"I'm sorry, Kai." Nagtalukbong ako ng kumot, mariing napapikit at kinikim ang tili sa kaloob-looban ng lalamunan ko. Wala na 'kong narinig na sinabi niya. Ilang beses akong bumuga sa hangin para kalmahin ang nagwawala kong dibdib. Hinalikan ko siya sa pisnge; ang lambot ng pisnge niya. Gusto ko pang umisa. Pinalo ko ang pisnge ko. "Tumahimik ka na, Shaz; behave," untag ko sa sarili. "Are you talking to someone?" Nanigas ako nang lumubog iyong kama bandang kaliwa ko. Hindi ko inalis iyong talukbong ng kumot sa mukha ko pero ramdam ko, damang-dama ko na humiga siya sa tabi ko. Oh my God! Mababaliw na ata talaga ako ngayong gabing 'to. Na sa panaginip na ba 'ko? Bakit parang hindi makatotohanan iyong mga nangyayari. Nanatili akong nakatago sa kumot. Umayos ako ng higa't pinakiramdaman la

