Marami na'ng tao noon sa hall ng hotel. Bukod sa mga bisitang pandangal ng C.A at ng fontabella's ay naroroon din ang mga empleyado ng dalawang kumpanya, kaya hindi magkamayaw ang mga tao at halos magkapalit na ng mukha ang mga ito habang nagbabatian. "Looks the engagement are very lively today! I never thought it to be like this crow–hey!" "S-sorry.... sorry..." Hinging paumanhin ni Marigold nang masagi ang isang mukhang socialite na babae. Magsasalita pa sana ang babae at handa na sana'ng sungitan at tarayan pa si marigold nang talikuran agad ito ng dalaga. Kagagaling lang niya sa mga VIP suites at nagpatulong pa sa manager para i-check kung alin'g suite naroon si chardon, ngunit nang matunton ang Personal Suite ng binata ay wala naman ito doon, kaya sa hall siya sumunod na naghanap.

