"Grabe! Ang ganda talaga dito; sana lahat may rest house sa Pangasinan ta's katapat pa talaga ng beach!" Kantyaw ko kay Kairee habang nakatanaw ako sa bintana kung saan kitang-kita ang asul na dagat at puting-puting buhangin. "Sa future, we'll buy a rest house for our own family," aniya habang nakatutok pa rin sa libro at nakasandal sa headboard ng kama. Kahapon pa kami nandito; inaya ko siyang mag-beach trip ulit nang kaming dalawa lang since stressful ang mga nagdaang araw. Akala ko nga'y tatanggihan niya 'ko dahil mukhang busy na busy siya palagi; luckily, um-agree naman siya sa gusto ko. "Ano ba iyang binabasa mo?" Binagsak ko ang katawan sa kama saka sinilip iyong libro niya. "About Neuroscience." Bumuntong hininga ako saka dumapa; sinalo ng palad ko ang panga ko. "Kahapon mo p

