"Misis Wozeldee, you are eight weeks pregnant." Napanganga ako, kulang na lang pasukan ng lamok iyong bibig ko habang nakatingin ako kay doktora. Napatitig ako sa ultrasound, hindi pa buo iyong baby pero ramdam ko na iyong namumuong pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako sigurado sa magiging reaksyon ni Kairee. Hindi ko siya sinama. Wala siyang kaalam-alam na nagpa-check up ako sa O.B. I wanted to surprise him. Medyo kinabahan lang ako nang ma-confirm na magkakaanak na nga talaga kami. After two years of being married, magkaka-baby na kami. Habang tinuturo ni doktora iyong baby sa screen, hindi ko napigilang maluha. Kakaiba iyong pakiramdam, parang may namumuong bahaghari sa dibdib ko; nakaka-overwhelm, may bubuhayin ako at aalagaan sa tiyan ko. Hindi lang iyon, si Kairee pa ang ama, iyong
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


