Patuloy ang malakas na pag-ulan habang binabagtas ni Jonas ang kalsada kila marigold. Binagalan n'ya ang pagmamaneho dahil basa at maputik na ang kalsada. Habang nagmamaneho ay naka-simangot ito habang sumusulyap-sulyap sa kanyang katabi. Dahil – kanina pa ito umiiyak. Inis niyang inihinto ang sasakyan sa gilid,. "O... B-bakit (hik) tayo.... t-tumigil? (hik)" "Paano ako magpapatuloy sa pagmamaneho, e ganyan ka. Nakaka-sira ng mood." Pa-bugnot na sagot ng binata. "P-pasensiya (hik) na.... P-pipigilan ko(hik)... na lang..." Sagot ni marigold habang pinupunasan at tinutuyo ang kanyang mga mata. Pilit niyang kinakalma ang sarili. "Huwag na. Ilabas mo na lahat dito. Gusto ko pag-uwi mo, maayos ka na." Tiningnan ni Jonas ang dalaga. "Nagsinungaling ka..." Hindi sumagot si marigold. Tumig

