"What happened?" Nilapag ni Kai ang tasa ng kape sa coffee table saka siya umupo sa tabi ko sa may sofa. Tinitigan ko ang malaking television sa harapan namin. Humigop ako sa mainit na kape. Kumalma na ang dibdib ko. Ni'hindi ko alam kung ba't ako naiyak nang ganoon. Wala naman na sa 'kin kung broken family kami; tanggap ko na. Ewan, bigla na lang akong nag-breakdown. Thanks to Kai though, kumalma ang dibdib ko. Kahit papaano'y sumilay ang liwanag sa puso ko lalo nang alukin niya 'kong pumasok sa kanila; binigyan niya pa 'ko ng kape na sobrang sarap talaga. "What made you cry?" Nabalik ako sa huwisyo sa muli niyang pagtanong. Tinitigan ko siya sa mga mata. Ang lapit niya sa 'kin but not to near. Nagdidikit ang mga binti namin, nakakakilig na ewan. I looked away, parang bigla na namang

