"You're annoying, Adam! Bwiset ka!"
"Simple lang naman ang proposal ko, Shazmin. Ano, game ka ba?"
Mula sa kabilang linya, rinig na rinig ko ang pagngisi ni Adam.
"Anong proposal ba iyan?"
"Let's have a date."
"Ano?!" Napabalikwas ako ng upo. Sumandal ako sa headboard ng kama, pilit kinalma ang sarili.
Tumawa siya habang simangot na simangot ako, pinipiga ko na siya gamit ang nanggigigil kong mga kamay na nakakapit sa cellphone.
"Relax! Isang araw lang. Kakain lang tayo sa labas, Shaz 'tapos makukuha mo na ang number ni Kai."
"Bakit kailangan pa nating kumain sa labas? Just give me his number para tapos na."
"Kai's number is luxurious. I won't give it for free." Tawa siya nang tawa.
"Edi kay Kairee ko na lang mismo hihingin. Hindi ka kawalan!"
"Tingin mo ibibigay niya iyon sa 'yo?"
"Oo!"
"Kilala ko si Kai. He won't give his number to you. He doesn't give his number to random girls."
"I'm not a random girl. I'm Shazmin Priero, his classmate."
"You're just a random girl for him, Shaz. I know how he thinks kaya kung ako sa 'yo, pumayag ka na lang sa isang araw na date natin. Pagkatapos niyon, makukuha mo na ang number niya."
Bumuga ako sa hangin. "Why would I date you? Alam mong si Kai ang gusto ko, hindi ikaw."
"Date lang naman, Shaz. Hindi kita jojowain. Kakain lang tayo sa labas. It's called, having fun."
"Totoo nga ang tsismis na malandi ka talaga." Umirap ako. Bwiset lang, hindi niya kita kung gaano na ako kainis sa kanya.
"So it's a yes?"
"Dating is a sign of courting," diin ko.
"Well, not for me. It's just having fun."
"Magagalit si Kai sa 'kin."
He laughed. "He doesn't care about you."
Kung nakakadurog lang ang tingin, kanina pa nag-crack ang pader sa riin ng titig ko ro'n.
"Stop flirting with me. I don't like you; I like Kairee."
"I know you like him. It's f*****g obvious. Kaya nga ibibigay ko ang number niya sa 'yo kapag nakipag-date ka sa 'kin nang isang beses; Shazmin, isang beses lang, think about it."
Kinuha ko ang remote sa study table saka nilakasan ang aircon, umiinit ang ulo at pakiramdam ko sa mga pinagsasasabi ni Adam.
"Kakain lang?" Mariin akong pumikit.
"May iba ka pa bang gustong gawin?"
"Gross!" Sinuntok ko ang kama nang makuha agad ang tinutukoy ng tono niya. Fuckboy siya, baka kung saan niya 'ko dalhin sa date na iyon.
He laughed. "Oo, kain lang. Ano, it's a deal?"
"Fine! Basta siguraduhin mong number na ni Kairee ang ibibigay mo after that cringe date."
"Ouch." Na-imagine ko siyang kumapit sa dibdib niya; dramatic.
"Hoy! Siguraduhin mong number na ni Kairee ang ibibigay!"
"Yes, trust me."
"You're not trustworthy." Bumuga ako sa hangin. "Paano ko ba masisigurong number ni Kai ang ibibigay mo kapag nakipag-date ako sa 'yo." Hindi na 'ko umasa na sasagot siya nang seryoso.
"You have my words, Shaz. Number ni Kai ang ibibigay ko. So it's all set! Saturday night--"
"Hapon, ayoko ng gabi."
He laughed. "I usually do dates at night pero sige na nga, mag-a-adjust na 'ko para sa 'yo."
"Wow, thank you ha," sarkastikong sambit ko.
"You're welcome, so Saturday in the afternoon sa hotel--"
"What? Anong hotel? Now way! f**k you!"
Puro tawa ang narinig ko sa kabilang linya. Humigpit ulit ang kapit ko sa phone, kaunti na lang ay bababaan ko na siya ng tawag; kaumay, kung hindi lang talaga para sa number ni Kai.
"Just kidding, Shazmin. Chill!" Hindi pa siya tapos tumawa; buti nga, nasamid-samid siya.
