MSTTOYL3

1619 Words
Hindi ako nagkakamali, alam kong si Lexus ang taong 'to. How can I forget? That's the same name he used to call me before! Hinablot ko ang kan'yang sombrero at salamin sa mata. Tumambad sa'kin ang pagmumukha ng lalaking minahal ko dati, ang mukhang bumihag ng damdamin , puso at kaluluwa ko, ang lalaking bumasag sa mundo ko noon! "Anong ginagawa mo rito?" May poot sa'king boses habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa galit. How can he face me right now? After what he did to me? Bakit nakakaya pa nitong magpakita sa harapan ko. "Fay," tawag nito sa pangalan ko. Biglang tumindig ang balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kung bakit sa tagal ng panahon ay apektado pa rin ako. Sa simpleng pagtawag palang nito sa pangalan ko ay para akong nakukuryente. Marahan akong napaatras papalayo sa lalaki. Ayaw ko, ayaw ko na! Hindi biro ang dinanas kong kasawian sa kamay niya. Kung sa tingin niya ay mapapaikot na naman niya ako ngayon, diyan siya nagkakamali. Hindi na ako 'yong Neneng nakilala niya dati, I changed, at sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako mauuto! "Umalis ka na rito!" mahinang sigaw ko sa lalaki. May pagpipigil sa boses ko dahil nasa harapan kami ngayon ng bahay, ayaw kong makita kami ng mga magulang ko at magtaka sila kung sino ang lalaking 'to. My parents didn't know about Bambi's real father. Ilang taon kong itinikom ang bibig ko sa totoong nangyari sa'kin. Hindi nila alam kung sinong lalaki ang nakabuntis sa anak nila. Pinili kong tumahimik para sa kapakanan ni Lexus noon, gan'yan ko siya kamahal! Pero sinuklian niya ng kagaguhan ang marter kong pagmamahal sa kan'ya kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito siya sa harap ko ngayon. "Leave me alone Lexus!" "Ayaw ko," tugon ng lalaki. Napakatigas pa rin ng ulo niya, hindi pa rin talaga ito nagbabago. Dahil alam kong walang patutunguhan ang pagpapaalis ko sa kan'ya, tinalikuran ko na lang siya at nagpasya na pumasok na lang ng bahay. Wala rin naman akong mapapala sa pakikipag-usap sa lalaking 'to, we're already done a long time ago. Nang akmang maglalakad na ako ay bigla nalang nitong hinila ko dahilan para masubsob ako sa matigas nitong dibdib at makulong sa mga yakap nito. What the f**k he's doing right now?! "Asshole! Let go of me, sasampahan talaga kita ng kaso!" saad ko. "Go on, sige lang Fay. Handa naman akong makulong matikman ko lang muli ang labi mo," he replied. Mula sa pagkakasubsob sa dibdib ni Lexus ay napaangat ako ng tingin sa mukha niya. Malagkit ang pagkakatitig nito sa mga mata ko at unti-unting bumaba ang mga mata nito sa mamasa-masa kong labi. I gulped when I saw him lick his lips, kinabahan ako bigla sa paraan ng pagdila nito. Hindi ko na nabalaan ang sistema ko at agad itong nag-react sa ginawa niya. "B-bitawan mo ako," nauutal ko pang ani. "Natakot ba kita?" tanong nito. Puno ng pag-aalala ang boses nito. Kung hindi ko lang talaga kilala ang pagkatao nitong si Lexus ay aakalain kong napakabuti niyang tao. Pero hindi eh, alam ko ang kulay ng budhi ng lalaking 'to kaya ang hirap paniwalaan ng mga kilos niya. Itinulak ko nang malakas si Lexus at napaatras siya ng kaunti. I face him with full of hatred and anger in my face. Pinapakita ko lang kung anong ginawa niya sa'kin. "Ano pa bang kailangan mo?" I said in a monotone voice. "Kailangan mo na naman ba ng isang puta na pwedeng maging parausan?" I added. Muli kong tinignan ang pagmumukha ng lalaki. Gwapo pa rin ang mukha ni Lexus kahit nagdaan na ang anim na taon. Mas lalo nga lang na-depina ang facial features nito, siguro dala ng pagtanda. I can see some beard on his chin and mustache. Para siyang isang hot na sugar daddy sa ayos niyang 'to, malayong-malayo sa mala-chick boy style niya noon. Kung noon ay nakikita ko si Leonardo DiCaprio sa kan'ya, ngayon naman ay kamukha na niya si Keanu Reeves, younger version. Hindi umimik si Lexus sa naging tanong ko sa kan'ya, bagkos, lumambot ang reaksyon ng mukha nito nang makita ang galit kong mga mata. "Gusto lang kita makausap Fay, gusto kong malaman kung kamusta ka na." Halos hindi ko pa marinig ang boses nito dahil sa hina ng pagkakasabi niya sa'kin ng mga katagang 'yon. "If you're wondering, how am I now, I'm much better Lexus, thanks to you," sarkastikong sagot ko. "I want you back," diretsong ani ni Lexus sa'kin. Halos umusok pa ang ilong ko dahil sa narinig. Ang kapal nga naman talaga ng pagmumukha niya. He's getting into my nerves, parang gusto ko na lang siyang tadyakan sa puson. "Ha?" Halos magpigil ako ng hininga habang nagsasalita. Kailangan kong makasiguro na tama ang pagkakirinig ko sa sinabi niya. "I want us back," ulit pa nito. Ang tibay! At inulit niya pa