Warning Sign

1343 Words
Ng marinig ni Ethan ang boses ni Ara ay napangiti ito.Habang kumakanta ang dalawa ay dumating ang dalawang babae na kaklase nila sa medecine class ang pinicturan ang dalawa.Ang dalawang estudyante na ito ay mabait kila Ara,at wala itong balak na ipost sa social media ang mga litrato. At pagtapos nito ay umalis din ang dalawang babae. "Ang galing mo pala talagang kumanta" -Ethan. "Salamat ah..una na ako.. inaantay pa ako nila Niah sa cafeteria."-Ara Umalis na si Ara,at dumeretso agad ito sa cafeteria.Sobrang dami ng tao doon at puno ang lahat ng mesa. Pero di nito nakita sila Gabriel at Niah.Aalis na sana ito ngunit pagharap niya ay nabunggo siya ng isang estudyante ng chocolate drink. Natapon naman itonsa jacket ni Ara. "Ahhh,.... sorry... naku... okay ka lang ba?... sorry talaga..." -sabi ng babae. "Ahh,.. oo.. okay lang ako..ikaw?.. okay ka lang ba?"-Ara "Naku... pasensya na talaga,. pupunasan ko nalang" sagot ng babae. Kinuha ng babae ang panyo nito.Pinagtitinginan sila ng mga tao sa cafeteria pati ng F4.Sakto ay kadarating lang din ni Ethan. "Ahhh.. hindi. okay lang,.. okay lang talaga.. Pasensya na rin" -Ara Umalis na ito. "Tignan mo yun,Akala ko magagalit siya. Hmm.. mabait siya ha.."-Sabi ni Marcus "Ang sabihin mo,hindi lang mukhang birhen. ugaling birhen din pala si Ara"-Dylan "Masyado siyang plastic,pakitang tao."sagot naman ni Justine. "Ano bang nangyari?" tanong ni Ethan. "Hindi sinasadya ng babae na matapunan si Ara ng chocolate drink yun lang.." sagot ni Marcus "Ganun ba.."-Ethan "Pano mo naman kasi malalaman kadarating mo lang...Tsaka di naman talaga sinasadya ng babae kasi nga si Ara ang may kasalanan.Kung di siya nag madali edi sana di natapon yung drinks." sagot ni Justine. Umalis si Justine at nagpunta sa Chess room. "Ethan,san ka ba kasi nagpunta?"tanong ni Dylan "Sa rooftop kasama si Ara kanina" -Ethan Nagulat ang dalawa, at naibuga ni Marcus ang orange juice na iniinom niya. "Nililigawan mo ba yun?" tanong ni Marcus. "Hindi ahh" -Ethan. "Ang lakas pala talaga ng appeal ng Ara nayun" -Dylan "Hay nako.. tara sundan natin si Justine" -Ethan Pumunta si Ara sa locker niya at nakita sila Niah at Gabriel na doon nag memeryenda. "Bat nandito kayo?diba sabi niyo sa cafeteria?" -Ara "Eh puno na yung table dun eh,at tsaka bakit ang dumi mo?" tanong ni Niah "wala ito. nabunggo lang ako ng isang babae sa cafeteria."-Ara Binuksan ni Ara ang locker niya at nakita ang burger at orange juice "Wow, salamat ha... gutom na rin kasi ako" -Ara "Binilan na kita. baka mag tampo ka pa samin eh"-Sagot ni Gabriel "Salamat"-Ara Pinahawak sandali ni Ara ang burger at drinks kila Niah para magpalit ng jacket nito. nang makita niya na may nakadikit sa likod ng pinto ng locker nito na WARNING sign. "Guys,.. kayo ba nagdikit ng warning sign na sticker dito?" -Ara "Huhh? patingin?" -Niah "Nasan?"Gabriel "Eto oh"-Ara "Haa,.. eh di namin napansin yan kanina eh" sagot naman ni Niah. "Oo nga Ara. kasi kanina nung nilagay ko yung foods,Nalaglag yung ballpen ko,kaya nagmadali din akong pulutin yun at sinara ko agad yan"-Sagot ni Gabriel "Hindi namin alam Ara eh" sagot ni Niah "Haytss.. sino kaya nag dikit nito dito kung ganun"-Ara Sa VIP chess room ng F4. "Hey, Justine. Bakit ba galit na galit ka kay Ara kanina, eh malinaw naman na kasalanan ng babae ma may chocolate drink yung nangyari?"tanong ni Marcus "Well,para sakin Kasalanan ni Ara"sagot ni Justine "Well,Justine had only 2 choices kung bakit si Ara ang mali."