"Sa mall na lang tayo; kakain lang naman. It's a deal. Sa text na lang natin pag-usapan ang full details." Binaba ko ang tawag bago pa siya makaangal.
Hinagis ko ang cellphone, sinakto ko na sa kama pa rin ang bagsak. Humiga ulit ako saka bumuga sa hangin. Ang lakas mangtrip ng Adam na iyon. Kaasar! Na-imagine ko pa naman na textmate ko na si Kai sa mga ganitong oras. Nagtalukbong ako ng kumot, 'isang date lang, makukuha ko na ang number mo, my sweet crushie.'
Wala akong ginawa buong linggo kundi asikasuhin lang ang mga kailangan sa school since malapit na naman ang pasukan. Excited ako dahil madalas ko na ulit makikita ang crush ko; at the same time, nakakatamad; paniguradong tambak na naman kami ng mga school requirements nito.
Pagsapit ng sabado, iniisip ko ng umurong sa date na gusto ni Adam. Napabuga ako sa hangin saka sinuot ang mini skirt at oversized shirt ko. Nag-tuck in ako para kahit papaano ma-emphasize ang hubog ng katawan ko. Sayang naman ang number ni Kai kung hindi ko sisiputin si Adam. Isang date lang naman, lilipas din 'to.
Nakarating ako sa usapan naming restaurant sa loob ng isang mall. Badtrip, wala pa siya. Panay ang tingin ko sa relos. Sabi na, dapat hindi ko sinunod ang tinakda niyang oras.
Napabuga ako sa hangin nang sa wakas ay sumulpot siya sa entrance ng restau. Naka-oversized shirt siya at pants. Ang kapal ng mukha niyang ngitian ako samantalang late na late nga siya.
"Um-order na 'ko, napakatagal mo," ani ko nang umupo siya sa harapan ko.
"What did you order?"
I rolled my eyes. "Steak."
"Not bad." He smirked.
"Ikaw ang bad. Bwiset ka. Twelve ang usapan, twelve p.m; mag-aala-una ka na dumating. Gutom na gutom na 'ko."
"Sorry naman. Malay ko bang hindi ka Filipino time."
Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Sakto namang dumating na ang pagkain namin. Sa wakas, kanina pa may sumasapak sa tiyan ko; gutom na gutom na.
"Nice outfit, by the way," aniya habang naghihiwa ng steak.
"Hindi mo 'ko kailangang bolahin. This is not a serious date naman," ani ko bago sumubo.
Sunod-sunod ang subo ko; gutom na gutom talaga 'ko, aba. Daldal siya nang daldal pero di ko siya pinapansin, puno ang bibig ko para magsalita.
"Why do you want to date me anyway? One day date. Lol." Umirap ako saka uminom sa iced tea.
"I mean you're pretty, so why not."
Nangasim ang mukha ko. "Sabi ng wag mo 'kong bolahin. Hindi mo 'ko madadala sa ganyan-ganyan mo. Si Kai lang ang gusto ko."
"Hindi naman ako nambobola. Maganda ka naman talaga." He laughed.
I leaned on the table, mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Maganda in a way na magugustuhan ako ni Kai?" Tumaas-taas ang kilay ko.
"Maganda in a way na magugustuhan kita."
"Yuck!" Uminom ako ng tubig. Nangangasim ang lalamunan ko sa mga banat niya.
"Grabe ka mandiri ha." Tawang-tawa siya. "Sa gwapo kong 'to, napa-yuck ka pa?" Umiling-iling siya, nakangisi. "Ang daming babaeng nagkakandarapang magustuhan ko. You're lucky enough."
"Gwapo ka nga, fuckboy naman. No thanks."
"Iyong mga paratang mo sa 'kin, grabe na talaga ha." Kumapit siya sa dibdib niya, animo'y nasaktan talaga; ulol.
"Just stating facts. Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit nananakit ka ng babae? Hindi ka ba marunong magseryoso ha?"
Parang hanging biglang naglaho ang ngiti niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Na-offend ba siya? Well, hindi ko sinasadya.
"Hindi eh." Tumawa ulit siya.
Umawang ang labi ko. "Napakasama mo."
