Maaga ako pumasok dahil may meeting si Anton sa function hall dito sa hotel. Sumaglit muna ako pumunta sa pantry para magtimpla ng kape ko at medyo inaantok rin ako. 'Ang landi talaga ng bagong secretary ni Sir Antonio!' 'True! Tapos alam niyo ba? Nakita ko si Sir Antonio na pumasok sa office ng secretary niya!' 'Basta! Kapag nakita kong nilalandi niya si Sir Antonio, makakalbo ko siya.' Kinuyom ko ang isang kamao ko, nakakagigil itong babaeng 'to. Parang naghahanap siya ng gulo, kaya ko pa naman magtimpi. Pero pasensyahan na lang kung sumubra siya at baka hindi ko siya matansiya. Hindi na ako tumuloy pumasok sa pantry, umiwas na agad ako sa gulo. Hindi naman sa duwag pero bago pa lang ako dito at ayaw kong gumawa ng eksena. Siya pala si Alena, nalaman ko ang pangalan niya kila Kyla.

