"She's my... my girlfriend; marigold." Napangiti si Chardon nang sabihin ang mga katagang iyon. "H-ha?" Tila hindi naman makapaniwala ang doktor sa sinabi ng binata. Sa siyam na taon ng pagiging magkaibigan nila ay ngayon pa lang 'ata nakita ni Henry na nagpahalaga ng ganito si chardon sa isang babae na pati ang investment nito sa hospital n'ya ay nanganganib mawala dahil dito. Sa pagkakaalam n'ya kay chardon ay palipas oras lang nito ang pag ge-girlfriend at hindi n'ya siniseryoso ang mga ito. Ngunit tila matimbang sa puso ng kaibigan ang girlfriend nito ngayon. Tiningnan ni Henry ang kalahating tulog at kalahating gising na si marigold sa sofa at sinuri ang ayos at hitsura nito. "What are you looking at on her? Treat her now!" Sinamaan ng tingin ni chardon ang doktor na kaibigan n