"I guess so. Sige, hindi ko na ibibigay iyong number--"
"Grabe naman. Wag gano'n. Tumupad ako sa usapan. Walang baiwan!"
"Napakasama ko diba? Might as well hindi na 'ko tumupad, gano'n ako kasama--"
"Adam." I gritted my teeth, pinipigilang mapasigaw. "Prove me wrong, then. Tumupad ka sa usapan." I gulped.
Maloko siyang ngumisi. "You like Kai that much ha."
"Definitely." Sumipsip ako sa iced tea.
"What do you like about him?"
"Everything."
"That's imposible."
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Just because hindi ka pa nakakakilala ng babaeng magugustuhan mo maski imperfections niya, that doesn't mean impossible na iyong gano'n."
Kuminang ang mga mata niya. Tila nahiya siya sa 'kin, nag-iwas ng tingin saka uminom ng juice niya.
Umawang ang labi ko nang may maisip. Napangiti ako saka maloko siyang pinaningkitan ng mga mata.
"Nakakilala ka na ng babaeng nagustuhan mo ang lahat maski ang imperfections niya 'no?"
Kinagat niya ang ibabang labi, nagpipigil ng ngiti. Aba'y ang cute niya rin pala lalo't lalong kumislap ang mga mata niya.
"Who's that unlucky woman?"
"Unlucky?"
"Oo, kasi malas siya sa 'yo."
"Okay. Hindi ko na bibigay--"
"Joke lang. Edi sige, who's the lucky woman?" Maloko akong ngimisi.
Umiling-iling siya, ayaw magsalita. From his deep chocolate eyes, tila ba pumasok sa alaala ko ang palagi niyang kasama 'pag nakikita ko siya.
My lips parted. "Si Kesha?"
Nabulunan siya. Iyan, inom pa nang inom ng tubig ha.
I laughed so hard. "Si Kesha nga? O.m.g! Kaya pala lagi siyang bina-bash ng mga nagkakandarapa sa 'yo ha."
"She's my best friend."
"And you like her." I smirked sabay biglang napanguso. "But if you like her, bakit hindi na lang siya ang ligawan mo? I mean, subukan mong magseryoso. Wag kang palipat-lipat ng babae; balimbing."
"Lahat ng babaeng nililigawan ko, nasasaktan ko. Ayokong isa siya sa mga masaktan ko."
"Tingin mo ba hindi siya nasasaktan na ganyan ang ugali mo? Fuckboy ka."
"It seems fine with her. Mas gusto niya nga ata iyong gano'n eh, para hindi rin kami magkahulugan sa isa't isa. We're best friends. Best friend don't fall."
"Pero nahulog ka?"
Binaling niya ang tingin sa steak saka naghiwa ulit. I smiled teasingly. May weakness din pa lang topic 'tong lalakeng 'to ha. Pinagpatuloy ko rin ang pagkain, hindi maalis sa isip na may tea akong nalaman tungkol kay Adam at Kesha. May bago akong chika kay Oliver.
Dumating ang dessert, iyon naman ang pinagtuunan namin ng pansin hanggang sa hindi na napigilan ng bibig ni Adam na dumaladal ulit.
"Kai is a very mysterious man," aniya sabay subo ng ice cream.
"Alam ko."
"Edi alam mo rin na maliit lang ang pag-asa mo sa kanya?"
Napatingin ako sa kanya; ang mga mata ko'y nagmistulak kutsilyong sinasaksak siya.
"What? Binabalaan lang kita, baka umasa ka nang umasa sa kanya."
"Alam kong may pag-asa ako."
He shrugged. "Priority ni Kai ang pag-aaral. Minsan lang iyan sumama sa mga get together naming magtotropa, madalas si Cassy pa ang kumukulit sa kanya. He listens to Cassy more than anyone in our circle."
"Alam kong gusto niya si Cassy. Hello, ilang beses na iyong pinamukha sa 'kin ni Kai."
Naging amuse ang mukha niya. "Sinabi niya sa 'yong si Cassy ang gusto niya?"
"Oo nga. Hindi naman permanent iyon. Mawawala pa iyon. Besides, wala namang gusto si Cassy sa kanya diba?"
"I don't know about that." Nagkibit-balikat siya na may kasamang pa-misteryosong ngiti.
