Tahimik na ang bahay. Nakapatay na ang karamihan ng ilaw, tanging lamp sa sala ang bukas. Si Daddy, maaga nang nagpahinga. Si Anton naman, nasa tabi ko pa rin. Hindi siya mapakali. “Ano ba…” sabi ko, nakatingin sa kanya habang pabalik-balik siya sa harap ko. Nahihilo na rin ako. “Relax ka lang.” Sabi ko dahil nahihilo na ako. “Relax ako,” sagot niya agad. “Hindi mukhang ganon.” Sabi ko. “Prepared lang,” depensa niya. Napailing ako. “Tatlong beses mo nang chineck yung hospital bag.” Natatawa pa ako kasi parang siya pa ang kinakabahan sa aming dalawa. “Gusto ko lang siguraduhin.” Pang ilang check na rin niya ng bag, siguro limang beses na. “Kompleto na ‘yon.” Sabi ko. “Paano kung may nakalimutan?” “Anton…”Hindi ko na natuloy. Biglang kumunot ang noo ko. “Gen?” agad niyang tano

