"Shazmin! Anak!" Kanina pa katok nang katok si mommy sa kwarto ko. Nagtalukbong ako ng kumot, tinakpan ko rin ang tainga ko. Ang bigat pa ng talukap ko't maski ang katawan. "Mommy, linggo ngayon diba?! Please let me sleep in peace!" "It's ten p.m, Shazmin! Bumangon ka na. I need to talk you!" Inalis ko ang kumot sa mukha ko. Hirap na hirap akong idilat ang mga mata ko. Tinignan ko iyong pinto na kaunti na lang ata'y mawawasak na ni mom kakakatok niya. "Wait! Five minutes!" Sumandal ako sa headboard, nag-inat-inat muna. Tinatamad pa 'kong bumangon para i-unlock iyong kwarto ko. Habang nag-i-stretching, napangiti na lang ako bigla. One week na ang nakalipas nang sabihin ni Kai na may gusto siya sa 'kin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon makalimot-kalimutan. Lalong lumawak ang