talaga. Prente lang itong nakatingin sa'kin na para bang minamarkahan niya na naman ako bilang pagmamay-ari niya. "Nababaliw ka na ba? Sa palagay mo tatanggapin kita ulit?" Napatawa ako at kamuntik pa akong gumulong sa semento. Hindi ako makapaniwalang ganito siya ka-desperado. "Bakit Lexus? Naglalaway ka naman na ba ulit sa'kin? Gusto mo na naman ba'ng matikman ang buo kong katawan?" I mockingly asked. "Paano kong sabihin kong.. Oo?" Natameme ako at halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Sa tingin mo ay papayag ako?" tanong ko naman. I gather all my courage to slap his face really hard. "Kulang pa 'yan, kulang na kulang pa 'yan Lexus!" galit kong ani. "Hindi ako isang manika na kapag nagsawa ka na ay itatapon mo na lang at saka babalikan kapag kailangan." Napaiyak na ako. Hindi ko na nakontrol pa ang sariling emosyon ko at nag-uunahan na sila sa paglabas. I've been hiding my pain for six years, ilang taon kong pinilit buuin ang sarili ko na winasak niya simula nang iwan niya ako. Bakit ganoon na lamang sa kan'ya ang lahat? Ganito ba ako kahina para paglaruan ulit? "Nabuo ko na ulit 'yong sarili ko eh, bakit kailangan mo pang bumalik?" umiiyak kong tanong sa kan'ya. Pinagpapalo-palo ko ang dibdib niya, lahat ng galit ko ay ibinuhos ko sa bawat paglapat ng kamay ko sa katawan niya. He deserve this, he deserve this pain! "Shh, andito na ako Fay. Huwag ka nang umiyak." Sinalo nito ang kamay ko at pinunasan niya ang mga luhang namamalisbis sa mukha ko, pero hindi ako nagpadala. "Umalis ka na, ayaw ko na muling makita ka. Patay ka na Lexus, patay ka na sa alaala ko." Tinalikuran ko siya at binuksan ang gate ng bahay para pumasok. Hindi ko nilingon ang lalaki at hindi niya rin ako pinigilan sa pag-alis. "Fay." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses sa tumawag sa pangalan ko. I saw my father standing beside our door. Hindi ko alam kung nasaksihan niya ba ang lahat ng pangyayari pero bigla na lang nangatog ang mga tuhod ko. "Papa?" tawag ko sa ama. Seryoso ang pagmumukha nito atsaka pinaglipat-lipat ang paningin nito sa'min ni Lexus na nasa labas ng gate. "Bakit hindi mo papasukin ang bisita mo?" tanong pa nito habang nakatuon ang mga mata kay Lexus. Dali-dali kong hinarap ang lalaki sa labas at halos mawindang ako nang nakipag-titigan ito kay Papa. Nababaliw na ba siya?! "A-alis na rin h-ho siya, hinatid niya lang ako pa," pagsisinungaling ko. "Papasukin mo muna 'yang kaibigan mo," saad ni Papa. Wala na akong nagawa kun'di ang papasukin ang lalaki sa loob ng gate. Agad yumuko si Lexus upang magbigay galang kay Papa na seryoso pa rin ang mukha. "Magandang hapon po," ani ni Lexus. "Lexus Montecorpuz." Napaubo ako nang banggitin ni Papa ang pangalan ni Lexus. Biglang lumaki ang mga mata ko dahil do'n. "Nakabalik ka na pala," si Papa. Ibinaling naman nito ang paningin sa'kin. "Sumunod na kayo sa loob Fay, hinihintay ka ng Mama mo." Pagkatapos niyang sabihin sa'kin 'yon ay naiwan kami ni Lexus sa loob ng bahay. Si Lexus na prenteng nakatayo at chill lang ang pagmumukha na para bang hindi siya nagulat sa sinabi ng Papa ko. Nagsimula itong maglakad patungo sa pinto namin nang bigla akong humarang. "Hep, hep, hep!" Humarang ako sa dinaraanan niya at napatigil naman ito sa paglalakad. "Sunod na raw tayo Fay, hinihintay na tayo ni Mama," kaswal nitong wika. Ano raw? Mama? "Naka-drugs ka ba?" inis kong tanong. "Huwag mo akong good-time-in ngayon Lexus! Kakalbuhin talaga kita." "Ano bang problema mo? Pinapapasok na nga ako ng Tatay mo ah," patay-malisya nitong sagot. Hindi ito tumitingin sa mukha ko at obvious namang umiiwas ito. "Huwag mong pairalin ang pagka-abnormal mo sa'kin ngayon!" "Hala? Grabe siya? Abnormal agad?" Mas lalo pa akong naiinis dahil sa klase ng pagsagot niya sa'kin na parang naglalaro lang. Mariin kong hinila ang buhok nito at napa-aray naman ito sa sakit. Hinila ko ang buhok niya at inilapit ko ang pagmumukha ko sa kan'ya para matitigan ko siya habang pagtatanong. "Bakit kayo magkakilala ni Papa?" seryosong tanong ko. Our faces are just inches apart from each other. Kaunting pagkakamali ay mahahalikan ko siya. Akala ko sasagutin na niya ang tanong nang biglang, "Anong shade ng lipstick mo? Infairness, bagay sa'yo," usal ni Lexus. Nabitawan ko ang buhok niya at napapadyak na lang sa inis. Mukhang wala akong makukuhang matinong sagot galing sa kan'ya. Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya at napagpasiyahang pumasok na lamang habang naririnig ko naman ang mga panaka-nakang tawa nito dahil sa nangyari. Argh! I hate him. I really need to find a way para mapaalis ulit siya sa buhay ko. There's no way I'm gonna let this man ruin me again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD