"Come with me. I need to talk some sense with you." Nang marinig iyon ay nagkaroon ng hindi magandang kutob si Marigold, lalo na't alam n'yang hindi s'ya gusto ng ginang.Sumunod siya kay Mrs. Fontabella sa isang mamahaling restaurant kung saan ay kilala ito dahil lagi itong kumakain doon. "Good afternoon po Mrs. Fontabella." Bati ng guwardiya matapos nitong pagbuksan ng pinto ang dalawa. Hanggang sa maka-upo na ay nanatili lang na naka-yuko si Marigold dahil hindi n'ya matagalan ang mga tingin ng matandang babae sa kanya. Pakiramdam n'ya sa sarili ay ang liit n'ya. Sinulyapan siya ni Mrs. Fontabella. Nag-snort ito bago damputin ang menu at itulak sa dalaga ang isa pa'ng menu. "Order anything you want, huwag kang mahiya." Wika nito habang namimili ng oorderin. Saka lang kumilos si marig