Umirap ako saka pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream; natunaw na pala. Buti'y kaunti na lang iyon kaya hinigop ko na.
Napatingin ako sa card na nilahad sa 'kin ni Adam nang matapos kaming kumain.
"Magugulat talaga 'ko 'pag naging kayo ni Kai." Ngumisi siya.
Hinablot ko ang calling card sa kamay niya. Tinitigan ko iyon. 'Kairee Wozeldee' ang nakaukit doon kasama ng isang phone number.
"Sigurado kang number na talaga 'to ni Kai?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"You have my words, Shazmin. By the way, thanks for this date. Nilabas niya ang phone saka tumalikod sa 'kin, inangat niya iyon. Nakipag-selfie pa ang gago, ngumiti na lang ako sa camera. Ilang takes ang kinuha niya kaya napasimangot na ako sa ibang larawan.
Sinagot na ni Adam ang bill saka niya 'ko hinatid sa bahay namin. Aba'y gentleman nga siya kung umarte, no wonder, maraming nahuhulog na babae sa patibong niya. Except sa 'kin, syempre. Focus lang ako kay Kai.
Ilang beses kong tinitigan ang calling card, nagdalawang isip pa 'ko kung magte-text ba ulit. Baka mamaya'y pinagtitripan na naman ako ni Adam.
Nanuod na lang muna 'ko ng Netflix series habang pinag-iisipan ang mga sunod na hakbang para makuha ko ang puso ni Kai.
"Anak, Shazmin! Dinner is ready!"
"Coming, mommy."
Nagtungo agad ako sa dining area, naabutan ko si mommy na nakaupo na sa dulo ng table. Umupo ako malapit sa pwesto niya para madali lang kaming makapag-kwentuhan.
Pumasok sa ilong ko ang halimuyak ng adobong tuyo. Kuminang ang mga mata ko lalo nang makitang puno ng sili ang ulam naming adobo; my favorite recipe by mommy.
"Wow! Thanks for this, mom. Mapaparami na naman ako ng kain nito."
"As you should, para hindi ka mangayayat," ani mommy.
I laughed saka naglagay na ng kanin at ulam sa pinggan ko. Sumubo agad ako; napaso tuloy ang dila ko pero sige pa rin ako sa pagnguya. Ang sarap talaga ng adobong maanghang.
"How's your preparation for school? Kumpleto na ba ang mga gamit mo?" tanong ni mommy sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Yes, mom."
"Excited ka ng pumasok?"
Napangiti ako. "Medyo."
"Sus sisilayan mo lang ang crush mo ro'n eh." Tinignan niya 'ko nang masama pero may bahid pa rin ng mapang-asar na ngiti.
"Syempre. Siya lang naman ang inspiration kong pumasok, mommy."
Sobrang swerte ko talaga na nakakapag-open up ako kay mommy sa mga ganitong bagay. I heard si Oliver kasi ay nahihiyang magsabi sa parents niya. Mahirap talaga 'pag nailang na ang anak sa magulang. Buti na lang bagets si mommy.
"Hay naku, anak. Baka sa kanya na umiikot ang mundo mo ha. Paalala, wag mong gawing mundo ang tao lang."
"Hindi naman, mom."
"Sinasabi ko sa 'yo, kung ayaw pa rin sa 'yo ni Kai, anak. Hindi pa katapusan ng mundo, okay?"
Tumawa ako. "Opo, mommy pero ramdam ko talaga na malaki ang pag-asa ko sa kanya."
Tumaas ang isang kilay niya. "Nagbibigay ba siya ng motibo?"
"Dati hindi niya 'ko sinasabayang mag-jogging, ngayon hinihintay niya na 'ko." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Actually, tatlong beses lang nangyari iyon, sa mga sumunod na araw, panay na ulit ang habol ko sa kanya kada jogging.
Mommy smiled. "Maybe it's a sign, pero wag ka pa rin masyadong umasa, anak. Maraming paasang lalake, alam mo iyan."
"Yes, mommy. Basta ramdam ko talagang may pag-asa ako."
Kung ano-ano pang pinayo sa 'kin ni mommy tungkol sa mga lalake, sa crushes, at sa love. Nabanggit niya pa nga ulit ang paasa kong daddy na ilang ulit siyang niloko.
Wag daw akong gagaya sa kanya na nagpaloko at nagpakatanga sa isang lalake. Sa isip ko nama'y hindi ganoong klaseng lalake si Kai. Siguro 'pag nagmahal siya, iyong tipong seryoso talaga. Ibang-iba siya sa daddy ko.
Para akong tangang nakatitig sa kisame ng kwarto ko habang iniisip kung ano kayang pakiramdam na mahalin ng isang Kairee Wozeldee; paano kaya maglambing ang isang supladong lalake na tipid na tipid kung magsalita. Hinawakan ko ang dibdib kong nakikiliti sa sariling imahinasyon, sobrang swerte talaga ng magiging girlfriend niya; pakiramdam ko'y almost perfect talaga siya.
Kinuha ko ang calling card na binigay ni Adam saka sinave sa cellphone ko. Nag-type ako ng mensahe.
Hi Kairee
Binura ko iyon. Baka mamaya'y kalokohan na naman ni Adam ang number na 'to, baka sa kanya ulit 'to!
Bumuga ako sa hangin saka tinawagan ang phone number. Gusto kong marinig ang boses ng may-ari para makasigurado ako.
Ilang rings ang narinig ko bago may sumagot ng tawag; kumalabog ang puso ko. Kinagat ko ang bibig ko, pinipigilang mapairit sa kaba. Wala 'kong plano magsalita, gusto ko lang pakinggan ang boses pero tanging hangin lang ang narinig ko sa kabilang linya.
Mariin akong pumikit, pinakiramdaman ang hangin at ang mahinang paghinga sa kabilang linya. May nagtambol sa dibdib ko, pakiramdam ko'y si Kairee na nga talaga ang na sa kabilang linya.
"Kairee?" Mariin akong pumikit, hindi na makahinga sa dami ng sumusuntok sa dibdib ko.
"Who's this?"
Nilayo ko ang phone sa tainga saka ngumanga nang sobra; pinilit kong walang lumabas na boses pero sa loob-loob ko'y sigaw na ako nang sigaw. I cleared my throat bago muling dinikit ang phone sa tainga.
Bumuga ako sa hangin.
"Kai--"
Tunog ng end call gumuhit sa tainga ko. Tinignan ko ang screen ng phone.
Call ended.
Pinatayan niya 'ko ng tawag. Ngumuso ako pero muling napangiti at nagtatatalon sa tuwa. Para akong bata na binalibag ang sarili sa kama. Kiti-kiti akong nagpaikot-ikot sa higaan; tila ba ang daming kumikiliti sa akin at tumataba ang puso ko sa galak.
Kinalma ko ang sarili; sumandal ako sa headboard ng kama. Napapadyak pa ako at mahinang tumili-tili bago ko nakalma ang sarili.
Inayos ko ang mga buhok na humarang sa mukha ko. I took a deep breath saka kinuha ulit ang cellphone. Tinitigan ko ang phone number ni Kai.
Napangiti na naman ako, mariing pumikit at nagpapapadyak nang maalala ang husky niyang boses sa call. Grabe! Maski sa tawag halatang-halata ang taglay niyang ka-gwapuhan; medyo suplado nga lang ang tunog pero gwapo pa rin!
Nanginginig pa ang mga daliri ko nang magtipa ako ng mga letra para i-send sa kanya.
Pikit-mata kong sinend ang natipa ko, bahala na kung ite-take niya as a joke o seryoso.
Nang dumilat ako para tignan kung na-send. Nalaglag ang puso ko nang ma-realized ang sinabi ko. Baliw! Sinaniban ako ng kabaliwan! Nagpapadyak ako sa kama.
Naalala ko ang nabasa kong fiction book noon na may isang babae na crush na crush iyong lalake, in the end, niligawan niya iyong guy. As in, babae ang nanligaw sa lalake. Ilang beses siyang na-busted nito hanggang sa isang araw, nahulog na rin ang lalake sa kanya. Kaya malay mo ganoon din ang mangyari sa 'kin, baka eventually, mahulog din ang crush ko kapag pinursue ko siya nang pinursue.
Nginig na nginig ang dibdib ko nang basahin ulit ang na-send kong text message.
Kai, it's Shazmin; can I court you?