-Ethan "Ano naman ibig mong sabihin?" -Dylan "number 1.maybe sumasapi kay Justine ngayon ang quote na the more you hate, the more you love;galit na galit siya kay Ara pero love pala yun.2nd.May gusto siya sa babae na may dalang chocolate drink kaya pinag tatanggol niya"Sagot ni Ethan. "Hindi ako mahuhulog sa taong wala namang talent"-Justine "Yun ang alam mo"agad na sagot ni Ethan. Nagulat ang tatlo sa sinabi ni Ethan "At pano mo naman nasabi yan?" tanong ni Dylan "Mukha siyang simpleng babae,pero sabi nga, dont judge the book by its cover.Malay niyo,may kaya siyang gawin na hindi lahat tayo ay kayang gawin"-Ethan "Hooy,Ethan... nakikipag date ka ba kay Ara?"tanong ni Justine "Really?ofcourse.... NO.."-Ethan "Dapat lang"sagot naman ni Justine Pag uwi ni Ara sa bahay nila ay malalim ang iniisip nito. "Oh... bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ng mama ni Ara. "Oo ngaa. Ginantihan ka ba ng bully na Justine nayun?-Tanong ng papa nito "Oo nga no.. bat di ko naisip yun..."sagot ni Ara Pumasok si Ara sa kwarto niya at nagtaka ang mama at papa nito. "Bat ang layo ng sagot niya?" tanong nang papa niya. "Hayyy.. hayaan mo na yang bata"-sagot naman ng mama nito. Sa kwarto ni Ara. "Tama nga si Ethan. nung una nagpa kampante ako na nagantihan ko si Justine.kaya pala sabi niya na wag akong pakampante dahil gaganti si Justine,kasi nga sinuntok ko siya.. pero kung ano man yun... di ako natatakot.."Sabi ni Ara sa sarili niya. Biglang tumawag si Gabriel dito. "Ohh hi Ara... kasama ko si Niah ngayon. mamimili kami ng magagandang damit... at libre koo"-Gabriel. "Wow.. at san ka kukuha ng budget?"-Ara "Sweldo ni Daddy ngayon.kaya nagbigay ng pera ano,.. sama ka?" sagot ni Gabriel "Ahhmmm...oo naman nasan na ba kayo?"-Ara "Nasa tapat ng bahay niyo"-sagot ni Gabriel "Huh?.."-Ara Inagaw ni Niah ang cellphone. "Oo, at syempre.. balak din namin matikman yung luto ni Tita"-Niah "Teka lalabas ako"-Ara Bumaba si Ara at binuksan ang pinto. "Kayo talaga,.. tumawag pa kayo.. dapat kumatok na agad kayo"-Ara "Oh... Ara papasukin mo sila dito.. tuloy kayo.. teka ikaw ba si Niah?." sabi ng Mama nito. "Ma? di mo siya natatandaan?siya yung highschool valedictorian namin dati" -Ara "hello po"-Niah "Hello, at ikaw naman si Gabriel diba?" -Tanong ng mama nito "Ah opo... ako nga po"-Gabriel Nanonood ng TV ang Papa ni Ara ng biglang mag anunsyo sa tv na mayroon palang isang bagyo at makakaranas ng malalakas na ulan sa Pilipinas. "Oh. may bagyo pala.. mukhang di matutuloy ang lakad ninyo ah"-sabi ng papa ni Ara "Ano ka ba.." sagot ng mama nito At bigla na ngang kumulog at umulan ng malakas. "Ohh.. diba tama ako" sagot ng papa ni Ara "Mukhang matatagalan pa bago tumila yang ulan,may alam akong masarap kainin kapag ganitong malamig ang panahon. At Ara, dun muna kayo sa kwarto mo para naman makapag hain ako at makapag usap kayo ng maayos" sagot ng Mama ni Ara "ah... sige po tita." sabi ni Niah. "haytsss.. kainis.. wrong timing naman yang panahon eh"-sagot ni Gabriel. "Tara na"-Ara Pumasok ang tatlo sa kwarto ni Ara. "Di naman pwede na ganito nalang tayo hanggang sa tumilanyang ulan diba?"