"Anong party pupuntahan nila Kai?" Kinabit ko ang seatbelt nang makasakay ako sa kotse ni Adam. Wala pang isang minuto nang makaalis sina Kairee ay sumulpot na siya. "Party? I don't know. Baka charity party; they're parents are both doctor. Baka may pa-campaign kuno na naman sila para makahakot ng donations for their charity." Nagsimula na siyang magmaneho. Pinunasan ko ng panyo ang wrists kong nabasa sa ulan. "Ah doctor din pala magulang ni Cassy?" "Her mother." Tumango-tango ako, pinagmasdan sa bintana ang malakas na ulan. Ang lungkot tuloy ng daan. Wala ng gaanong tao. Pinakaayaw ko ang rainy season. May something sa ulan na pinapalungkot ako. Basta, masyado lang gloomy. "Selos ka naman agad kay Cassy." Napatingin ako kay Adam. Nginisian niya 'ko sabay tingin agad siya sa daan

