Fourteen: Isang linggo ang matulin na lumipas. ilanga raw akong naging main attraction sa University hanggang sa humupa ang issue at nabaling ang pansin nila sa iba. Simula noon hindi ko na pinansin sina Janet.Mukhang alam ko na kung bakit hindi nila ako napapansin sa tuwing kakawayan ko sila sa hallway. Si El ang nasa tabi ko. Iniwasan naming pag usapan ang nangyari. Sobra siyang nag aalala sa akin pero mula noong inaway ko siya ay nag iingat na siya sa lahat ng sasabihin niya. Bumalik siya sa dati at lagi akong inaasar para makalimutan ko yung nangyari. Pero kapag hindi ko siya kasama, nagbabago ang lahat. I became too indiffirent, too intrapersonal, and I ought to trust anyone again. Psychotic episodes. Delusions.. Kailangan ko na bang magpatingin sa psychiayrist? No hindi ako bal