-Tanong ni Niah. "Alam ko na, meron ang games sa cellphone ko.Paramihan tayo ng panalo at ang laging talo syempre lalagyan ng marker sa mukha"-Ara "Hahaha.. ako pa hinamon ninyo.. at ano bang laro iyan?"-Gabriel "Princess make-up and dress salon... Game?"-sagot ni Ara "Game"-Niah "ahuhh? eh teka.. pambabae lang naman yan ah"-sagot ni Gabriel. "Edi kung ayaw mo,kami nalang ni Ara... hindi ba Ara?"-Niah "Oo ngaa.. manood ka nalang"-Ara "At sino bang nagsabi na ayaw ko? haytsss... sigi na nga" napipilitang sagot ni Gabriel. After 1 hour, ay pumasok ang mama ni Ara sa kwarto na may dalang Hot dumplings,at spicy mami. Kasunod nito ang papa ni Ara na may dala na pork flavored siomai at orange juice "Tsanaaaann...Hot dumplings and spicy mami and theres mooore..."sabi ng mama ni Ara "Also presenting pork siomai and sweet orange juice"sabi naman ng papa ni Ara. "Wooow.. kayo po ba lahat ng gumawa niyan?"-Niah "Ilan lang ang mga yan sa recepie ni mama at papa"-Ara "Nakuuu,salamat po Nagugutom na din po kasi ako eh"-Gabriel "O sigee.. kumain kayo ng mabuti ha..At dun na kami sa kusina kakain"wika ng Mama ni Ara Tinignan ni Ara ang cellphone niya. "Halla,... 7pm na?!" -Ara Nagulat ang tatlo... at sabay na sinabi na "ANOOO?!!..." Tinignan nila Gabriel at Niah ang cellphone nila.. "Oo ngaaa... pano na tayo makakauwi niyan eh wala tayong sasakyan ang lakas pa ng ulan?"- Gabriel. "Pano kaya kung mag overnight tayo dito? tito,tita pwede po ba?" tanong ni Niah. "Syempre ayos lang naman samin, pero diba may mga pasok pa kayo bukas?" tanong ng papa ni Ara "May extra clothes po ako dito, ewan ko lang po si Gabriel"-Niah "Ano Gabriel, meron ka ba jan?"-Ara "Syempre naman.. ako pa.. boy scout kaya to"-Gabriel "Kung ganun.. ay wala tayong problema" sagot ng mama ni Ara "Basta maaga kayo na matutulog huh?"Sabi ng papa ni Ara "Sige po mama, papa salamat po" -Ara "Kumain na kayo jan"sagot naman ng papa nito. Umalis na ang mama at papa ni Ara "Ang galing ano...Sana balangbaraw makumpleto ulit kami sa bahay"-Niah "Bakit Niah, nasan ba ang mama papa at mga kapatid mo?" tanong ni Ara "Always busy eh.. hay nako.. kumain na nga lang tayo" sagot ni Niah Makalipas ang ilang oras ay bumalik ang mama at papa ni Ara pero mahimbing na ang tulog ng tatlo. At kinaumagahan ay sabay sabay na pumasok ang tatlo sa University. Habang hinahanap ni Ara ang page ng libro ay may nakita ulit itong warning sign na naka ipit sa libro niya. Bigla itong tinawag ni Justine kasama nito ang tatlo. "Araa!... kung ako sayo, matatakot na ako kapag naka tanggap ako ng warning sign"-Justine "Teka.. wag mong sabihin na may kinalaman ka nanaman dito"-Ara "Meron nga ba Justine?-Marcus. "Malay ko"-Justine "Ano bang kailangan ko naman na gawin para tigilan niyo ako?-Ara "Ano nga ba?.. mmm... Hinahamon kita...chess game.. pag nanalo ka,titigilan kita..pero oag nanalo ako,.... pag iisipan ko ang parusa" sagot naman ni Justine
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD