"Kamusta kaya si Kai? Mag-isa lang kaya siya sa bahay nila ngayon?" Binagsak ko ang katawan sa kama, tumitig sa kisame't iniisip kung gaano kalungkot ang bahay nina Kai. Sobrang lungkot siguro; although, hindi naman porque mag-isa ay malungkot agad. Baka lang nalulungkot siya kasi syempre ang tahimik malamang ng bahay nila. "Gusto ko siyang samahan." Mahina kong sinampal ang sarili. "As if namang papayag si Kai at mommy ko. Ang ambisyosa talaga ng isip ko, minsan." Umupo ako't sumandal sa headboard. Sinuklay-suklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri. Hapon na; hindi ako nagising nang maaga kanina. Isang beses lang kasi ang sabado, ang sarap humiga lang tuwing sabado; hindi tuloy ako nakapag-jogging, hindi ko nasabayang mag-jogging si Kai. "Hinanap niya kaya ako o hinintay kaninang

