"A-anong ginagawa niyo? A-anong nangyayari dito?" Si marigold ang unang nakabawi. Itinulak n'ya si Chardon at agad siyang lumayo dito, inayos ayos n'ya ang kanyang buhok at sarili, ngunit hindi ito nagustuhan ng binata. Sumama ang mukha ni Chardon ng makitang tila ikinakahiya ng dalaga na makita ng iba ang pagkaka-ugnay at interaksyon nito sa kanya. 'You ashame of me.....? Fine.' Nagbago ang ayos ng kanyang mukha at bigla itong nagkaroon ng bahagyang ngiti. Magiliw ito'ng lumapit kay Marisol at kinuha ang mga shopping bags na dala-dala nito. Tila nasisiyahan siyang nakabalik na ito. "How's your flight? Do you have a jetlag? Why did you come straight here? Aren't you tired from the almost whole day trip.... hmm?" Napamaang at nanibago si marisol sa konsiderasyon at gentleness na biglang

