Hello, my sunshine. Starting today, I’m courting you. <3’ Sobrang kinilig ako sa pasabog ni Anton! Kulang na lang maihi ako sa kilig! At paano niya nalaman na red roses ang paborito ko? Siguro nagkataon lang. Pero kahit anong bulaklak galing sa kanya, masaya na ako. Pagbaba ko sa front office, may ngiti ako sa labi. Nakita agad iyon ni Jessa. “Saya mo naman today! Nadidiligan ka na ba? Ay teka—may boylet ka ba?” tanong niya. “W-wala, no! Masaya lang ako,” sagot ko. “Ako kasi ilang araw nang walang dilig kaya nalalanta na ako,” reklamo niya. Natawa ako! “Baliw ka, nagkape ka na?” tanong ko. “Oo. May banana cue ako dito—gusto mo?”Agad akong natakam kaya tumango ako. “Nakakagutom naman.” Sabi ko at nakita ko ang nakasabit sa may gilid niya na banana cue. Inabot niya naman agad sa akin. “Can we eat here? Pwedi ba?” I asked. “Oo, pwedi. Basta yumuko ka jan sa lamesa. Baka makita tayo ng manager mapagalitan tayo.” Tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Bagong luto pa ang banana cue kaya naubos ko rin agad. “G*ga! Ubos mo na agad?” nagulat niyang tanong. “O-Oo, masarap kasi mainit-init pa.” Natawa na lang agad siya. “Sa susunod, dadamihan ko ang bili ko.” Sabi niya na kinatuwa ko. Nagtrabaho na kami dahil may mga guest na rin na nagche-check in. Tapos may ilan na rin na nag-check out. Habang abala kami sa mga guest, nakita ko si Anton na may kausap sa phone niya. Nakakunot ang noo niya—sino kaya ang kausap niya? “Ang pangit ng hotel niyo! Puro palpak lahat, pati yung kama, sira! Bakit ganito ang serbisyo niyo?!” Nagulat ako sa isang matandang babae na nagrereklamo kay Jessa. Nakita ko ang itsura ni Jessa na nangingilid na ang luha. Kaya sumingit na ako. “Hello, ma’am! Ano pong concern nila?” tanong ko, at nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay niya. “Hindi maganda dito sa hotel niyo!” reklamo niya. “Bakit po, ma’am? Ano pong nangyari?” malumanay kong tanong. “Yung kama, sira! Hindi ako nakatulog kagabi!” Napatingin ako sa mga kasama ng matandang babae—puro bata at isang babaeng nagbabantay sa kanila. I smell something fishy here. “Bago po kami magpapasok ng guest, we make sure to check the room po,” sambit ni Jessa. “No! I want a refund! Ipakukulong ko kayo!” sigaw ng matandang babae kaya nakatingin na ang mga tao sa amin. Nakakahiya! Pinagtitinginan na kami dito. Pero kalmado lang ako, hindi pweding uminit ulo ko dito. “Hindi po refundable. And besides, kung sira pala ang kama… why did you not talk to us so we could fix your problem?” Hindi siya sumagot at inirapan lang ako. Sabay alis ng matandang babae. Lumapit na si Anton sa amin pero sinenyasan ko siya. “Miss, itong isang apo niya ang nakasira. Pasensya na sa abala, sorry po.” Pagkasabi ng babae na kasama nila, napangisi na lang ako. Umalis na rin agad ang babae. Matanda na nga, manloloko pa. “See? She wants a refund, pero sila ang nakasira ng kama. Paano ‘to—Anto—ay Tito Antonio.” Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Hindi ko siya pwedeng tawagin sa nickname niya pag nasa labas kami. “Just let it be. Ako na ang bahala. Just put that old woman on the blocked list.” Pagkasabi ni Anton ay lumabas na siya. “Nakakahiya naman! Sarap sabunutan ng matandang ‘yon. Nakuha pang humingi ng refund? Nakakainis,” maktol ni Jessa. “Pero okay ka lang ba?” I asked. “Oo. First time kasi mangyari ‘yon,” sabi niya. “Hayaan mo na ‘yon. Wag kang ma-stress.” Sabi ko at tumango naman siya. Tuloy lang kami sa trabaho namin at yung iba pa nga nakiki-isyoso. Natatawa kami ni Jessa dahil kahit katrabaho namin gusto maki-chismis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD